4 📸

83 13 0
                                    

May usapang messenger screenshot, you NEED to be ONLINE for the best reading experience.
﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏

Laurene loves mingling with people. Pasasaan ba't nanalo rin siyang Miss Congeniality minsan. Sunod kay Melody, siya ang pinaka-outgoing sa grupo.

Pero may mga panahong gusto rin niya ang mapag-isa. Her favorite hours are between nine in the evening until midnight. Kadalasang babad siya sa bathtub, nakasindi ang coffee-scented candle at pinapatugtog ang mga fancam niya sa gig ni River. Then she'd start her homework and requirements in school until 3am, or 5am for exams.

Ngunit sa kasalukuyan, wala siya sa bathtub o sa desk, at kasalukuyang paupong-nakasandal sa maliit na pagitan ng kanyang kama at pader.

"I'm sorry, Mom." aniya sa kausap sa kabilang linya, habang ang mga daliri ay nilaro ang kable ng telepono. "I tried tracking my phone but it's gone. I also called the bank to freeze some of my lost cards."

[At least you have your common sense at the bare minimum to do that. You're barely hanging with your grades, tapos ngayon inabot ka na naman ng katangahan.]

"I'm sorry po."

[How's you exams?]

"Two major and one minor subject left, Mom."

[It's the first for this school year. Paano namin ipapaliwanag sa iba kung sasabit ka sa last year ng premed mo. Don't screw this up.]

"Yes po."

[Anyway, I'll wire you the money. Message which cards.]

"Thanks Mom. How are you—"

[Gotta go. Eugene and Kayla are waiting.]

The call ended. She wasn't able to hear an answer or her mother ask how's she doing.

"...I'm fine thank you and you?" sambit niyamg biro sa sarili at ibinalik ang telepono.

Well, owning a family hospital would take anyone's time. Her parents are now on the administrative line, while her sister Kayla reigning the neurosurgery department. Some of their relatives are posted in different departments. Laurene was expected to join the ranks.

Napabuntong hininga siya, naalala ulit ang disappointment ng mga mpgulang ng sabihing Dermatology ang pipiliin niya sa med school.

"Neuro? Ayaw mo? Cardiovascular?" suhestyon ng ate Kayla niya.

Hirap na nga siyang tandaan ang iba't-ibang parte ng katawan, buto't ugat, pahihirapan pa niya ang sarili. But then, Laurene just nodded and said, "Okay."

Ilang minuto pa siyang nanatili roon, tupi ang tuhod at yakap ang sarili. She felt the most comfortable in that narrow space. Ilang minuto pa, tumayo na si Laurene ibabalita sa mga kaibigan ang estado ng kanyang bagong cellphone. Ngunit tadtad na ang GC nilang lima ng mga mensahe at hinahanap siya.

Ang dating "Sexbomb Enjoyers" na pinangalanan ni Melody, ay pinalitan ng "Lau Online Sikat Era."

"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pinadala ni Sienna ang isang link

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Pinadala ni Sienna ang isang link. Binuksan niya iyon at nadala siya isang sikat na sikat na page sa Facebook na nagpo-post ng viral clips. Laurene watched herself in a posted video crying and ranting about her misfortune from last night. It was the time when she lost her old phone and wallet.

Iba-iba ang reaction sa comment section. May nakisimpatya dahil sa sinapit niya, may natawa dahil kung paano niya nilista ang kamalasan habang humihikbi at sumisinok, mayroon ring nagalit sa pambabastos sa kanya.

May ilang tinawag siyang papansin, meron ring hinahanap ang kanyang social media account sabay comment ng "Ang cute gago."

"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Laurene closed the group chat and stared at the video clip

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Laurene closed the group chat and stared at the video clip. Sa wakas, may kakalagyan na ang folder ng fancams niya kay River.

Laurene giggled and muttered, "You're welcome in advanced, Crushie."

✎﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏

Encore at Midnight (Chances Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon