LESSON 27- Chasing Death

43.9K 1K 214
                                    

"ANONG gagawin natin Steven?"

"May naiisip akong plano pero mapanganib ito." Kinuha ni Steven ang kanyang bag na nakasukbit sa kanyang likod at may hinalughog sa loob noon.

Nagtataka naman na pinanood siya ni Emma. "Anong hinahanap mo diyan?"

"Eto," sabay labas niya ng kuwarenta y singko na baril.

"Oh my God...Paano ka nagkaroon ng ganyan?" gulat na tanong ni Emma.

"Wag ka ng maraming tanong Emma. Ito ang magliligtas sa ating dalawa laban kay Teacher Noah!"

"Eh pano si Olivia? Hindi ba't di naman tinatablan ng baril ang multo."

"Alam ko iyon. Don't bother Olivia. Wala siyang magagawa kundi ang takutin lang tayo. Si Teacher Noah...Siya lang ang kalaban natin dito. Isipin mo, imagination lang natin si Olivia. Huwag tayong magpapatakot sa kanya! OK?" Mabilis na tango ang isinagot sa kanya ni Emma. Niyakap niya ito ng mahigpit. "Don't worry Emma, we will get through with this."

"I know. Makakabalik pa tayo sa Wellington. At pagkatapos noon, magbabago na tayo. Hindi na tayo mambubully, diba?" ani Emma.

Mariin niyang hinalikan sa noo si Emma. "Oo naman." Pagkasabi niya noon ay tumayo na siya.

"Saan ka pupunta?" Nag-aalalang tanong ni Emma.

"Hahanapin ko si Teacher Noah. Tayo naman ang hahabol sa kanya. We'll chase him katulad ng ginagawa niya sa atin!" matapang na sagot niya.

"Pero--"

"Emma, ito lang ang paraan, OK?"

Tumingin sa kanya si Emma at tumango. "Mag-iingat ka Steven. Huwag mong sayangin ang effort ko sa pag-agaw ko sa iyo kay Bridgette."

Ngiti lamang ang isinagot niya. Lumabas na siya ng naturang silid hawak ang baril na magliligtas sa kanilang buhay.






PAGKAALIS ni Steven ay hindi mapakali si Emma. Paroo't parito siya habang pinagkikiskis ang dalawang palad. Sa grupo nila siya ang tinaguriang war-freak pero nawala yatang lahat ng tapang niya ng mga oras na iyon. Takot na takot siya lalo na at maaaring anumang oras ay matulad na siya sa mga kaibigan niya. Natigilan siya ng makita niya ang bag ni Steven na naroon sa isang sulok. Pinakatitigan niya iyon. Naalala niyang bigla ang naipuslit na cellphone nito sa field trip. Naroon pa kaya sa loob ng bag na iyon ang cellphone?

Nilapitan niya ang bag at binuksan iyon. Doon niya nakita ang school vest ni Steven na punung-puno ng dugo. Nangunot ang kanyang noo. Bakit may dugo ang vest nito? Wala siyang maalala na pangyayari na maaaring naging dahilan ng pagkakaroon ng dugo doon.

Ipinagpawalang bahala na lamang niya iyon.

Sa pinakailaliman ng bag ay nakita niya ang hinahanap. Kinuha niya iyon. Nag-dial pero wala na iyong load. Nanlulumo na napaupo siya. Paano na sila makakaalis dito? Tinignan niya ang cellphone at naisipan ni Emma na kalikutin na lamang iyon habang hinihintay ang pagdating ni Steven.

Napangiti si Emma ng makita ang ilang pictures ni Steven. Meron ding ilang pictures nilang magkakabarkada na masayang-masaya silang lahat roon. Awtomatikong lumaglag ang luha sa kanyang mga mata. Hindi na siya nag-abalang pahirin pa iyon. Alam niyang kahit kailang ay hindi na mabubuong muli ang grupo nila. Isa pa, nagsama-sama lang naman sila dahil sa mga pansarili nilang interes.

School TripTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon