IV - He's back

2 0 0
                                    

Matthew

Hindi ako mapalagay kaya naman I've decided na puntahan si Gabby sa company nila. Nasa elevator pa lang ako, pinag-uusapan na ang isang model from States na Pinoy daw at sobrang gwapo. For sure, si Matt nga yon.

Paglabas ko ng elevator, nagkusa yung paa ko sa teller and kilala naman ako rito pero I wanna know kung nasaan exactly si Gabby. The information told me na nasa Execution Room daw si Gabby dahil may photoshoot na nagaganap ngayon. Nakapila na kasi ng 10 models para sa new collection nila. Akala ko naman noong una, isa lang ang kailangan nila. That's a sigh of relief dahil kung si Matt lang ang napili nila, baka hindi na ako makatulog neto.


Everyone greeted me pagpasok ko ng Execution Room. Everyone knows who I am. Napatingin na rin ang lahat ng models sakin— including Matt. Our eyes met and he gave me a simple nod. Hindi ko siya pinansin.


"Secretary Dea, where's Gabby?"

"Ah, Sir. Nasa business meeting po si Ma'am Gab. Kakaalis lang po nila. They used the company car po."


"Sabi sa information nandito raw siya?" She nodded.


"It's an urgent meeting po kaya hindi ko pa nau-update sa information na umalis si Ms. Gab."




Hinintay ko si Gabby sa office niya. Wala rin namang ginagawa pa sa company kaya naman Nagpa-early dismiss ako sa lahat. I just told them na be on call pa rin in case na may biglaang meeting.



Bigla namang bumukas yung pinto and it revealed Gabby.


"Love, you're here." She said. She looks exhausted.


"Walang ginagawa sa office so I've decided to visit you." Tumango lang siya and umupo agad sa chair niya.

"Matagal na rin tayong hindi masyadong nagkikita so eto ako ngayon." Hindi naman niya ako pinansin. Mukhang may paper work nanaman siya.

"Gab, are you busy? Gusto mo umalis muna ako?" This time, tumingin naman siya sakin.

"You can hang out naman dito but I really have to do some things. Maybe pumasok ka muna sa bedroom so you can rest. Pupuntahan agad kita after this." Tumango naman ako and naglakad nang dahan-dahan papasok ng room pero may hinihintay akong sabihin niya na hanggang ngayon, hindi niya sinasabi.


"Hindi mo sinabi sakin na isa pala si Matt sa mga models na ni-hire niyo." Hindi pa rin siya tumigil sa pagt-type sa computer niya.


"I was just about to tell you that when we have time."


"Gabby, you could've at least told me sa letter. Or kahit leave a text message na 'Hey, isa si Matt sa mga models na na-hire namin.'. That's so easy, Gabby." Tumigil naman siya sa pagt-type and tumingin sakin.

"That's so informal. The proper way to tell you—"


"I don't care if it's formal or not. You could've done something para sabihin sakin." After all these years, si Matt pa rin ang pinag-aawayan namin. Nandyan pa rin si Matt to come between us.


"What? E diba ikaw ang nagsabi na we catch up every time we have time and—"


"Pero yung mga ganitong bagay, dapat sinasabi mo agad!" I'm actually driving mad right now. Hindi ko ma-contain yung anger ko. It's like it's really driving me mad to the point na nakalimutan kong there might be people na makarinig samin. I glanced at the glass door and buti na lang, nakasarado. Nakasarado rin ang blinds.


"How is this different sa mga pinag-usapan nating—"


"It's Matt!" She chuckled.


The Guy Who Loves Me (The Guy Who Doesn't Like Me Book 2)Where stories live. Discover now