Kabanata 2

9 1 0
                                    

Kabanata 2

"What the hell are you thinking, Wakeem! I'm your fiancee but you don't want me in your room or even sa adjacent room. Tapos itong mag ina, okay lang sa'yo!"

After our breakfast, ipinaayos na ni señorito Wakeem ang mga dapat ayusin sa katabing kwarto niya pero ngayong gabi, pansamatalang sa kwarto niya kami matutulog. Sa sofa bed niya muna kami matutulog. Akala ko talaga niloloko niya lang ako kagabi kaya hindi ko na ikinwento kina manang ngunit nang kinausap niya si tay Gimo, napatunayan ko na totoo pala. Hindi na nakapagreact sina manang Lorna dahil nauna na ang fiancee ni señorito.

"Denise, una sa lahat, our engagement is off. Second, you invite yourself here. You are free to leave, ipapahatid pa kita pabalik ng Manila. Kleah and his son will be staying in the other room to attend to me any time of the day, especially sa gabi."

Tahimik lang kaming nakikinig sa pagtatalo nila. Tinatakpan ko ang tainga ni Klinton lalo na't napaka mature mag isip ng anak ko.

"Really? so, what do you think of me? Nag assume lang ako. Hindi mo ba alam na pinakiusapan ako ni tita to get back to you, tapos ito lang ang mapapala ko. Do you think I'll let it pass?! No! Hell... no! Tita will know this and all your employees here will pay!"

Lumabas siya nang masama ang tingin sa akin. Ipinahatid siya ni señorito sa isang driver, nagpatuloy sa pag uutos na parang walang nangyari.

Nang magkaroon kami ng pagkakataon ni Klinton na mapag isa, sinabihan ko siya na hindi dapat siya masyado nagki-kwento sa kahit kanino ng tungkol sa amin.

"Is it bad to always say sorry nanay pero inuulit ko pa rin po? Hindi ba sabi n'yo po, magiging acceptable lang ang sorry kung hindi na uulitin?"

I sighed heavily. I know my child is only six years old but his mind is matured. I always thank God for giving me a son. Ano kaya ang mangyayari sa akin kung hindi ko siya kasama habang nagsisimula ako sa panibagong buhay ko.

Lumipas ang maghapon, wala naman nag usisa ng mga nangyari. Hindi nila ako tinanong kung bakit pumayag ako sa ganoong set-up.

Si manang Lorna ang nag explain sa mga kasama namin para hindi na sila mag isip ng masama.

"Noong isang araw kasi, sinubukan maglakad ni Wakeem mag isa pero nasubsob. Mabuti na lang mababaw ang tulog ni Klinton, narinig daw na may kaluskos kaya bumangon, kaya natawag niya kaagad kami ni Gimo na nagkakape noong araw na iyon."

"E paano 'yan Kleah, hindi ka pwedeng tulog mantika kung ganyan na lagi pala bumabangon si señorito. Baka mamaya palayasin ka at si Klinton na ang ipalit sa iyo." Biro ni Daisy.

"Susubukan ko na babawan ang tulog."

Mukhang wala naman nagbigay ng malisya sa naging set up namin. Kaya naman nang oras na ng pagtulog, tuwang tuwa si Klinton dahil may TV sa kwarto ng señorito.

Pinagmamasdan ko silang dalawa, bakit ang gaan ng loob nila sa isa't-isa habang ako pa ang nagmukhang stranger. Ako 'yong nagmukhang awkward habang sila ang saya-sayang nag uusap.

"Alam mo po, hindi pa ako nakakasakay diyan. Tsaka hanggang bayan lang po ang napupuntahan ko."

Nakita niya sa palabas ang isang sasakyan at isang pamilya na namamasyal sa mall. Nahuli ko na tinitigan ako ni señorito bago siy nagtanong sa anak ko.

"Bakit hindi ka pa nakakapunta sa mall, may malapit naman dito sa lugar natin."

Pipigilan ko na sana si Klinton kaso mabilis na siyang sumagot.

"Sasakit po kasi ang ulo ni nanay kapag sinusubukan niya pong sumakay ng kotse at pumunta ng mall. Kaya po imbes na sa loob kami ng mall magtatagal, sa hospital po."

"Really?" Curious na tanong niya na agad ko ng pinutol dahil sumasakit na naman ang ulo ko.

"Klinton, anong oras na? Hindi ibig sabihin na wala tayo sa bahay ay pwede ka na matulog ng late."

