Chapter 14: Outsider

569K 26K 10.8K
                                    

Chapter 14: Outsider

Nanatili ang tension sa atmosphere sa mga sumunod na araw. Narinig ko din na pinaalam na sa alpha ang nangyayari. Kapag ganoon ang sitwasyon ibig sabihin seryoso ito. Hangat maaari kasi ay tanging importanteng bagay lamang ang pinaparating sa kanya.

The orders and Sebastian are restless. It's been days pero hints palamang ang nakukuha nila. Narinig ko na bawat gabi ay mag nagpapatrolya sa bayan. Anong uri kaya sila ng outsiders? Ano ang kailangan nila sa bayan?

Pinag iingat ang mga taga-bayan. Hindi muna maaaring manatili sa kakahuyan o malapit sa borders lalo na tuwing gabi maliban sa mga orders. Karamihan sa nakakasalubong ko palabas ng school ay derecho pauwi.

Noong hapong yon matapos ang klase ay umalis agad ako sa campus tulad ng karamihan. Pero bago tuluyang umuwi dumaan muna ako sa downtown. Muli akong pumunta sa tindahan ng gamot kung saan ako inutusan ni Aunt Helga noong mga unang lingo ko sa bayan.

Muli ay binigyan ako ng parehong gamot- gamot na pampakalma. Sinabi din ng nagtitinda na mag ingat ako sa sa pag uwi. Habang naglalakad pabalik sa aking sasakyan, hindi ko maiwasan na pagmasdan ang brown paper bag na dala ko. Si Zander- para kay Zander ang gamot hindi ba?

Bigla kong naalala ang mga nangyari ilang araw na ang nakararaan. Unang pagkakataon na nakita kong nawalan ng control si Zander. Kinamumuhian niya ang parteng yon ng kanyang pagkatao. At noong mga oras na yon nakita ko ang pagkamuhing yon sa kanyang mga mata.

But other than that there's another thing that bothers me. For an unknown reason Zander seem to hate me.

Dumercho ako para umuwi ng mansion matapos makuha ng gamot. Habang nagmamaneho paakyat ng burol bigla kong inapakan ang preno ng sasakyan nang makita kung ang nasa harapan ko. My head almost hit the dashboard because of the sudden halt. Natigilan ako nang magregister sa akin ang nangyari. May nabanga ata ako.

Mabilis kong inalis ang lock ng seatbelt at bumaba sa sasakyan. Masyado na bang malalim ang iniisip ko at hindi ko agad napansin? Ano ba ang ginagawa niya at nakaharang siya sa daan?

Pagbaba ko isang lalake ang nakita kong nasa tapat ng harapan ng sasakyan. Pinagmasdan ko ang distansya ng sasakyan mula sa kanya. May isang dangkal na pagitan. Nakahinga ako ng maluwag. Thank God. Hindi ko siya nabanga. Ngunit natigilan ako noong mapansin ang estado ng kanyang katawan. Dumudugo ang kanyang kaliwang braso.

"Anong nangyari?" tanong ko. "Okay ka lang ba?"

Tinitigan ko siya. Halos magkaedad lamang kami ng lalake. Pero hindi siya mukhang familiar. Taga Van Zanth ba siya? Bumabang muli ang tingin ko sa kanyang dumudugong braso.

"Sa tingin ko kailangan mong pumunta sa Hospital ng bayan."

Hindi agad siya nakapagsalita. Ngunit napansin ko na bahagyang kumorba ang kanyang labi nang makitang handa akong tumulong.

"Okay lang ako. "Pasensya din sa ginawa kong pagharang sayo. Kailangan ko lang talaga ng tulong."

Sa totoo lang mukha siyang normal na tao. Walang kakaiba sa kanyang galaw o sa kanyang mga mata. Pero may kung ano sa titig niya na tila ba sinusuri ako. Pakiramdam ko kilala niya ako.

"Naaksidente ako sa kakahuyan." Bumaling siya sa bungad ng kakahuyan hindi kalayuan sa daan. "Hindi ako taga rito kaya hindi ko alam kung saang direction ang bayan. Kaya hinarang ko ang unang sasakyan na makita ko. Pasensya na talaga." sinabi niya.

Napakurap ako sa sinabi niya. "Hindi ka taga rito?" tanong ko.

Isa ba siyang outsider? Pinagmasdan ko siya. There's a half smile on his face, an apologetic smile. Hindi siya isang hybrid. Sigurado ako doon. Iba ang dating ng mga hybrid sa normal na tao.

Living with a Half BloodTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang