Chapter 22

19.5K 738 86
                                    

Ava POV

"GOOD morning mommy." Bati ko kay mommy pagpasok ko sa komedor. Lumapit ako sa kanya at humalik sa kanyang pisngi.

"Kamusta na ang pakiramdam mo anak?"

"Ayos na po mommy. Kaya ko na pong pumunta sa store at bake shop." Sabi ko at umupo na sa tabi ni mommy.

"Bukas ka na lang pumunta. Magpahinga ka pa. Baka mabinat ka." Ani mommy at tinawag ang isang kasambahay para ipagtimpla ako ng tsaa. Pero nag request akong milo ang itimpla.

"Dalawang araw na akong nandito sa bahay 'my eh. Medyo nababagot na ako." Nakangusong sabi ko.

Dalawang araw akong nanatili sa bahay dahil nilagnat ako. Gusto pa nga akong dalhin sa hopspital ni mommy pero di ako pumayag. Ayoko sa hospital saka simpleng lagnat lang naman yun.

"Huwag ng matigas ang ulo Ava. Magpahinga ka muna. Sya nga pala may dalang pagkain si Matias para sayo. Kuh, kasweet talaga ng binatang yun. Papasok na lang sya sa opisina dumaan pa rito para maghatid ng pagkain mo."

Natigilan ako sa sinabi ni mommy. "Dumaan po si Kuya Matias?"

"Oo kani-kanina lang. Tulog ka pa. Hindi ka na nga pinagising para tuloy tuloy ang tulog mo. O di ba? Sobrang sweet nya. Lagi kang inaalala. Naisip ko lang anak, kung sya ang makakatuluyan mo di na ako mag aalala. Nasisiguro kong maaalagaan ka nya. Ngayon pa nga lang na nanliligaw pa lang sya sobrang maalaga na sya sayo."

Napanguso ako sa sinabi ni mommy. Botong boto talaga sya kay Kuya Matias. Pero para namang nagiinit ang dibdib ko sa sinabi nya. Totoong maalaga si Kuya Matias sa akin. Sa dalawang araw na may sakit ako ay gabi gabi pa rin syang pumupunta hindi para manligaw kundi para tingnan ako. Kung ano ano ring mga pagkain ang dala. Sa umaga bago pumasok sa opisina ay dumadaan pa sya dito para dalhan ako ng pagkain.

"Anak, bukas nga dalhan mo ng lutong pagkain si Matias sa opisina nya. Pasasalamat man lang sa mga kabutihan nya sayo." Suhestiyon ni mommy.

"Hindi ako marunong magluto mommy."

"I know."

"Ikaw po ang magluluto?"

"Hindi rin. Alam mo namang hindi rin ako marunong magluto baka sumakit lang ang tiyan nya. Magpapaluto tayo kay Manang Josie."

Ngumiwi ako. Oo nga pala, di rin marunong magluto si mommy. Tumutulong lang sya sa kusina. Mag ina nga kami dahil parehas kaming di marunong magluto.

Pumasok na sa komedor ang dalawang kasambahay at hinain na sa mesa ang almusal namin ni mommy. Ang sa akin ay ang pagkain na dinala ni Kuya Matias. 

--

"Hi miss! Nasa opisina ba nya si Kuya Matias?" Nakangiting tanong ko sa isang receptionist.

"Sino pong Matias ma'am?"

"Ehh.." Oo nga pala. Kaunti lang ang nakakaalam na Matias ang nickmane ni Kuya Matias. "I mean, Maalik Tobias Santiago."

"Ah yes po ma'am, nasa opisina po nya. Pero may ka-meeting po sya ngayong kliyente. May appointment po ba kayo sa kanya ngayon?" Magalang na tanong ng babae.

Kumagat labi ako. Need pa pala ng appointment bago makipagkita sa big boss. Eh magbibigay lang naman ako ng pagkain.

"Wala eh, may ibibigay lang sana ako. Baka pwedeng umakyat ako saglit o kaya pakitawagan sya." Sabi ko at tinaas ang hawak na brown paper bag.

"Naku ma'am, hindi po pwede eh. Yung mga may appointment lang po ang pwedeng pumasok sa opisina ni Sir Maalik at hindi po namin sya pwedeng basta tawagan. Yung secretary lang po nya ang pwede naming tawagan."

DG Series #5: My Grumpy Kuya MatiasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon