Kabanata 1

7 0 0
                                    

Kabanata 1

"Baby, why did you share our secrets to someone we barely know. Paano kung magalit sina tiya Mona because they are the one who help us to have a surname?" Kanina ko pa siya pingsasabihan, tahimik lang siyang nakikinig.

Isa sa usapan naming mag ina na after I share my sentements, siya naman ang bibigyan ko ng chance to share his.

"so, what's your reason, son?"

"Sorry po nanay, gusto ko po kasi siyang maging friend kaya ni-share ko po ang secret. Don't worry nanay, kakausapin ko po siya ulit bukas para safe po ang secret natin."

He hugged me tightly, "galit ka po ba sa akin, nanay?"

"Anak, alam mo naman na hindi pwedeng magalit ang nanay sa iyo di ba? Kaya lagi natin aayusin ang mga misunderstanding to avoid anger, okay? Bawal magkikimkim ng sama ng loob."

"I love you, nanay."

"I love you, anak. Sana laging enough si nanay para sa iyo."

We fall asleep hugging each other, kaya nagulat ako nang nagising ako na solo na lang ako sa kwarto na ipinahiram sa amin ni manang Lorna.

Ala singko pa lang, base sa orasan na nasa harapan ko, mas maaga naman talaga nagigising sa akin ang anak ko, lalo kung maaga siyang niyayaya ng mga kaibigan sa kwadra. Pero hinihintay niya akong magising para mag paalam.

Hindi pa ako nakakapag ayos, lumabas na ako para hanapin siya. Natatakot akong sa sobrang mangha niya dito sa mansyon ay makabasag siya ng gamit.

Naabutan ko sina manang na busy sa paghahanda ng almusal.

"M-Manang... nakita n'yo po si Klinton?"

"Oh Kleah, ang aga-aga e aligaga ka, si Klinton, maaga nagising kasi narinig niya ang kalabog kanina. Si Wakeem kasi sinubukan maglakad ng mag isa. Mabuti mabilis magising si Klinton, gising na rin kami ni Gimo kaya natawag kaagad kami ni Klinton ng masubsob si Wakeem."

Nakahinga ako ng maluwag ngunit agad napalitan ng hiya.

"Pasensya na manang, mahimbing po talaga ako matulog, pero pipilitin ko pong babawan mamayang gabi. Ako po dapat ang umaalalay kay señorito dahil ako po ang bantay niya."

Itinuro sa akin ni manang kung nasaan ang dalawa.

"Nandoon sila sa hardin, mukhang magaan ang loob ni Wakeem sa anak mo. Nawawala ang pagsisimangot kapag kausap ang bata."

"Good news ba 'yon manang?"

Tumawa si manang, "Oo naman. Mabait naman talaga 'yan si Wakeem, dumaan lang sa pagsubok. Sige na, maghahain pa kami. Pakitawag mo na sila, alalayan mo na rin papunta sa dining.

Lumabas ako ng hardin, ang hagikhik agad ng anak ko ang bumungad sa akin.

"Kapag nagsimangot ka, tatawagin kitang manong. Pero kapag nagngiti ka palagi, señorito pogi ang itatawag ko sa iyo. Huwag mo susungitan ang nanay ko ha, siya ang pinaka-love ko sa mundo."

"Where's your father, kiddo?" seryosong tanong ni señorito, ang anak ko ay busy sa paglalagas ng bulaklak.

"I don't know. Baka kasama na ni papa Jesus." Sabay kibit-balikat.

Muli siyang umalis at naghanap ng bulaklak, nakita niya ako kaya tuluyan na akong lumapit.

"Nanay..." excited niyang tawag kaya napalingon din sa akin ang señorito.

"Señorito pogi, pahingi po ako ng flower ah." Pumitas siya ng isa at bumulong sa sarili, "ito bagay sa maganda kong nanay."

Nahihiya akong nag iwas ng tingin.

"Señorito, kakain na raw po ng almusal."

Nakatititig siya sa akin na parang pinag aaralan ang buong pagkatao ko. Naputol nga lang nang lumapit si Klinton at hinila ako para maabot niya ang tainga ko.

"You're so beautiful, nanay." Nilingon niya ang señorito, "Maganda po ang nanay ko 'di ba?"

