-Munting mga Sanggre-

64 3 2
                                    


Nasa hardin ngayon ang dalawang munting mga sanggre, malapit na ang pag lubog ng araw ngunit tila wala pa rin silang kapaguran sa pag lalaro. Kay tagal na nilang hindi nagawa ang mag laro lalo na't ngayon lamang nila nalasap muli ang kapayapaan sa encantadia, nagapi na nila ang kanilang kalaban, ang kakambal ng kanilang Bathalumang Cassiopeia, si Mitena.

"Mira, habulin mo ako!" Tumatawang sabi ni Lira at nag simulang mag pahabol kay Mira.

"Ako pa talaga ang hinamon mo sa habulan ah! Pwes humanda ka na ngayon Lira!" Nakangising sabi ni Mira at sinimulan na niyang habulin ang kaniyang pinsan.

Napuno ng halakhakan ng dalawang mag pinsan ang hardin, ngunit may mga oras din na tila nag kakapikunan na ang dalawa.

Napahiga nalamang sila sa pagod at tumingin sa kalangitan, inaalala ang mga nangyari noong kalaban pa nila si Mitena, at ang palaging pag 'kidnap' kay Lira.

"Bes?"

"Oh?"

"Naaalala mo pa nung palagi ka nalang na ki-kidnap ni Mitena?" Natatawang tanong ni Mira sa kaniyang pinsan at napatawa nalang si Lira.

"Oo naman! Sa daming beses ba naman akong nakidnap eh haha. Alam mo, malay ko ba kung bakit sa dami dami ng mga nilalang dito sa encantadia, bakit ba palagi nalang ako yung kinikidnap nila noh? Pwede namang ikaw—" Napatigil nalang sa pag sasalita si Lira nang bigla siyang hampasin ni Mira at tinitigan ng masama.

"Aray naman, joke lang naman eh, hehe gusto lang kitang kasama palagi hehe, wag kana magalit" Nagpakita naman si Lira ng pag papaawang mukha kay Mira, at napabuga nalang sa hangin si Mira at tumawa ng marahan.

"Hay nako Lira, wag mo nga akong dinadaan sa ganyan ganyan mo Lira. At sa iyong tanong na kung bakit palagi kang nakikidnap, nais mo pa bang sagutin ko iyon—" Tumitig naman ng masama sa kanya si Lira kaya hindi na niya itinuloy pa ang sasabihin, alam naman na ni Lira kung bakit.

"Alam mo Lira, sa haba haba ng taong nag daan, ang hindi pa din talaga nawawala sa iyo ay ang iyong kakulitan, at katigasan ng ulo."

"Ay wow, akala mo siya hindi ah?" Naiinis ngunit natatawa na sabi ni Lira.

"Ngunit mas malala ka kaysa sakin, at nadadamay mo lamang ako sa iyong mga kalokohan" Nang aasar na sabi ni Mira sa kaniyang pinsan.

Hindi nalang nakasagot si Lira at iniling nalamang niya ang kaniyang ulo, tila lubos na tama ang kaniyang pinsan kaya't hindi na siya nakasagot.

Bigla namang napuno ng katahimikan, at parehas silang nakatingin lamang sa kalangitan. Tumayo na sila mula sa pag kakahiga, at umayos nalang ng upo, na patuloy paring pinag mamasdan ang kalangitan.


Hindi na nila namalayan pa ang oras at ang pag lubog ng araw, mag gagabi na ngunit nasa labas padin ang dalawang sanggre.

"Pashnea! Dito ko lamang pala kayo mahahanap dalawang sutil na sanggre! Mga warka!" Nangangalit na sabi ni Hara Pirena ng Hathoria.

"Patay! Mira, nandito na si ether– este yung dragona mong nanay pala!"

 Enca CollectionsTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang