Bahay-Bahayan

61 3 0
                                    


(This is unedited, and just from my drafts)

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

~

"Hay ang boring naman." Pag reklamo ni Mira at tumingin sa gawi ni Lira.

"At ano ang gusto mong gawin ko? Binibini?" Sambit naman ni Lira.

"Tila yata nag kapalit na kayo ng wika Lira at Mira? Hindi ko din alam na marunong kana palang mag salita sa wika ng mga mortal mira?" Natatawang komento ni Khalil.

"At.. ikaw nalang cutie curly boy, ang hindi nag sasalita ng wika ng mga tao saating mag pipinsan?" Sambit ni Lira.

"Nakakaintindi naman ako ng wika ng mga mortal Lira ngunit nahihirapan lamang akong magsalita nito, ngunit hayaan mo Lira sapagkat masasanay nadin ako dahil kayo na ang lagi kong kasama." Saad ni Khalil.

"At khalil.. diba ang sabi ko sayo Ate ang itawag mo sakin? Mas matanda kaya ako."

"Ako din kaya Lira, mag ka edad lang kaya tayo noh? di naman fair kung si Lira lang yung tatawagin mong ate" Wika ni Mira at nag kunwaring lumungkot.

"Sige po Ate Lira at Ate Mira, simula ngayon ay yun na ang itatawag ko sainyo." Sambit naman ni Khalil at tumango nalang sila.

"Lira sobrang boring dito sa palasyo, pano kayo kung- hindi na pinatapos pa ni Lira sa pagsasalita si Mira pagkat alam na niya kung ano ang ibig nitong ipahiwatig. "Pano kung tumakas tayo? What Mira no! Knows ko naman na boring talaga dito pero no!"

"Bakit ngayon ka lang yata tumanggi sa ganiyan Lira." Natatawang sagot ni Mira.

"Ayoko, baka kasi mahawaan ko pa ng kakulitan o katigasan ng ulo itong si baby bro ko, ate na kaya ulit ako, right baby bro?" Tanong ni Lira kay khalil.

"Ri- right?" Bigkas naman ni Khalil kaya masayang masaya si Lira ng mag salita ito ng wikang ingles.

"Eh nahawaan mo na nga ata   eh."Tumatawang sambit ni Mira at inirapan nalang siya ni Lira.

"Pero totoo Lira boring na boring na ako sa palasyo. Wala ka bang iba pang laro galing sa mundo ng mga tao Lira?" Tanong ni Mira.

"Ano nanaman gusto mo? Tic tac toe? Habul habulan?"

"No sabi ko nga iba eh?"

Napatingin naman si Lira sakaniyang kama at nakaisip na ng laro. "Ah! Alam kona! Mag bahay bahayan nalang tayo!"

"Bahay bahayan?" Sabay na tanong nila Mira at Khalil.

"Yes! Bahay bahayan! So ang bahay bahay ay one will be the mom and- Hindi naman siya pinatapos ni Mira. "Alam mo Lira? Pwede ba tumigil ka muna sa pag sasalita masyado ng wika ng mga mortal, oo naiintindihan ka namin pero konti lang kaya." Reklamo ni Mira sa pinsan.

"Okay fine so.. lahat ng mga kasali sa laro ay kunwaring magkakaroon ng papel, parang yung isa sakanila ay magiging nanay, tatay, ate, kuya o minsan nga may aso pa eh haha. Pero since onti lang naman tayo wag na yun, gagawa nalang tayo ng bahay! Sakto pa naman madami ako ditong Accessories!" Saad ni Lira at ipinakita ang isang kahong puno ng mga palamuti.

"Gagawa tayo ng bahay? Ang pag kakaalam ko ate Lira ay ang bahay ay isang tirahan?" Tanong ni Khalil.

"Oo nga at hindi na natin kailangan pang gumawa ng tirahan?" Tanong naman ni Mira.

"Kaya nga kunwari eh! Laro lang naman kaya tara tulungan niyo akong ayusin tong kama ko!" Saad ni Lira at tumango naman sila Mira at Khalil at nag ayos na sila.

Ilang minuto din nilang inayos ang kama at natapos nadin silang lagyan ito ng palamuti.

"At.. bago tayo mag start.." Sambit ni Lira at nag labas muli siya ng isang mas malaking kahon na nag lalaman ng mga palamuti sa buhok.

"Wow Lira! Ito ba yung iniipon natin noon? Hindi ko akalain na sa daming taon ang nakalipas ay naitabi mo pa ito! Sabik na akong gamitin muli ito!" Masayang masayang sambit ni Mira habang tinitingnan ang mga palamuti na iniipon nila ni Lira noon.

Nakita naman ni Lira na pinag mamasdan lang sila ni Khalil. "Oh baby bro bakit nakatingin ka lang diyan?"

"Ah ate Lira, wala naman kasing babagay sakin diyan sa inyong mga palamuti, puro pambabae lamang ang mga ito.." Tugon naman ni Khalil.

"Masyado ka namang pormal Khalil, at ano naman kung pambabae toh? Laro lang naman eh."

"Oo nga, at ayaw naman namin ni Lira na kami lamang ang magsasaya kaya sumali kana."

Napapayag naman nila si Khalil at nag lagayan na sila ng mga palamuti sa kanilang mga buhok, nang matapos sila ay punong puno ng ibat ibang palamuti ang mga buhok nila. At nag laro nadin sila sa kama, nag hahampasan sila ng unan at nag hahabulan, nagulat nalang sila ng biglang pumasok ang kanilang mga ina at ashti.

 Enca CollectionsWhere stories live. Discover now