Chapter 8: Half Blood

577K 24.8K 3.8K
                                    

Chapter 8: Half Blood

Kinabukasan hindi ko nakita si Sebastian sa school maghapon. Narinig ko mula sa kaklase kong nag uusap na may inaasikaso daw sila sa border kasama ang mga orders.

Dahil sa mga nabasa ko ay naging malinaw na sa akin ang mga bagay na madalas kong naririnig noon. Dati ay wala akong pakialam sa mga ito. Now everything makes sense. Naging mas observant ako sa galaw ng mga taong nasa paligid ko.

Nakasalubong ko din ang babaeng kaibigan ng lalakeng sumugod sa akin kahapon. Umiwas ito ng tingin. Wala akong narinig na balita tungkol sa mga nangyari kahapon. Nakahinga ako ng maluwag dahil doon.

Ayoko din na pinaguusapan nila na nalaman ko ang sekreto ng bayang ito sa nakamamatay na paraan. Nanatili na kaming lima lamang ang nakakaalam ng nangyari. I wonder kung ano ang nangyari sa lalakeng sumugod sa akin. Naparusahan ba siya?

Noong una ay hindi ko alam kung iiwas ba ako matapos ang mga nalaman ko. I'm surrounded by hybrids. Hindi ko maiwasan na mapatingin sa kanila tuwing nakakasalubong ko sila sa hallway o habang nasa klase.

There a several times na halos hindi na ako nagco-concentrate sa klase. Hindi ako makapaniwala na nakakasalumuha ko ang mga tulad nila. Pero maliban sa mga nalaman ko ay walang nagbago mula noong una ko silang nakilala. They remain silent with their own matters. Silent and eerily mysterious.

Matapos ang klase at pag uwi ng mansion ay muli akong dumerecho sa study room para ipagpatuloy ang pagbabasa ko.
Kinuha kong muli ang libro sa bookshelf. Pero nagulat ako nang isa pang libro ang malaglag sa sahig dahil sa pagkuha ko. Pinulot ko ito at binasa ang title.

Zeref Van Zanth: The Third Alpha.

Kung hindi ako nagkakamali ay Zeref ang pangalan ng magulang ni Zander. Kung ganoon si Zander ang pang apat na pinuno mula noong maitatag bilang bayan ang Van Zanth.

Binuksan ko ang libro at sinimulang basahin ito. Kung ang unang libro ay tungkol sa pagkakatatag ng Van Zanth, ang librong hawak ko ay tungkol sa mga taon ng pamununo ng Ama ni Zander.

Palubog na ang araw sa labas at pumapasok ang matingkad na liwanag nito sa bintana na nasa tapat ko. Tahimik ang mansion noong hapong yon. Umupo akong muli sa silya at nagbasa.

Ayon sa libro, twenty eight years ang pamumuno nito bilang alpha. Mula noong tumuntong ito sa wastong gulang ng labing walo hangang sa maging labing walo ang anak na lalake nito na si Zander. Mas latest ang librong ito kesa sa unang librong nabasa ko. Napublish lamang ito two years ago. Ang taon kung saan natapos ang pamumuno niya at pinalitan ng kanyang anak na si Zander Van Zanth.

Sa ilalim ng pamumuno ni Mr. Zeref Van Zanth idinaos ang ika-isandaang taong anibersaryo ng bayan mula noong maitatag ito.
Nalaman ko kung gaano kahusay na pinuno ang Ama niya. Even on his early years madami itong nagawang batas bilang alpha. Ginagalang siya bilang pinuno at nirerespeto ng mga tao sa loob at labas ng bayan. Subalit isang bagay ang agad na nakakuha ng attention ko.

Isa sa pinakamalaking problema sa kanyang pamununo. Umibig siya sa isang tao. A pure blooded human. Cassandra Lorainedale. And it was stated here that Cassandra was converted to be a hybrid. Thus, offspring with one or both parents who are converted to become hybrids are considered half-bloods. Zander is not a pure blooded hybrid. Ayon sa libro ang consequences ng nangyari ay mapupunta sa kanilang magiging anak.

Half-bloods possessed two different bloods. The blood of a pure human and the predatory blood of a hybrid. Alphas that are half-blood have a harder time controlling their shifting compared to regular half-bloods or hybrids for that matter. It is because alpha blood is more aggressive in nature. It is the blood that wants to dominate the body.

Living with a Half BloodWhere stories live. Discover now