Chapter 25: The Arden

655K 25.3K 4.4K
                                    

Chapter 25: The Arden

Loraine Van Zanth

Nakakapanibago ang katahimikan nila. It's been days since the incident happened ngunit wala parin akong naririnig mula sa mga advisers at sa council. It's unusual. Inaasahan ko ang hakbang na kanilang gagawin oras na nalaman nila na pinili ni Zander si Laura. Pero nanatili silang tahimik.

Gusto kong umasa na kahit paano ay natangap nila ang dalawa. Lahat sila ang nakasaksi sa bond na namamagitan sa dalawa. Only Laura can tame the monster in him. Pero alam kong may kapalit ang panandaliang kapayapaang ito. It was as if time is ticking, a time bomb waiting to explode. Sa ginawang pagtangap ni Zander kay Laura ay nagsimula ng mangyari ang isang bagay na dapat naming katakutan.

Nakaupo ako sa veranda noong hapong yon. Van Zanth is unsually peaceful. Ilang araw ng walang gulo o alitan na nababalitaan sa bayan. Kahit ang mga orders ay naninibago sa katahimikan ng bayan. Akala ko gagawa agad ng hakbang ang council para alisin si Zander sa position niya bilang alpha. Ito ang ginawa nila sa aming Ama noong nalaman nilang may relasyon ito sa normal na tao. Ngunit hindi sila nagtagumpay. Pero ngayon na halos dalawa nalang kami ni Zander na natitira, malaki ang tyansa na magtagumpay sila kung gugustuhin nila.

Bumuntong hininga ako at pinagmasdan ang paligid. Maaliwalas ang langit at mahangin. Pinanood ko ang pagdaan ng hangin sa mga rose bushes sa garden. Maya maya pa bumukas ang terrace door sa side ko. Napalingon ako at nakita si Senior Helga na may dalang tray ng kape. Nilapag niya ito sa mesang nasa harap ko saka umupo sa tapat ko.

"Mukhang malalim ang iniisip mo."

I tried to smile at her. Isa sa pinasasalamat ko ang pananatili ni Senior Helga sa mansion even if she have all the reason to leave.

"Just thinking a few things." sagot ko.

Kinuha ko ang kape at sumimsim dito. Binalik ko ang tingin sa garden at bumuntong hininga.

"Senior Helga." sinabi ko. "Minsan mo ng nakaharap ang Ama ni Laura, hindi ba?" tanong ko.

Bahagya siyang natigilan. "Nakaharap ko na siya ng ilang beses." sinabi nito. "Kung tutuusin magalang siya, tahimik. Kapag nakikita ko si Laura mas nakikita ko ang kanyang Ama kesa sa kapatid ko. Pareho sila ng kulay ng mga mata. Kung paano tumingin. He was determined but well-mannered."

"Hindi mo mahahalata ang angkan na kanyang pinagmulan kung titingnan mo siya. Hindi mo mababatid sa kanyang mukha na nagmula sa makapangyarihang pamilya. Napasimpleng tao. Pero ganoon pa man, ang pagsasama nila ng kapatid ko ay kataksilan sa pamilya."

Pinagmasdan ko si Senior Helga. Bumakas ang lungkot sa kanyang mukha habang sinasabi ang mga bagay na ito. Hindi lingid sa aking kaalaman ang pinagmulan ni Laura. Alam kong malamig ang trato niya sa dalaga dahil na din sa nangyari sa kanyang kapatid. Pero mas sinisisi niya ang kanyang sarili sa labis niyang pagtutol noon na nauwi sa pagkawala ng kanyang kapatid.

Dalaga pa lamang si Senior Helga nang mapadpad siya sa Van Zanth. Lumalago pa lamang ang bayan sa mga panahong yon. Napadpad siya dito dahil nalaman niyang nangangailangan sila ng mga trabahador sa noon ay pinapatayo pa lamang na pagawaan sa bayan. Ilang buwan na siyang naninirahan sa bayan nang bumisita si Grandma sa pagawaan at nakilala siya. Isa siya sa pinakamasipag na mangagawa doon. Hindi madaling magtiwala si Grandma. Strikto siya at intimidating katulad ng ibang myembro ng pamilya Van Zanth. But Grandma is fond of hardworking, loyal people. Nakagaanan niya ng loob si Senior Helga. Inalok niya itong magtrabaho sa mansion sa halip na sa pagawaan.

Magmula noon sa mansion na nagtrabaho si Senior Helga. Naging parte siya ng pamilya. Siya ang nag alaga sa Ama namin na noon ay bata pa. Nasaksihan niya ang pagusbong ng bayan pati na rin ang mga dagok na sumubok dito. Hangang sa isang malaking pagsubok sa bayan ang halos sumira dito. Ang pag atake ng angkan ng hunters.

Living with a Half BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon