12 ☕

142 14 13
                                    

﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏

Her older sister and Kayla, used to be inseparable. Halos nakabuntot na si Laurene sa ate nito kahit saan man magpunta.

Siya ang ginagawa nitong pasyente kapag nagpa-practice ng kung ano sa pre-med hanggang tumuloy ito sa medicine. When Laurene reached middle school and learned about makeup, Kayla was her model. They were each other's practice buddies in each other's passion.

Not until Laurene entered college. Noon niya napagtanto ang agwat nilang magkapatid. Kayla had the heart and mind to be a doctor, while it took tears for her to let go of cosmetology. At hangga't may pagkakataon, siya rin nag-aayos sa mga kaibigan at nag-a-upload ng makeup clips online.

Sinusubukan naman niya, sinubsob ang sarili sa pag-aaral, yet the more she tried, the more she became as the family disappointment.

It was overwhelming living behind her sister's shadow and the fact that she could never be as good as Kayla. Dumating na sa puntong nanaig ang inggit niya rito at inilayo niya ang loob.

"Sisig, right? Calamares too. Ano pa ba?"

Pinagmasdan niya si Kayla habang binubuklat ang menu. Bakas pa ang pagod nito kakagaling lamang sa hospital habang siya ang galing sa eskwelahan matapos niyang tanggapin ang imbitasyon nitong bumalik sa resto bar ng sila lamang.

"Lau?" untag nito nang 'di siya makasagot.

"Chop suey... ate. Their burgers are good too."

Sumang-ayon si Kayla at pumili na rin ng inumin, pagkatapos ay nag-order.

"Mukhang suki ka dito ah," ani Kayla habang naghihintay ng pagkain, inilibot ang tingin sa loob. "It's a nice place too."

"It is. And their performers are so magaling too. Song request is okay, but usually they announce the setlist on ther page na. And did you know, this was marketed mainly as a bar daw, but like, customers come kasi the food is masarap and the musicians are good. They have... famous... customers rin..."

Nanahinik si Lau nang namalayan niyang nakikinig lang si Kayla sa kanyang pagdaldal. She slowly sat upright when she noticed she was leaning forward on the table.

"Are you happy here?"

"Yes," sagot niya.

Kayla smiled, "That's all that matters. Don't mind what Mom and Dad said last time. They just have expectations, but they are still proud of you, Lau."

Tumango na lamang siya sa sinabi nito. Ilang minuto pa, dumating na ang pagkain nila. "Excuse me, we didn't order this," ani Lau nang inilpag ang dessert. Kayla had leche flan while hers was the usual halo-halo she orders in the resto-bar. Nakagawian na niyang unahin ang matamis bago kumain ngunit 'di sa gabing iyon, takot na pagalitan ng kapatid na niya inuuna ang matamis.

"Galing po sa kaibigan niyo," sagot ng waitress, sabay turo sa stage kung saan nag-aayos si River para sa kanyang set. He was already looking at her with a discreet smile and pointing to his phone.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Encore at Midnight (Chances Series 1)Where stories live. Discover now