"Okay po, nanay." Nakipag high five siya kay señorito Wakeem bago lumapit sa akin. "Good night, nanay. I love you. Good night señorito pogi. Wala na nag I love you sa iyo, wala ka pa kasing katulad ko e."

Natawa ako ng bahagya sa banat ng anak ko, ganoon din ang señorito ngunit nang tumingin sa akin ay sumeryoso.

Hindi ko namalayan kung anong oras ako nakatulog ngunit naalimpungatan ako dahil sa mahihinang hakbang patungo sa banyo.

Si señorito ay mahinang humahakbang, halata ang hirap ngunit pilit niyang inihahakbang ang mga paa. Sinilip ko si Klinton, himala na hindi nagigising. Siguro masarap ang tulog. Inalis ko ang nayakap niyang kamay.

Nilapitan ko ang señorito na malapit na sa banyo.

"Señorito, bakit po kayo humakbang mag isa. Sana po ginising n'yo ako." Mahina kong sabi para hindi magising si Klinton.

"I want to pee."

"Po?" Hindi ko alam kung aatras ba ako dahil sa sinabi niya. Simula no'ng pumayag ako na maging alalay niya, hindi ko naisip ang bagay na ito.

He chuckled.

"Don't worry, miss. I can do it alone. I won't let you see my penis." Ani niya na parang wala lang.

"Wait for me here, tulungan mo na lang ako bumalik sa kama ko mamaya."

Tanging tango lang ang naging sagot ko.

Naging mabilis ang mga sumunod na araw, naging magaan ang atmosphere sa mansion. Hindi na bumalik ang fiancee ni señorito. Sa sumunod na araw ay naayos na ang adjacent room kaya lumipat na kami. Naging mahimbing ang tulog ng anak ko simula nang matulog kami sa katabing kwarto ni señorito habang ako naman ang hindi makatulog sa hindi ko alam na dahilan.

"Kleah, pakisuyo naman." Noong unang araw na tinutulungan ko siya magbihis, naiilang pa ako. Mabuti na lang siya naman ang nagsusuot ng underwear niya. Ngayon sanay na ako na nagbibihis ng pants and pang itaas niya.

"Sure ka ba na okay lang na sumama kayo ni Klinton sa hospital? Sabi ng bata, matindi raw ang kirot ng ulo mo kapag sumasakay ka."

"Magdadala na lang po ako ng pain reliever sir. Tsaka ayaw ko po biguin ang anak ko dahil lang sa nararamdaman ko. Inasahan niya na po na makakaluwas ng bayan kaya ayaw kong mabigo siya."

"Tell me kung sasakit ba ang ulo mo mamaya, pwede natin ipatigil kay tatay Gimo."

"Okay po, señorito. Maraming salamat po."

Abo't langit ang kaba ko habang sumasakay sa kotse habang hindi rin maipagkakaila ang kasiyahan at excitement ng anak ko. Akala ko kaming mag ina lang ang uupo sa likod ngunit ng doon ipinwesto si señorito, nalaman ko na may kasama pa pala kaming isa, si Charles na anak ni tay Gimo.

"Ayos ka lang diyan, señorito?" Tanong ni Charles nang lahat kami ay nakaupo na. "Ayos na kayo, Kleah? Ikaw Klinton?'

"Ayos na kami."

Nang umandar na ang sasakyan, lalo kung nararamdaman ang takot, pinagmasdan ko ang mukha ng anak ko. This is for you, baby. I'm facing my fear just for you to experience the life beyond the village.

Habang sumasakit ang ulo ko, all blurdness scenario keep on invading in my mind. Nilalabanan ko. Why do my mind is triggered everytime I'm inside the car.

"You're still eighteen! You think he's serious?! Okay... you think you can live by yourself! Bumaba ka... and let's see kung saan ka pupulutin. We are all living in state for good. Meaning to say, wala ka nang aasahan sa amin kung hindi ka sasama."

Isinandal ko ang ulo ko sa bintana ng sasakyan, may humawak sa kamay ko. At first, I thought it's Klinton. But when I traced the owner of it. It led me to Wakeem.

He smiled at me assuringly. Inilipat ko ang mata ko kay Klinton na busy makipag kwentuhan kina tay Gimo.

Wakeem still holding my hand. Just like that, my mind stills and all the triggered disappeared.

But there is one thing I noticed, my heartbeats became rigid. As if I felt it before... particularly in my past.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 30, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Villa de Tierra Series 1: Heartbeats of the PastWhere stories live. Discover now