Chapter 1

27.2K 745 100
                                    

Ava POV

"WHEN you grow up Baby Alina, I'll teach you how to dougie. Like this oh!" Tinungkod ko ang dalawang kamay sa tuhod at nagtwerk.

Humagikgik naman ang one year old kong pamangkin na kamukha ni Jolene. Pati ang mama nya at kuya nya ay tawang tawa. 

"What the hell are you doing Ava?"

Tumigil ako sa pagtu-twerk ng marinig ang boses ni Kuya Atlas. Dumating na pala sya.

"Papa!" Tumakbo si Jeremiah pasalubong kay Kuya Atlas at yumakap dito. Binuhat naman sya nito at hinalikan sa pisngi. 

Lumapit si Kuya Atlas kay Jolene at hinalikan ito sa pisngi pati na si Baby Alina na tuwang tuwa rin na makita sya. Heto nga at nagdadaldal na.

"Papa may pasalubong po ako?" Lambing ni Jeremiah sa ama.

"Of course! Pwede bang wala." Nakangising sabi ni Kuya Atlas at tinaas ang hawak na supot.

Namilog naman ang mata ni Jeremiah. "Ice cream! Favorite flavor ko po ba yan?"

"Syempre naman. Rocky road at mangoe flavor. Paborito nyo ni mama."

"Wow. Walang avocado flavor?" Hirit ko.

"Wala. Bakit anak ba kita?" Nakangising bira ni Kuya Atlas at binaba na si Jeremiah. Binigay nya dito ang supot.

Sumimangot naman ako. "Mahuli ka sana ni Jolene na may ibang babae para hiwalayan ka at taguan ulit ng anak."

"Ava!" Sikmat sa akin ni kuya.

Tumawa naman si Jolene. Confident na syang di mambababae si Kuya Atlas. Takot lang kasi ni kuya dahil siguradong tataguan sya ulit ni Jolene.

"Bakit kasi walang avocado flavor?" Himutok ko. Paborito ko kasi ang avocado flavor na ice cream.

"Eh di bumili ka. Magpadeliver ka."

"Pengeng pera." Sabay lahad ko ng kamay sa kanya.

Malalim syang bumuntong hininga at umiling iling pero dumukot na ng pera sa bulsa. Inabot nya sa akin ang 500.

"500? Kulang to kuya." Reklamo ko.

"Kulang pa? O eh di akin na yan huwag ka ng mag ice cream." Akmang kukunin ni Kuya Atlas ang pera pero mabilis ko yung iniiwas.

"Sakto na pala to. Magpapadeliver na ako. Avocado flavor." Ngiting ngiti na sabi ko at kinuha ang cellphone. Binuksan ko ang isang food app delivery. Lumapit naman sa akin si Jeremiah.

"Tita Ava, masarap din po tong rocky road saka mangoe flavor."

"I know baby, pero nagki-crave si tita ng avocado flavor eh." Sabi ko.

Pinatay ko na ang cellphone ng tapos na akong magpadeliver. Maghihintay na lang ako ng ilang minuto.

Tumingin ako kay kuya na buhat na si Baby Alina at kinakausap ito. Habang si Jolene naman ay tinatabi ang briefcase na dala ni kuya.

"Ano na namang kalokohan ang tinuro sayo ng tita mo ha?" Kausap ni kuya kay Baby Alina.

"Tinuruan ko syang sumayaw para paglaki nya isa syang magaling na dancerist." Pagmamalaki ko.

"Ako po papa, marunong ng sumayaw. Tinuruan po ako ni Tita Ava. May video nga po kami eh. Ni-upload na po nya sa tiktok."

"Talaga? Patingin nga ng sayaw." Hamon ni Kuya Atlas sa anak.

At nagpasample naman ang pamangkin ko ng usong sayaw ngayon sa tiktok. Infairness sa pamangkin ko mabilis makabisa ang mga steps. Mukhang sya ang magmamana ng pagiging dancerist ko. Hindi sa pagmamayabang pero magaling akong sumayaw. Sumasali ako sa mga dance group noon. Sa aming dalawa ni Kuya Atlas ay ako lang ang marunong sumayaw. Nagmana ako kay mommy.

DG Series #5: My Grumpy Kuya MatiasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon