Chapter 14

674 31 1
                                    

Chapter 14

We don't have to force growth.

In fact, for something or someone to progress naturally, we don't have to force anything. Such wisdom I'll always keep with me...

"Ang pagpunta na lang talaga sa animal farm ang kulang natin, Harana. The rest of the data we need, kumpleto na."

Pinapanood ko si Alek na inaayos at pinagsusunod-sunod ang mga papel para sa thesis namin. Katatapos lang magsimula ng unang linggo ng second semester, at nasa library kami ngayon para ayusin na ang mga nakalap naming data at documentations noong sembreak.

"We just need to compress all the interviews for the data gathering part. Idadagdag na lang din natin sa RRL ang proven research ng mga Remoroza," seryosong-seryoso si Alek habang nakasubsob sa mga papel.

Dapat ay tinutulungan ko siya pero hindi ako kumikilos. Nakangalumbaba lang ako at nag-e-enjoy na panoorin siyang sobrang seryoso para sa thesis namin, kahit matagal pa naman ang next deadline na binigay sa 'min ni Miss L.

Nakangiti ako at naiisip kong isa si Alek sa masasabi kong hindi kailangang puwersahin para mag-grow. Nakita ko naman ang improvement niya mula noong first semester.

Kusa siyang nagdesisyong magbago at ayusin ang buhay niya. Mainipin man siya, matiyaga niya pa ring hinihintay maabot ang pangarap niyang farm...

Kung ano mang past ni Alek, wala na sa 'kin. Ang mahalaga ay iyong nakikita ko ngayon sa kanya. He unlearned bad habits slowly, and still working on some until now.

Also he doesn't limit himself to learn what he needs to learn. At siguro kapag naka-graduate na talaga kami, doon pa lang siya mag-uumpisang mas matuto pa, mas lumago pa.

Limang buwan na lang, matatapos na kami. Matagal-tagal pa siguro pero maniniwala akong kakayanin ni Alek iyon.

"May kulang pa ba? Wala na siguro..." bulong niya sa sarili habang pinagsasama-sama na niya ang mga papel. "Sa animal farm na lang talaga. We have to re-sched, again. May bagyo na paparating this weekend."

Tumango na lang ako habang patuloy siyang pinapanood. Napansin niya sigurong hindi ako tumutulong kaya napaangat ang tingin niya sa 'kin.

His eyes instantly shifted to worry. "Are you okay, baby? Pagod ka na ba? Ihahatid na kita pauwi?"

Agad akong umiling. "Gusto ko lang panoorin kung gaano ka ka-aligaga r'yan. Sobrang seryoso mo, parang ibang Alek ang nakikita ko."

Ngumisi siya. "Ayaw mo sa parang masungit di 'ba? Ngayon ba, gusto mo na?"

Tumawa ako. Ngumiti. "Gusto ko pa rin ang mga ngiti mo. Nakaka-proud lang talaga kapag nakikita ko kung gaano ka ka-passionate."

"Ah." Mas naging pilyo ang tingin at ngisi niya. "So, sa kama ba, napa-proud ka rin sa 'kin? I'm extra passionate there!"

"Shh! Alek!" Pinalo ko ang kamay niya sa ibabaw ng lamesa.

Kinagat niya ang ibabang labi at mahinang tumawa. "I'm just going to fasten all of these, and then let's grab your favorite snack. Sabi pala ni Piero, may cassava chips na rin sila. Bagong product. Gusto mong i-try? Mayroon na raw sa Y Cafe."

"Puwede naman. Pero 'yung pichi-pichi pa rin ang gusto kong kainin."

"Gusto ko na ring mag-negosyo ng pichi-pichi mula sa future cassava produce ko. Tapos ipapangalan ko sa 'yo. 'Pichi-pichi ni Harana'."

Nagusot ang ilong ko. "Parang ang bastos."

Ang lakas ng tawa ni Alek, nasaway tuloy kami ng librarian. Agad naman niyang tinakpan ang bibig at pinigil nang matawa.

DHS #1: Burning SlowlyWhere stories live. Discover now