Trenta

159 10 0
                                    

Dane

"Ano na ang iyong pasya?" Biglang tanong ni Mayu ng magkita kami ulit sa kusina. Alas tres ulit ng madaling araw.

I inhaled deeply. "Maipapangako mo bang, iingatan mo si Kuya ko?" Seryosong tanong ko sa kaniya.

Ngumite siya at tumango, nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa naging sagot niya.

"Oo. Gusto kong pumunta doon. Matutulungan mo ba ako?." Tanong ko sa kaniya.

"Bago kita papuntahin doon. May mga bagay ka munang dapat malaman tungkol sa kanila." Seryosong sagot niya saakin. I grab one of the apple once again and ate it while listening to her.

"Una. Wala kang pagkakatiwalaan. Kundi ang ipapasama ko sa'yo."

"May kasama ako?"

"Oo. Dahil hindi mo kasama ang kapatid mo." Sagot niya at napatango ako.

Ayaw ko kasing idamay si Kuya sa gusto kong puntahan. Baka mapahamak siya at saka ako naman ang may kailangan sa lugar na'yon eh.

"Wag kang basta-basta kumain ng mga niluto nila. Hindi 'yan basta basta pagkain, minsan kapag kumain ka niyan hindi mo alam tao na pala ang nakain o kinakain mo." Nakangiseng dugtong niya at muntik na akong masuka.

"Hindi sila takot sa araw, pero mas malakas sila pag gabi. Wag kang gagawa ng away kung ayaw mong mamatay. Ang mga aswang ay walang tinatagong sikreto bukod sa pagiging aswang nila sa mga tao. Kaya kung may tatanungin ka sa kanila, itanong mo kaagad. Pagkapasok mo doon, magpapanggap kang nawawala at kailangan mo ng matutuluyan and so it happens na apo ka ng isa sa kanila. Ang mga aswang ay hindi pumupuntirya ng mga kadugo." Mahabang litanya niya at parang sumabog yata ang utak ko.

Hindi siya tumitira ng kadugo? Pero bakit gusto kaming kainin ni Lola Maricar?. Hindi niya ba kami apo? O hindi talaga siya ang Lola namin? Mayu said kaya nilang magbalat kayo.
Hindi kaya?. Hindi kaya kinain nila si Lola at 'yang kasama namin doon sa bahay ay hindi ang totoong Lola namin?.

"Sino ba ang makakasama ko?" Biglang tanong ko sa kaniya.

I jaw literally dropped ng biglang may isang lobo na biglang sumulpot sa kusina at naging tao bigla.

"Y-you! Taong lobo!" I exclaimed sa subrang gulat.

Nagbow ito at ngumite ng marahan. "Mahal ko"

Pabalik balik lang ang tingin ko sa kanilang dalawa.

"You exactly know each other?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanila.

Ngumise si Mayu at tumango. Napatingin ako kay taong-lobo na hindi parin ako binabawian ng tingin habang may mga ngiteng nakapaskil sa mga labi niya.

"A-anong pangalan mo?" Nahihiyang tanong ko sa kaniya. Kasi naman laging Wolf-guy o taong lobo lang ang tawag ko sa kaniya.

"Icarus" Nakangiteng sagot niya at nairita ako bigla sa mga ngite niya. Lagi nalang kasi siyang nakangite, hindi ba sumasakit ang panga niya?.

Bumaling ako kay Mayu na tahimik na nakamasid. "Kailan kami aalis?" Tanong ko sa kaniya.

"Hindi kayo pwedeng umalis ngayon dahil alas tres palang ng madaling araw. Maybe later four A.M" Sagot niya.

Napatingin ako sa pinto ng kwarto ni Kuya at napabuntong hininga. Iiwan ko na talaga siya. Hindi naman ako magtatagal.

Kumuha nalang ako ng papel sa gilid at nanghingi ako ng ballpen kay Mayu para magsulat para kay Kuya.

Dear: Brother Drew,

Hey brother! Sorry for leaving without having a 'paalam' to you. Maiiyak siguro ako pag ganun at sure akong hindi mo'ko papayagan.

Don't follow me. Just wait for me. One week lang naman ako doon and I promise! Hindi ako magpapakain sa aswang! Hehe.

Love you brother! Wag mo muna akong hanapin ha?. Babalik naman ako. Don't bother Mayu for my whereabouts. Gusto ko kasi ng kasagutan basta explain ko lang sa'yo kahit alam ko namang mababaw lang ang dahilan ko.

Love,

Your Sister

Dane Asuncion

Huminga muna ako ng malalim bago ilagay sa side table ang sulat ko para kay Kuya, hinalikan mo muna siya sa pisngi bago malungkot na lumabas ng kwarto at nakangiteng tinignan si Icarus na marahan ang pagkangite saakin.

Hinatid kami palabas ni Mayu.

"Mag-iingat kayo, isigaw niyo lamang ang pangalan ko kung sakaling kailangan niyo ako at asahan niyong dadating ako." Nakangiteng sabi niya na walang emosyon ang mga mata.

"Salamat. Ikaw na ang bahala kay Kuya." Sabi ko at tinignan si Icarus.

Pero nagtaka ako. "Saan pala kami sasakay?" Baling ko kay Mayu.

Tapos bigla nalang nagtransform si Icarus na muntik ko ng ika-atake sa puso.

"Sa akin, Mahal ko"

"Omyghod. S-sasakay ako... s-sa'yo?" Gulat na tanong ko sa kaniya.

"Oo. Sakay na. Have a safe trip." Tulak saakin ni Mayu at parang tangang ngumite.

...
SP

Trip To CapizWhere stories live. Discover now