Chapter 20

47.3K 2.2K 5.7K
                                    

Comfort

Hindi ko natanggal ang ngiti pagkapasok sa unit nang bumalik din kaming dalawa. Nasa banyo ako, balak mag half bath ngunit nadatnan ang sarili sa harap ng salamin, nakanguso at pinipisil ang pang-ibaba kong labi.

Naguguwapuhan naman pala? I shook my head and laughed a little, pulling the t-shirt at my back.

I took a quick half bath. Nang nasa kama na, naka sweatpants na lamang at topless, I immediately grab my phone to type a text while stifling my smile.

It's already 2:30AM. Tulog na ba 'yon? Bago pa ako makaisip ng text, nagbeep na ang phone ko at may bumalandrang text galing sa kanya.

Denver:

Thank you pala sa ice cream :)

Ang ice-cream kong naka tatlong scoop lang yata ako. Lalo na't noong pauwi, siya na ang may hawak at kumakain. Inaasar ko kaya tuloy nalingat sa isip ko. Pero ayos lang.

I typed a reply immediately.

Reagan:

Haha ikaw ulit next time ang manlilibre ng ice cream

Ngumuso ako at naisipang palitan ang pangalan niya ng Rin para mas maiksi. Mas gusto kong tawagin siyang ganoon.

Hinintay ko na magreply kaso hindi na dumating hanggang nakatulog din ako. Noong magising at tiningnan ang phone, ang mga text lang ng boys ang nandoon. Wala ang kanya.

"Five minutes, coach!" I signaled for a break on the next day. Tang ina. Ang init!

I jogged to the bench so I could wipe off the trickling sweat on my neck. Nasa gym kami dahil practice ulit for the game. Binuksan ko ang duffel bag at kumuha ng tuwalya para pamunas.

Naramdaman ko si Mavric na humabol hanggang nasa gilid ko na, binuksan din ang gamit.

"You know Kia?" bigla niyang tanong.

Kia? Umiling ako at ipinasok sa loob ng aking jersey ang tuwalya para punasan ang katawan ko.

"Engineering student. She asked for your number. I didn't give it yet. O gusto mo ikaw ang pumunta sa building nila?" suhestyon niya at abala ring punasan ang pawis.

Nailing ako at hinampas sa kanya ang tuwalya ko. "Tigilan mo ako diyan sa reto reto na 'yan."

Nakangiti niya akong tiningnan at kinuha ang phone niya. Tumingin ako sa boys nang mag-agawan pa si Ron at Tyler sa tubig. Kanina ko pa iyon napapansin pero may cut sa labi si Tyler. May kaonti ring gasgas ang leeg. Ewan ko kung kalmot ba o ano.

Ang sabi niya noong nakaraan, siya na raw ang bahala kay Kael. Kinausap niya na ba 'yon? First week na ng October.

"Kinausap na ni Tyler si Kael?" kuryoso kong tanong habang abala si Mavric sa phone niya.

"Here's the girl," si Mavric na hindi pinansin ang tanong ko at ipinakita sa akin ang isang Facebook.

Gusto kong kunin sa kamay niya ang phone pero mahigpit niyang hinawakan at gusto yatang tingnan ko lang. Sinulyapan ko ang profile picture. Maganda nga naman. Mukhang soft girl at para ding may lahing American.

Hindi ko alam kung nawawalan na ba ako ng interes lumandi o dahil din 'to sa kurso ko. Ang tagal ko na rin palang walang kinikilalang babae.

"Kaibigan 'yan noong nilalandi mong Tejano na nursing?" tanong ko.

He only smiled and pulled his phone away. Nasulyapan ko pa ang naka airplane mode niyang phone. Ito ang pagkakaiba ni Mavric sa amin. Secretive. Hindi mo mahahanapan ng ebidensya hangga't hindi mo nahuhuli sa akto dahil wais siya at alam kung paano itatago 'yang mga nilalandi niya.

Behind the Blue Skies (Strawberries and Cigarettes Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon