Chapter 22

48.7K 2.9K 6.6K
                                    

Guilty

"Oo. Magpinsan yata sila," ani Mavric nang magtanong ako tungkol sa pamilyar na apelyido ni Arron sa akin.

Nasa Yuchengco lobby kami ng school, nakaupo sa bench at medyo nagkaabutan ang break time kaya nagpasyang magkita.

"Pinsan?" Halos napaismid ako. "Kaya naman pala mukhang tarantado rin si Arron sa paningin ko."

Nagkibit siya at abala sa phone. Nahulog ang tingin ko doon.

"Kumusta kayo ni Kia? Kinilala mo daw?" tanong ni Mavric kaya napaahon agad ang mga mata ko sa kanya.

"Ah...Oo. Pero tagilid. May naalala ako sa kanya."

"What?" medyo natawa siya.

Tumingin ako sa phone niya na nakataob na sa kamay niya.

"Balak ko nang itigil. Only child pa naman 'yon. Baka pag pinaasa ko mapatay ako noong General niyang Dad."

He laughed and shook his head. "Then just court that other girl. Kung siya ang naaalala mo, maybe you got hang-ups for her?"

Tss. Huwag nang mag girlfriend. 'Yan lang naman ang solusyon ko sa problemang 'yan. Isa pa, sinubukan ko lang talaga.

"Baka burn-out lang din ako," sabi ko habang inilalagay ang dalawang kamay sa likod ng aking ulo, malayo ang tingin. "Parang ayoko talaga muna mag girlfriend..."

"When was the last time you've done it? Maybe you just need a good stretch?" He smirked meaningfully.

Good stretch? Ulol. Pinabango pa. Halata naman kung ano 'yang tinutukoy niya. Ngumisi ako at siniko siya. Kaya ayaw ko itong kausap eh. Seryosong bagay napupunta sa kung saan saan.

Kia:

U wanna talk?

Mabilis ang tayo ko at tinapik ang balikat ni Mavric para magpaalam. Nakipagkita ako kay Kia. Isang linggo lang yata kaming kinilala ang isa't isa. Ayos naman. Pero iba talaga ang pakiramdam ko. Hindi ako maka concentrate.

I met up with her in Henry Sy building. Naka puting dress siya at kapansin pansin ang pink na ribbon na tali niya na medyo hinahangin kaya sumasayaw rin ang medyo mahaba niyang buhok. Niyayakap niya ang iPad niya at may glasses siyang suot ngayon na bagay rin sa bilugan niyang maliit na mukha.

"You want it off?" agad niyang tanong nang lapitan ko at medyo hindi ko alam kung paano sasabihin.

I opened my mouth to say whatever alibis I needed to lessen the pain, but I've never been a liar. I like confronting people. Hindi ako takot sa ganoon. So I slowly nodded.

"Baka kasi ma ghost kita. May babae na akong na ghost noon dahil nawalan ako bigla ng gana," paliwanag ko nang maalala ko rin ang mali ko noon kay Keycee. Bigla ko nalang 'yung b-in-lock kaya galit na galit sa akin.

"I heard that," she chuckled softly.

Naglalakad lakad lang kami sa school, sa mismong mga hallway. Tinitingala niya ako paminsan minsan at tumitingin sa harap habang nasa labi niya ang kaonting ngiti.

"Kumalat 'yon eh. Pero nagawan din ng maraming versions," paliwanag ko.

"It's fine for me. I could also sense you're interested in someone else. But still, thank you for knowing me. Masaya ka kausap sa text, although you reply late sometimes." She chuckled.

I groaned and shut my eyes, laughed a bit as I lifted my head frustratingly. Sabi na eh. Napapansin niya rin.

"But it's okay! That's the purpose of getting to know each other! There is no pressure. We have different paces. Sadyang excited lang ako maka text ka. And I should not expect you'd give the same energy since I know we're not in a deep level of relationship yet..." she uttered in her cheerful voice.

Behind the Blue Skies (Strawberries and Cigarettes Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon