Chapter 7

30.1K 1.4K 2.2K
                                    

Trigger Warning: Homophobic remarks

Help

Tyler shamelessly made a fake cough. Binatukan ko pero huli na dahil umahon na ang ulo ni Connor at lumingon sa amin, na kahit ang babaeng hanggang balikat niya, nasa labi pa ang ngiti, ay bumaling na rin sa amin.

Ilang beses ko nang nakita sa picture ang girlfriend ni Con dahil wallpaper niya naman at laman din minsan ng Facebook story niya. Ngayon na mas nakita sa malapitan, maganda nga, maputi at halatang snob. She has that air of Verena, but she looked more soft.

"Oh?" Connor was a bit confused to see us.

Isa isa kaming nagsitayo ng tuwid at nakalinyang inakbayan ang isa't isa habang nasa babae ang atensyon naming lahat.

The girl looked hostile. Hindi palakaibigan ang tingin niya at ang unti-unting pagkabura ng ngiti ay halatang nagsasabing hindi niya gaanong nagustuhan ang pagsulpot namin.

"Akala ko ba nagparty kayo?" Con continued, like he doesn't mind seeing us while he's busy with his girlfriend.

"Ah...naglaho bigla si Brent kasama si Jade," si Tyler ang nagsalita.

Kumalam ang sikmura ko sa bango ng niluluto ni Con. Sa aming lahat, siya pa naman ang pinaka masarap magluto.

"Adobo?" I asked.

Siniko ako ni Mavric at natawa. Naghagikhikan din si Tyler at Ronan. Nagkasalubong ang kilay ko dahil hindi ko alam para saan iyon. Nagtatanong lang naman! Alak ba naman ang ginawang dinner!

"Ipakilala mo naman kami, Con. Parang iba kasi 'yung pinakilala mo noong nakaraan sa amin," biro pa ni Mavric kaya nagpigil kami ng tawa habang binatukan siya ni Ron.

Connor laughed along with us. "Mga gago. Inaasar ka lang nila." Sabay lagay ng kamay niya sa baywang noong girlfriend niya ngunit biglang hinawi.

Ang mga ngiti namin ay unti-unting napawi.

"Ah, biro lang 'yon Miss. Ikaw 'di ba si Patricia?" si Tyler na nanggamit pa ng pangalan ng friend namin para sa biro niya.

"Patricia?" the girl uttered, raising her brow at Con.

Connor sighed and shook his head gently when he looked at his girl.

"By the way...sila ang mga friends ko. The varsities," pakilala niya sa amin sa girlfriend niya.

His girl looked at us and smiled a little. Ni hindi umabot sa mga mata ang ngiti niya.

"Boys, si Serene."

Ngumiti kami sa kanya. Titingin siya saglit sa amin, ngunit ibabalik din kay Con at hindi na kami ngingitian.

"Loyal 'yang si Con! Sa aming lahat, pinaka loyal 'yan! Pag may dumadaang cheerdancer pumipikit 'yan si Con tapos inaalalayan nalang namin maglakad kasi hindi talaga dumidilat sa sobrang loyal!" at pakiramdam ko, pinalala lang ni Ron dahil mas naging madilim ang ekspresyon noong babae.

Con glared at us playfully and attempted to throw some things, but we just ran to the living room to avoid it. Nagtawanan kami doon at nag-apir sa isa't isa dahil parang malalagot si Con sa girlfriend niya.

Nagbukas nalang kami ng TV at nagpaalam kay Con na maglalaro ng Playstation lalo na't gusto ko ring makikain. At mukhang kahit si Tyler, 'yung ulam na rin ang iniisip dahil iyon na ang pinag-uusapan namin habang naglalaro.

"We're so shameless. Baka para lang 'yon sa girlfriend niya tapos makikikain din tayo," si Mavric na nasa sofa at nakapangulambaba sa nakaparteng hita habang abala sa phone.

Behind the Blue Skies (Strawberries and Cigarettes Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon