Chapter 9

17 5 0
                                    

Mavi's POV.

Pagka gising ko dumeretso agad ako sa banyo at nagtoothbrush tsaka nag hilamos. Pagtapos ko lalabas na sana ako ng kwarto ng may marinig akong ingay sa labas ng kwarto.

Nasarado ko naman ng mabuti yung main door ah? Panong may makakapasok don hayst. Bago lumabas kinuha ko yung baseball bat sa gilid ng kama ko at dahan-dahang binuksan yung pinto ng kwarto.

Wla akong nakitang tao sa sala pero bukas yung tv. Papunta na sana ako sa kusina ng matigilan ako dahil sa humawak sa balikat ko. Hinawakan ko yung kamay na naka hawak sa balikat ko at inikot ito papunta sa likod nya.

"Ho-hoy masakit m-mavi" napabitaw ako dahil si theo lng pla.

"S-sorry ng gugulat ka kasing hinayupak ka" saad ko. Pero wait? Si theo???

"Sandali nga anong ginagawa mo dito? Pano ka nakapasok?" Saad ko na naka pamewang pa.

"Kuya mo tanungin mo kung pano, sakit ng ginawa mo babalian mo bako ng buto hah?" Tinarayan pako grabe bakla ata to eh.

"Oh you're already awake?" Saad ni kuya na kalalabas lng ng kitchen.

"Hindi tulog pako hindi ako to" kinginang tanong kasi yan hindi ba obvious ma gising nako? Haysttt sinisira nila umaga ko.

"Tsk para san yang baseball bat nayan?" Nagtatakang tanong ni kuya at kinuha pa sakin yung baseball bat.

"Para sa mga ulo nyo, pano ba kayo nakapasok dito? Hindi ba nakasara yung pinto?" Tanong ko habang papunta sa kitchen para kumuha ng tubig ay nakita ko sa dinning table sila isaac, theodor and yung tatlong lalaki kahapon.

"Hoy anong ginagawa nyo dito?!!" Sinamaan ko ng tingin yung tatlo tatalikod sana ako dahil wla akong mask na suot pero bago ako makatalikod ay lumapit si kuya sakin at inakbayan ako saka hinarap sakanila kainis.

"Easy nics they're my friends" saad ni kuya at tinuro pa sila.

"Wala akong pake kuya paalisin mo yang mga yan baka bangasan ko kayo isa isa" taray kong saad at tinanggal ang pagkakaakbay ni kuya sakin.

"Magkapatid kayo?" Saad ni green haired.

"I thought only child ka?" Si light blue haired naman. Hindi ampon lang ako oo hindi nya'ko kapatid tsk.

"Yeah she's my sister, nics this is Aaron, clyde and danlee" pagpapakilala ni kuya sakanila. So clyde pla ah buti hindi nila ako mamumukhaan.

"So pano nga kayo nakapasok dito?" Ulit na tanong ko dahil hindi sinagot ni kuya kanina.

"You forgot that i'm the spg President here" pinakita pa ni kuya yung susi ng dorm ko. Kaylangan kona ata bumili ng bagong lock baka magulat nalang ako nasa kwarto kona isa sakanila tsk.

Hindi ko nalang sila pinansin at uminom nalang ng tubig. Buti nalang 9am pa ang pasok namin kya may time pako para tumambay dito sa dorm. Habang nasa kwarto ako ay may biglang tumawag sakin ng tignan ko ang caller ay unknown. Nag aalinlangan pako kung sasagutin ko o pababayaan ko nlng pero natalo ako ng curiosity hayst.

Pagka sagot ko ng call ay hindi muna ako nag salita hinihintay kong yung sa kabilang linya ang mauna ngunit walang sumasagot kya napilitan akong unang mag salita.

[Hello?....]Saad ko.

[Hello sino to?]saad ko ulit dahil wlang sumagot.

[kung sino man'to wag kanang tatawag ulit ang lakas ng tama mo]saad ko at pinatay na ang tawag. Bwiset yon ah tatawag tapos hindi naman magsasalita pero baka wrong number lng.

Fastforward

"Amboring ng first sub" saad ni chloe at humikab pa ang babaita.

"Patapos naman na oras ni ma'am mag lunch narin" naka hawak pako sa ulo ko dahil ang sakit, ewan koba nananakit ulo ko ngayon.

Habang nag didiscuss si ma'am may narinig kaming bulungan.

"May meeting raw mamaya sa org ah?" Girl1
"Weh? Ackla lahat ba pupunta?" Girl 2
"Sapag kakaalam ko oo dw" girl 1
"Sana pumunta narin si empress gusto kona makita yung idol ko" girl 2
"Hoy gaga wag kana mag assume hindi na magpapakita yon" girl 1
"Hayst" girl 2

Empress?.......

Sa org??........

Yung leader ng black empire gang? Kataka-taka nga naman maski sa org pinag uusapan rin sila.

"Anong meron sa BEG? Pansin ko lagi silang pinag uusapan" tanong ko sakanila. Nagkatinginan sila kaya nag taka ako pinanliitan ko sila ng mata.

"Empress are missing we didn't know if she was been kidnapped or just hiding idk" sagot ni sky sa tanong ko. Weird, So kaya pla simula nung maka tungtong ako sa org sila na pinag uusapan lalo na yung dalawa pang taga BEG.

"Since when?" I said and look at my wrist watch it's already 11:23, 7 minutes before lunch.

"Last year"maikling saad nito. Hindi nako nag tanong pa at tinuon nalang ang pansin sa dinidiscuss ng prof.

" so that's all for today class goodbye, don't forget to prepare all you're materials tomorrow"

"Yes ma'am goodbye"saad nila.

"guys tara sa cafe" aya ni chloe. Grabe gutom nanaman sya.

"Kakakain lang natin ah? Wag mo sabihin gutom ka nanaman?" Mataray na saad ni cassy na naka pamewang pa hahahaha. Ang cute nila tignan parang magkapatid lng hahaha.

"Wag kana maraming sinasabi tara na" hinila kami ni chloe papuntang cafeteria kaya wala na kaming nagawa.

"Anong gusto nyo guys?"

"Bakit treat mo ba?" Saad ko.

"Yes yes, kaya anong gusto nyo?" Naka ngiti pa sya habang sinasabi yan. Grabe first time yun ah.

"Anong nakain mo at naisipan mong manlibre ngayon chloe?" Si cassy.

"Wala naman whehe dali na" saad nya. Hindi na kami nag tanong pa at umorder na. Pagkatapos umorder naghanap kami ng vacant table ng makahanap kami ay umupo na kami ron.

Habang kumakain kami dumating sila kuya.

"Get out" saad nung green haired na si clyde 'kuno'.

"Bastos ka ah kita mong kumakain kami diba?" Saad ni chloe.

"I don't care, that's our table" saad nya pa. Naguguluhan ako kung bakit walang ginagawa si kuya. Nanonood lng sya sa ginagawa samin ng bwiset na kaibigan nya. Pag ako talaga napuno tanggal angas neto.

"Sa pagkaka alam ko walang nagmamay-ari ng table nato kaya wala kang karapatan paalisin kami" walang emosyong saad ko at tinignan kopa sya mata sa mata. Gigil nyo'ko ah.

Magsasalita pa sana sya ng pigilan na sya ni isaac at yung danlee.

"Buti naman dina nagtamo pa ng away papansin masyado" saad ni chloe.

"Don't be so war freak" darren said while not looking at her. Pinagpatuloy na ulit namin ang pagkain.

"Nics, yung tori oh nilalandi yung kuya mo"saad ni cassy. Tinignan ko sila kuya at totoo ngang nilalandi sya ni tori pero wla manlang syang ginagawa. Namanhid naba tong si kuya? Parang ang sarap sapakin ah.

"Oh one........." Nagulat ako ng magsimulang mag bilang si kyle at sinundan naman ni chloe.

"Two.........." Pagbibilang nya.

"Three.........." Pagpapatuloy ni cassy.

"Go." Saad ni darren.

Naguguluhan ako sa ginagawa nila ah.

"Emergency, emergency si tori makati" kanta nila ng sabay sabay.

"Hoy mga sira ulo kayo" saad ko pero natatawa ako sakanila umaacting pa kasi sila na parang nangangati haha.

"Emergency, emergency si tori makati" pag uulit nila haha.

"Hoy tama nayan nakatingin sila satin oh haha pagka bilang ko ng tatlo alam nyo na."

"1........2.......3.....takbo!" Tumakbo kami papuntang gazebo. Hindi sana ako lilingon sa kinaroroonan ni kuya kaso natalo ako ng curiosity kaya lumingon ako para tignan kung anong reactions nila.

Si clyde na masama ang tingin sakin. Si theodor, isaac, danlee and aaron na tumatawa. Si darren na walang reaction. And kuya was glaring at me. Problema non? Wag nya sabihing fiance nya talaga yon?

Behind The Mask Of The Gangster Empress(On Going)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang