Simula

9 0 0
                                    

Simula

"I love you but I'm scared... I'm sorry, love. Please forgive me for choosing my family over us."

"Nanay! Nanay! Gising na po, niyayaya na ako maglaro nila Michael."

Agaran ang pagmulat ng mata ko. Saglit akong natulala sa maikling panaginip at agad na dinaluhan ang anak ko.

Inilapit ni Klinton ang kanyang mukha sa akin, "Nanay gising ka na po?"

Isang matamis na ngiti ang isinukli ko sa kanya, hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at pinaulanan ng halik.

"Opo, gising na si nanay." Sabi ko habang hinahalikan siya na nagpahagikhik sa anak ko.

Bumangon na rin ako at inayos ang higaan, tinutulungan ako ni Klinton mag ayos ng mga unan.

"Nag almusal na po ako nanay, pwede na po ba akong lumabas."

I stared at him. He's one of my greatest gift in this unfamiliar world for me.

Siya ang bata at walang muwang pero parang ako ang bagong silang na nangangapa sa buhay kung saan ako nagmula.

Nilapitan ko siya at niyakap.

"Okay, basta dalawang oras lang ha? Kailangan mong bumalik dito kasi sasabayan mo si nanay kumain ng tanghalian. Huwag ka rin masyado magpapawis kasi ayaw kong magkasakit ka."

His eyes is mesmerizing, I can stare at him all day long and I won't be tired.

"Opo, nanay. Hindi ko po susuwayin ang bilin mo. Mahal po kita."

"Mahal din kita, anak ko." I kissed him again. "Sige na, naririnig ko na ang sipol ng mga kaibigan mo, mukhang kanina ka pa hinihintay sa labas.

Hinalikan niya ako sa noo, at dali-dali nang lumabas ng kwarto. Nagpatuloy naman ako sa pag aayos ng higaan bago lumabas para mag almusal.

This place made me happy yet sad. It's been six years simula ng mamulat ako sa lugar na ito, walang maalala na kahit ano, at first I want to end my life, dahil sino ba ang matutuwa kung magigising ka na para kang bagong silang na sanggol, ang masaklap, walang pamilya na nakaabang sa paggigising mo.

Manang Lorna is my savior, at lahat ng mga nakatira sa lugar na ito. Sila ang naging gabay ko, lalo na nang malaman ko na buntis ako.

Busy akong nag aalmusal ng dumaan si tay Gimo, kapatid ni Manang Lorna. Ang Villa de Tierra ay nasa pangangalaga ng pamilya nila.

Sabi sa akin ni nanay Lorna, ang kanilang tatay ang katiwala ng pamilya de Tierra, bago mamatay ang kanilang magulang, may kasunduan na sila ang hahalili para alagaan ang lugar na ito.

"Tay, almusal po." Anyaya ko sa kanila.

Kumaway siya sa akin, "sige lang anak, tapos na kami. Dumaan ka pala mamaya kay Lorna, may sasabihin daw siya sa iyo."

"Sige po, tutulak po ako pagkatapos kong maglinis."

Kaya naman nang natapos akong maglinis at magluto ay agad na akong pumunta sa Mansion ng mga de Tierra, doon kasi naglalagi si Manang Lorna bilang siya ang tumatayong mayordoma sa malaking bahay na kahit kailan hindi ko nakitaan ng bisita.

Nakasalubong ko si ate Lala, isa anak ni Manang Lorna. Siya naman ang pinagkakatiwalaan ng pamilya sa mga inventory ng mga alagang hayop sa Villa.

"Ate, si manang po? Kakausapin daw po ako?"

"Oo neng, nasa kusina. Abala sa pagmamando ng mga kasambahay. Darating kasi si Señorito Wakeem at ang fiancee niya."

Kahit gulat, nagawa ko pa rin magtanong, "talaga po ate? Ito po ang kauna-unahang pagkakataon na may bibisita sa Villa."

Villa de Tierra Series 1: Heartbeats of the PastWhere stories live. Discover now