LESSON 26- The Hell They Made

45.2K 1K 217
                                    

NAPATINGIN si Bridgette kay Charina ng bigla na lamang itong humagulhol ng iyak. "Huhuhu...Ayoko­ na! Uuwi na ako! Mommy kooo...Huhuhu!"

"Whats our plan?" tanong ni Steven sa kanya.

Tinignan niya ito ng masama. "The hell! Wala akong pakialam sa inyo. I have my own plans! Kung mapapatay kayo ng baliw na Noah na iyon, mas mabuti! Makaganti man lang ako sa pagtatraydor niyo sa akin!"

Galit na galit na sabi ni Bridgette.







HINDI makapaniwala ang multo ni Olivia sa nakita nito. Yakap-yakap ni Teacher Noah ang wala ng buhay na katawan ng kanyang inay.

"I-inay...Inaaayyy!!!" Naglalagablab sa galit si Olivia.

Tumingin sa kanya si Teacher Noah. "Papatayin ko silang lahat! Papatayin ko silaaa!!!" sigaw din nito.

Nagkatinginan sina Olivia at Teacher Noah. Kailangan nilang maging isa. Ibubuhos na nilang dalawa lahat ng galit nila kina Bridgette, Steven, Emma at Charina. Dadalhin nila ang mga ito sa impyernong ang mga ito rin ang lumikha!






LALAKAD na sana palayo si Bridgette ng tawagin siya ni Charina. Umiiyak pa rin ito.

"Bridgette...P-pwede bang...Sa iyo na lang ako sumama? N-natatakot ako..."

Inirapan lang niya ito at iniwan na niya ang mga ito. Patuloy sa pagsunod sa kanya si Charina.

Kailangan niyang magtago. Alam niya na anumang oras ay mahahanap din ni Teacher Noah ang kinaroroonan nila.

"Pwede ba Charina, dun ka na lang kina Steven!" bulyaw niya dito.

"Ayoko. Natatakot ako!"

"The hell I care!"

"Saan ka ba kasi pupunta?"

"Ewan! Magtatago. Kahit saan!" litong sagot niya.

"Sasama ako!"

Tumigil sa paglalakad si Bridgette at hinarap ang makulit na si Charina. "Gusto mo talagang sumama?"

"Oo. Siyempre!" mabilis nitong sagot.

"Pwes, halika!" at mahigpit na hinawakan ni Bridgette sa braso si Charina at hinigit ito.

Wala namang magawa si Charina kundi ang sumunod na lamang sa kanya. "Bridgette ano ba? N-nasasaktan ako!"

"Talagang masasaktan ka sa akin Charina! How dare you to betray me! Ang lakas ng loob niyo." Gigil na si Bridgette.

Nang makakita si Bridgette ng isang malaking drum ay lumapit sila doon ni Charina. "Pumasok ka sa loob niyan!" utos niya.

"Diyan ba tayo magtatago?"

"Stupid! This is what a traitor like you deserve! Pumasok ka sa loob ng drum!"

Umiling si Charina. "Dapat pala di na lang ako sumama sa iyo! I hate you Bridgette. I hate you!"

Malakas itong sinampal ni Bridgette. Kanina pa niya gustong ilabas ang galit na kinikimkim niya. Ah hindi pala-- galit na matagal na niyang gustong ilabas. Galit sa kanyang pamilya. Sa kanyang mommy na walang amor sa kanya dahil bunga siya ng panghahalay dito. At sa kanyang ama na wala ring pagmamahal sa kanya dahil hindi naman siya tunay na anak nito. Galit siya sa lahat higit sa kanyang sarili.

School TripOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz