V - Make up then make out

2 0 0
                                    

Matthew

I woke up with a usual morning where Gabby isn't beside me. We still slept on the same bed but we were faraway from each other. It's only a queen-sized bed but I have never felt so alone. Pakiramdam ko rin, tamad na tamad ako pumasok sa office ngayon. Wala akong kagana-ganang magtrabaho ngayon. Alam kong io-overthink ko lang yung thought of Gabby and Matt together— laughing and spending time together. Gusto ko sana ulit bumisita sa office ni Gabby but I don't think iwe-welcome niya ako nang ayos. She's pretty much pissed din. I know parehas namin gustong magkaayos na pero kasi, laging nangingibabaw yung thought na bakit hindi niya agad sinabi sakin.


I've decided na pumasok na lang sa office. May boards meeting kami today because may bago kaming ila-launch na ulam sa restaurant namin. Actually, hindi lang ulam. It's a pretty big upgrade for our company. We've decided to launch a new option for our menu which is a bento box kaya naman kailangan magmeeting talaga.


Pagdating ko sa office, narinig ko nanaman ang pangalan ni Matt. May mga babaeng pinag-uusapan nanaman siya dahil nag-upload daw siya ng new Instagram post na may babaeng super familiar daw. Naglean ako and it was Gabby. My Gabriella. Sa photo, Matt and Gabby look so happy. Gabby looks like she's laughing because of something and Matt's looking at her wearing a huge smile on his face. Ang caption, 'T'was nice seeing you again.'


Inagaw ko ang phone ng worker ko at nagulat naman silang dalawa sakin. I realized that hindi sila yung mga babaeng nag-uusap about kay Matt kahapon. Mukhang famous na nga si Matt ngayon na kahit taga Pinas at worker ko e kilala siya.


"Sir!" Pagkabigla nung isa. Tinititigan ko lang si Gabby sa photo. How could she smile like that while sakin, ni hindi manlang siya makatingin kagabi.

"How'd you guys know this guy?" Nagkatinginan naman yung dalawang babae.

"He's a Pinoy fashion model from the States, Sir and he's currently the newest model of Love, G." Sabi nung isa.


"Sir, diba po yung girlfriend niyo sila yung may ari ng Love, G?" Banggit nung isa. I returned her phone and nodded.

"Bakit po hindi niyo siya kilala?" Hindi ako nagsalita.


"Ang balita po, he's now dating this big personality dito sa Pilipinas." Bigla akong kinabahan. Gabby is a huge personality sa fashion industry. Don't tell me siya yon?

"Uy, hindi pa confirmed. Actually, rumoured pa lang yon na nagddate sila ng isang malaking personality." Mas bumilis ang takbo ng puso ko nang sabihin niya yon. Ayakong paghinalaan si Gabby because she won't do such thing. Pero bakit ganito ang pakiramdam ko?


"Baka yang babae sa picture ang rumoured girlfriend niya." Nanlisik ang mga mata ko. Tiningnan ko yung mga babae.


"No, she's not." Napatingin naman sila sakin. "She's my girlfriend." Halata ang pagkabigla sa mga reactions nila. Bigla namang bumukas ang elevator at naglakad ako dere-deretso sa office ko. Para akong hindi makahinga. Until I found myself cancelling the meeting. Kusang gumalaw ang mga kamay ko para i-cancel ang meeting. Kusa ring gumalaw ang mga paa ko papuntang parking lot. At this point, hindi rin ako makakapagfocus nang ayos sa meeting. Iisipin ko lang nang iisipin si Gabby so I think it's better na puntahan na lang siya.


Me and Gabby have to talk. We cannot let this fight get in our head. We have to make up. I have to get my Gabby.



Habang nasa daan, may nakita akong isang pamilyar na sasakyan na papunta rin sa direksyon na pupuntahan ko. Pagtingin ko sa plate number, it's Gabby's car. Medium tinted ang kotse niya kaya naman hindi ko siya masyadong makita. Sinundan ko ito papuntang company nila Gabby.


The Guy Who Loves Me (The Guy Who Doesn't Like Me Book 2)Where stories live. Discover now