Tinitigan niya ulit ako, umiwas na ako dahil sa kahihiyan, "of course."

Ang katahimikan ay biglang namutawi ng panandalian nang isang tikhim ang narinig namin. Si tay Gimo ay lumapit sa likod ni señorito, itinulak na papasok sa mansyon.

"Mag almusal ka na Wakeem. Nasa mesa na ang fiancee mo."

Muli niya kaming sinulyapan mag ina. "Sumabay na kayong mag almusal."

"Hindi na, tapos na kaming mag almusal." Sagot ni tay Gimo.

Akala ko kaming mag ina ang niyaya niya kasi sa amin siya nakatingin habang nagsasalita, para sa lahat pala. Mabuti na lang si tay Gimo ang sumagot, nakakahiyang nag assume ako.

Magkawak-kamay kaming sumunod ni Klinton. Itatanong ko kay manang Lorna kung saan kami pwedeng kumain ng almusal.

Dalawang plato ang nakahain sa mesa pero ang pagkain ay parang pang fiesta, kaya naman hindi na ako nagulat nang na-amaze ang anak ko.

"Wow, nanay... mayroon po bang may birthday? Ang daming pagkain."

Awkward akong tumingin at ngumiti lalo nang makita ko ang mataray na tingin ng fiancee niya.

"Anak, samahan mo muna si nanay sa kwarto." Anyaya ko sa kanya dahil hindi ko siya pwedeng pagsabihan sa harap ng maraming tao.

Aalis na sana kami nang magsalita ang señorito, "manang, pakidagdagan po ang pinggan, pwede pong sumabay ang hindi pa nag aalmusal."

"What?! Is this a joke, Wakeem. Pwede naman silang kumain sa kusina, bakit sasabay pa." ani ng Fiancee niya.

"Sa kusina na lang manang," pagsang-ayon ko na lang. Bukod sa nakakahiya, alam ko na hindi magiging komportable na magkakasama kami sa isang mesa.

"Maraming pagkain, you can eat here. I want to eat with Klinton as well. Now, Denise, if you have a problem with that, ikaw ang kumain sa kusina. Once and for all, I want to be clear, this is my house, ako ang masusunod. You are free to leave kung ayaw mo ng rules ko."

Tumikhim siya bago tinawag si Klinton, "Come here, bigboy... Let's eat."

Tumingin muna sa akin ang anak ko to ask permission. I don't want to deprive him to do what he wants, alam ko na gusto niya sumabay kumain. Kaya nang tumango ako tanda nang pagsang ayon, agad siyang tumakbo sa gilid ni señorito.

Lumapit na rin ako para tulungan siyang umupo at magsandok ng pagkain. Masyadong malaki ang mesa para sa kanya, hindi niya abot.

Akala ko hindi na matatapos ang awkwardness, mabuti naman at nalagpasan ko. Nang nagtanghalian ay sinigurado ko na mauuna na kami kumain ni Klinton.

Nang naghapon ay ipinagpaalam sa akin ni Sergio si Klinton, birthday ng kapatid, may mga palaro daw. Ayaw kong ma-miss ni anak ko ang kabataan niya kaya pinayagan ko.

Tinutulungan ko sina Daisy na maghain nang tinawag ako ni manang.

"Kleah, ihanda mo ang pagkain ni Wakeem. Sa kwarto raw siya kakain, kaya ihatid mo doon."

Sa kabila ng kaba na nararamdaman ko, inihanda at inihatid ko ang pagkain niya.

Tahimik kami habang hinihintay ko siyang matapos kumain. Mas okay na tahimik siya kaysa magtanong siya tungkol sa buhay ko na paniguradong kay Klinton nanggaling.

"Tomorrow, ipapalipat ko kay tay Gimo ang mga gamit n'yo sa adjacent room--"

"Po?!" putol ko sa sasabihin niya dahil sa gulat.

"Nananaginip ako sa gabi, palagi rin akong bumabangon. Sabi ng anak mo mahirap ka raw gisingin kaya napag usapan namin na palipatin kayo sa katabing kwarto ko. Dito na kayo matutulog simula bukas para mas maalalayan mo akong mabuti."

Villa de Tierra Series 1: Heartbeats of the PastWhere stories live. Discover now