9

33 1 0
                                    

Kapag nandito ako sa Roxas dinadala ako ni papa sa mga tita ko para naman daw maka gala at mag kita kaming lahat pati mga pinsan ko kaya pupunta kami ngayon sa Pari-an... medyo malayo ito kapag sa highway kami dadaan pero may shortcut naman kaya mabilis lang ang naging byahe namin.


Roxas is so peaceful for me... walang gulo sa loob ng bahay, masaya kasi nandito lahat na mga pinsan ko... gustohin ko man na dito mag aral dati ay hindi ako pinayagan dahil daw hindi maganda dito at kung saan na college at ibang buhay na ang kinalakihan ko ay saka pa ako papauwiin dito?


"Tita Beaaaaa!" maligayang tawag sakin ng anak ng pinsan ko.


"Helloo, ang laki niyo na ah."


"Nakikita po kita palagi sa facebook tita at ang ganda ganda mo po."nako hindi naman ako palaging nag popost sa facebook, bolera.


"Kumain na tayo." Pinagluto talaga kami ni tita ng maraming ulam kasi sinabihan siya ng kuya ko na pupunta kami... I also like here kasi madaming fruits na tanim sila tita.


We took a picture at ayon pinost agad nila sa facebook, hays makakakita nanaman sila ng anghel sa feeds nila... When I'm done eating pumunta kami sa bahay ng pinsan ko kasama ang mga pamangkin ko habang sila ay kumakain pa rin.


"Gusto niyo lagyan ko kayo ng make up?" I asked the two kids kasi dala dala ko ang mga make up ko sa bag ko, sayang nga eh hindi kami nagkita ng iba kong pinsan kasi nasa hospital ang isang anak nila ih paano habang kumakain ay sumasayaw.


"Sige po." Then I started putting makeup on the one girl.


"Marie!" tawag ni tita kay Marie na siyang nilalagyan ko ng make up ngayon.


"Ikaw na muna doon pumunta." sabi ni marie sa pinsan niyang si clea.


"Ayaw ko nga ikaw tinatawag ni mommy."


"Dali na." sabay taboy nito sa pinsan niya at mabuti nalang mabait itong si Clea pero umirap pa rin bago umalis.


Tamang tama ng dumating si Clea ay tapos ko ng lagyan ng makeup si Marie."Ikaw naman?"


"Huwag nalang po pala kasi bibisita ako sa hospital mamaya makikita ako ni papa papagalitan ako." Ang ate kasi ni Clea ang nasa hospital ngayon.


Lumakad lakad muna kami sa sapa dito sa kanila, ang ganda ng tubig ang linis... tanghali kaya sobrang init mabuti pa silang mga bata may dalang payong. "Oh bakit mo ako pinapayongan? mas mataas pa ako sayo?" natatawa kong sabi kasi bigla niya akong pinayongan.


"Syempre baka umitim ka." mas lalo akong natawa kasi hindi naman ako sobrang puti pero oo nga compare sa kanila mas maputi at maganda ang balat ko... Pagkatapos naming mag tumpisaw ng mga paa namin sa tubig ay bumalik na kami sa bahay.


Umuwi na kami ng hindi na ganon ka init, grabi sobrang hirap ng daanan papunta rito... I feel sad again kasi mamimiss ko ang mga bata... I took a picture ng bundok dito sa kanila, grabi sobrang ganda, nakakagaan sa loob I wish ganito rin ka peaceful ang buhay ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 16, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Dating an internet girlWhere stories live. Discover now