Chapter 20

20.7K 763 258
                                    

Third POV

ABALA si Atlas sa pagdidiscuss kay Kester tungkol sa blueprint ng isa sa mall nitong gustong iparenovate at pa-extensionan ng biglang magring ang kanyang cellphone, kaya parehas silang natigilan magkaibigan.

Dinampot nya ang cellphone para tingnan kung sino ang tumatawag. Ang kanyang mommy pala at mukhang emergency iyon.

Sinwipe ni Atlas ang green button at dinikit ang cellphone sa tenga. "Hello mom."

"Atalas anak, busy ka ba? I have something to tell you."

Sa boses ng kanyang ina ay mukhang hindi naman emergency ang sasabihin. Kumamot sya sa kilay.

"Ano ho ba yun 'my? Pakibilisan na lang dahil may meeting pa kami ni Kester." Ani nya at tumingin sa kaibigan na nakatingin lang din sa kanya habang naghihintay na matapos ang kanyang pakikipag usap sa ina.

"Oo anak mabilis lang ito. Importanteng importante lang itong sasabihin ko. Kagabi pa kita tinatawagan pero di ka sumasagot pati si Jolene ay tinatawagan ko rin pero di rin sumasagot. Siguro may ginagawa kayo kagabi."

Sa ulo naman kumamot si Atlas. Tumawag nga kagabi ang kanyang ina at di nya nasagot dahil tama naman ito ng hinala, may ginawa sila ng kanyang mahal na asawa at hindi sila pwedeng istorbohin.

"Mommy diretsahahin mo na ako please."

"Ito na nga anak, si Matias nagpunta rito sa bahay kagabi at nagpaalam na liligawan si Ava."

"What?" Bulalas nya. Nabigla sa sinabi ng kanyang ina.

"Nagulat ka anak no? Ako nga rin nagulat ng magpaalam sya na liligawan nya si Ava. May gusto raw sya sa kapatid mo kaya liligawan nya ito."

Umawang ang kanyang labi at muling napatingin kay Kester. Nasa mukha na nito ang kyuryosidad.

"Are you sure mom?"

"Yes anak! Sure na sure. Kung gusto mo tanungin mo pa ang kaibigan mo na yun."

Tumiim bagang ako. "I will mom. Magtutuos kami."

"Anak, huwag mong aawayin si Matias -- "

"Bye mom." Binaba na nya ang cellphone at pinatay. Malutong syang nagmura. Hindi sya makapaniwala sa sinabi ng kanyang ina. Pero alam nyang nagsasabi ito ng totoo.

"What happened par?" Tanong ni Kester.

"Gagong Matias na yun!" Galit na sambit ni Atlas. Hindi nya inaasahan na magkakagusto ang kaibigan sa kanyang kapatid. Para na ring syang tinalo nito.

"Why pare? Anong ginawa ni Matias?"

Tiim bagang na tumingin si Atlas sa kaibigan. "Matias likes Ava at nagpaalam sya kay mommy liligawan ang kapatid ko."

"Fuck! Really?" Namilog ang mata ni Kester na nagulat sa sinabi ni Atlas pero maya maya ay napangisi sya. "Sabi na eh. May something sa kanilang dalawa. I told you before pare di ba? Sabi na eh tsk tsk." Dalawang beses nahuli ni Kester na magkachat si Matias at si Ava pero normal conversation lang naman yun at walang malisya. At ginawa nyang biro yun para asarin ang kaibigan. Pero di nya akalain na magkakatotoo.

Nirolyo ni Atlas ang blueprint at nilapag sa conference table. Dinampot nya ang cellphone at tinungo ang pinto.

"Teka pare, saan ka pupunta?" Tanong ni Kester.

"Kay Matias. Magtutuos kami ng gagong yun."

"Sasama ako." Sumunod si Kester sa kaibigan na madilim na ang mukha. Dinial naman nya ang numero ni Luigi.

"Hello Luigi pare. Pumunta ka sa office ni Matias."

"Why?"

"Mag aaway ang magbayaw." Nakangising sabi ni Kester.

DG Series #5: My Grumpy Kuya MatiasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon