6 📚

82 17 26
                                    

﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏

Kung habulan lang naman, eksperto si Laurene. She has been chasing River for months now, present in his gigs, running after him at sighting on campus to show the trimmed hair that honestly looked no different pre-salon.

Madalas umiiwas ito, minsan ay tinuturing lamang siyang hangin, at sa pagkakataong nakahanay ang mga bituin at nasa mood si River, tinatanguan siya nito.

However, she stopped chasing. It has been seven days, two hours, four crying sessions and four marathons of River fancams.

Iyon ang pinakamatagal niyang tampo kay River.

Fine, nagpost siya ng fancam ng lalaki sa comment section ng kanyang viral video clip ng walang permiso nito. Di bali nang nabansagan siyang "Hagulhol Ghorl."

Fine, gumawa rin siya ng fanpage nito at nag-post ng ilang stolen shots at fancams.

And fine, hindi niya isinali ang tatlong best shots niya. Sa kanya lang iyon at sa bawat comment ng mga bagong tagahanga, nagri-reply siya ng "Pila sa likod, sis." as advised by Melody.

It was her fault. Not only she invaded his privacy, but also made it public. Kaya naman, sa huling pagkakataon, nag-DM siya sa pinsan ni River (dahil blocked isya sa lahat ng socials ni crushie) at ibinigay ang niya ang email, username at password ng lahat ng fanpage na ginawa niya.

[You can manage it better or delete it. idc. Tell River I'm not sorry tho. People need to hear his music.]

Then that was it. God knows how much she wanted to watch to his gigs, pampa-alis stress sa pulang scores niya sa tatlong major subjects.

Laurene missed him so bad.

Pero bakit siya ngayon nagtatago sa lumang library ng campus, sa ilalim ng reception desk kung saan kasalukuyang naka-duty si Lara bilang student librarian?

Napapikit na lamang siya, nagdasal sa mga santo na wag siyang ilaglag ng kaibigan.

"Sorry, hindi siya pumasok dito," sabi ni Lara, kausap si River ilang segundo matapos makatago si Laurene nang hinabol siya ni River sa hallway. "As if. Masusunog muna 'yon bago pumapasok ng library."

Okay, medyo personal attack iyon. Tumingala siya mula sa pinagtataguan, sinamaan ng tingin ang kaibigan. She does study in this library sometimes. Pasalamat nga at may dumadalaw pa rito dahil maliban sa outdated na ang mga libro, nasa pinakadulong bahagi iyon ng university. Halos lahat ng estudyante, sa bagong library building nag-aaral, hindi dito na wala na ngang aircon, lumalagitgit pa ang bintana 'pag binuksan.

"Alam mo ba kung saan siya madalas tumatambay?" tanong ni River.

"Kung 'di ka niya inii-stalk, sa canteen lang o sa field.

Kinurot ni Laurene ang paa ni Lara. She is not a stalker, mag 70% pa lang. "May sasabihin ka ba sa kanya?"

"Sana."

Hindi na makita ni Laurene ang mukha ng kaibigan dahil nakuha ang atensyon niya ng libro sa isa pang bakanteng upuan ng reception, tinutukan ng electric fan. It was Lara's favorite book, but why was it wet?

Naulinigan niyang nagpaalam na si River at ang papalayong hakbang nito. Ilang segundo pa ang dumaan, doon pa lamang siya nakahinga ng maluwag at tumayo mula sa ilalim ng desk. "What happened to Florante at Laura?" tanong niya, tukoy sa basang libro.

"Aksidente lang," matipid na sagot ni Lara matapos sulyapan ang aklat.

"Okay," sagot ni Laurene sa kabila ng duda. Lara adored the book so much for it to carelessly be soaked into water, but she did not pry.

Encore at Midnight (Chances Series 1)Where stories live. Discover now