CHAPTER 2

88 7 0
                                    

My heart was about to explode in my chest. Hindi ko rin alam kung bakit ako kinakabahan, curious lang naman ako kanina.

Ngunit biglang nawala iyon nang may bumungad sa boses.

"Low?" Bata. Bata ang boses. For about 4 years old or below. Basta bata ang nasa linya. Pero bakit bata ang sumagot? Bakit nakalagay ang number na ito sa notebook ni Art?

Thousand of scenarios ran in my head pero isa lang ang pinagtuunan ko ng pansin: may... anak siya?

Mas nakumpirma pa iyon nang makarinig ako ng babaeng boses sa kabilang linya. "Jusko, Davon! Kung ano-ano na naman ang kinakalikot mo sa cellphone! Ano na naman ba 'yan-" Biglang naputol na roon ang tawag. Nanghihina akong napaupo. All this time may anak si Art sa iba? Bakit hindi niya nasabi sa akin ang lahat ng ito? Gulong-gulo na ako. I want to shower Art with a million of questions pero... wala na siya para sagutin ang mga tanong itong di na ata mabibigyan ng kasagutan.

With that thought in mind, I slept with a heavy heart.



KINABUKASAN, pinilit kong wag muna intindihin ang naganap lang kagabi. Kakatapos ko lang maging malungkot, ayokong dahil sa panobagong problema ay magbabago na naman ako. Yun nga lang, Sabado ngayon at wala akong magawa. Ang mga trabaho ay naiwan sa Office at doon ko lang magagawa ang mga iyon.

Sinubukan kong mag-grocery na lang para may panlibang. Effective naman, dahil nawala-wala sa isip ko. Pero panandalian lang pala iyon dahil pagkarating na pagkarating ko sa bahay, bumungad ang numerong kinontak ko kagabi. Nanginginig na tinitigan ko ang screen. Bakit ito tumatawag pabalik? Hindi kaya ay gusto niyang tawagan si Art? Pero patay na si Art, hindi ba siya aware roon? Hindi ba sinabi ni Art na may sakit siya na nakakamatay para hindi ito masaktan?

Ay, sana all kung ganoon.

Sa galit na namumuo, sinagot ko ang tawag. "Oh, bakit ka napatawag? Kay Art ba? Sorry to burst your bubble but he died 6 months ago. Kaya kung tinatawagan mo siya ngayon para panindigan na iyang bata-"

"Excuse me?" Lalaki ang sumagot na ikinatigil ko. Wait, is this the another lover of the girl? Wow, what a slut!

May Art na nga at nagawa pang mag-jowa ng isa. Malandi yarn? At eto namang Art na ito, papatol na lang sa iba sa malandi pa.

"And who are you? Are you one of her lovers? Well, tell you what, she's been cheating on you with my last boyfriend-"

"What are you talking about, woman? You called to have me translate something for you, right?" Mas naguluhan ako. Translator?

Bumalik sa aking alaala ang Mandarin ni Art sa notebook. Kaya ba pang-ibang bansa yung number? Kaya ba nakalagay ito... sa notebook niya?

Oh. My...

"H-Hala sorry, my bad! I mistook you for someone else." Hiyang-hiya ako sa nangyari. Kung ano-ano pang sinabi kong bungad sa kanya!

Matagal bago siya sumagot. "Well, what is it that you want and called yesterday? I'm sorry for some interruptions too, that someone answered it instead of me."

"It's fine," nakakagat labi kong saad. "Well, I'm going to ask if you do Mandarin translations?"

"I do." Nakahinga ako nang maluwag. "And my service for Mandarin costs 100,000 pesos."

Doon na nanlaki ang mata ko. "What?!"

"What do you mean, "what?!"? Hoy, babae," My heart hammered at his tagalog accent. Alam mo kaagad na Pilipino rin. "Alam mo ba kung gaano kahirap ang Mandarin? Plus, yung symbols pa roon na takes time bago malaman."

"Bakit ka naman mahihirapan?" Hindi ko mapigilang sabi. "Kaya nga trabaho mo translator, di ba? Bakit ka mahihirapan sa translation?"

"Chinese language has many terms, woman. Malay ko ba kung anong klaseng Chinese 'yang pinapa-translate mo."

His Journal Notebook (Completed)Where stories live. Discover now