Chapter 8

754 35 0
                                    

Chapter 8

"Elonzo, nagmamakaawa ako..." Pinagsalikop ni Inay ang mga nanginginig niyang mga kamay.

Napako ako sa kinatatayuan ko. Hindi agad pumasok sa isip ko ang mga narinig dahil sa nakikita kong takot kay Inay.

Nakatalikod si Don Eloy kaya't hindi ko nakikita kung gaano ba ito kagalit. Hindi ako sanay na nagtataas ng boses ang mabait na Don.

"Namamakaawa rin ako sa 'yo, Himig! Ayoko nang—"

Malakas akong napasinghap nang biglang tumumba sa sahig si Don Eloy!

"Don Eloy!" Agad kong inalalayan ang ulo ng matanda para hindi bumaldog sa sahig. Umungol sa sakit si Don Eloy hanggang sa nawalan ng malay! "Inay, tumawag po kayo ng tulong!"

"H-Harana!" Tila mas nagulat pa si Inay na nandoon ako kaysa sa biglaang pagbagsak ng matandang amo.

"Don Eloy? Don Eloy?" Agad kong hinanap at dinama ang gilid ng leeg ni Don Eloy. May pulso pa! "Inay, tumawag po kayo ng tulong!" mas malakas ko nang sabi dahil parang napako si Inay sa kinatatayuan niya.

Pero tumango na siya at agad na tumakbo sa labas ng bahay. "Tulong! Tulungan niyo kami!"

"Don Eloy...? Don Eloy?"

"Anong nangyayari rito?!"

Napalingon ako sa pinto. "Itay! Itay, tulong po!" Bigla na lang bumagsak ang mga luha ko. Sumisikip din ang dibdib ko sa kaisipan na baka anong mangyari kay Don Eloy kapag hindi kami nagmadali!

Agad namang dumalo si Itay at dinama ang dibdib at pulso ni Don Eloy. Pagkuwa'y sinubukang buhatin ni Itay ang itaas na bahagi ng katawan ng matanda.

"Papa!" Sunod na pumasok si Sir Erasmo at nagmamadaling tinulungan si Itay sa pagbubuhat

"What happened here?!" Naguguluhang tanong ni Sir Erasmo. "Bakit nandito ang Papa?!" Sabay matalim na tumingin si Sir E sa likod ko.

Paglingon ko ay umiiyak na si Inay habang nasa bungad ng pintuan.

"Sir, isugod na natin sa ospital ang Don, madali!"

Sa isang iglap, nabuhat nila si Don Eloy palabas ng bahay at mabilis na isinakay sa van na minamaneho ni Itay para kay Sir E...

Agad akong tumayo at sinubukang sumama pero pinigilan ako ni Inay. "A-Anak, d-dito lang t-tayo..." Umiiyak at nanginginig siya.

"Inay, bakit pinagagalitan po kayo ni Don Eloy? May ginawa po ba kayo?" Pinunasan ko ang mga luha ko. "Magiging okay lang po ba ang Don? Ano po bang pinag-uusapan niyo?"

Umiling nang umiling si Inay. Tinakpan niya ng mga palad ang buong mukha.

"Harana!"

Pagtingin ko sa labas ay wala na ang van pero nandoon na ulit ang pick-up ni Alek! Mabilis siyang bumaba at nilapitan ako.

"What happened here?" he softly asked me. Napatingin siya kay Inay, pagkatapos ay sa 'kin ulit.

"B-Bakit nandito ka pa...?" At saka ko naramdaman na parang nanghihina ang tuhod ko dahil sa pangyayari.

"Hindi agad ako nakalabas kanina sa daanan dahil may dumating na van," mabilis na paliwanag naman ni Alek.

Napatingin ulit siya kay Inay nang mas lumakas ang paghagulgol nito.

"Inay, pumasok na po muna tayo sa loob..." Hinawakan ko na sa magkabilang braso si Inay at inalalayan siya papasok. Napansin kong umalalay din si Alek sa 'kin nang muntik akong matapilok.

Pinaupo ko si Inay. At kahit gusto ko siyang bigyan ng tubig, nanlalambot pa rin ako. Napaupo na lang tuloy ako katabi niya.

Napakurap ako nang may lumitaw na dalawang baso ng tubig sa harap namin ni Inay. Pagtingala ko, si Alek pala ang kumuha!

DHS #1: Burning SlowlyOnde as histórias ganham vida. Descobre agora