Wattpad Original
There are 5 more free parts

Chapter Two

238K 6.6K 810
                                    

Chapter 2.

LUCAS POV

Nakatitig ako sa isang folder na naglalaman ng lahat ng impormasyon tungkol sa mag-ina ko. Ilang taon ko silang hinanap. Isang taon lamang mula nang mawala ang babaeng nabuntis ko, pero nalaman ko agad kung nasaan siya sa tulong ng magagaling na private investigator na inupahan ng nanay ko. She's the one who pushed me to look for my "nabuntis".

I admit, I was a jerk. Hindi ko pinanagutan ang ginawa ko . . . it's because I never loved that woman. Ayokong magkaasawa nang hindi ko mahal and that fucking time, I wasn't ready for responsibility. Akala ko, basta ko lang iyon matatakasan lalo nang nagpasya ang babaeng iyon na lumayo na sa akin at hindi ako guluhin. But every night, ginugulo niya ang isip ko. Her voice echoed in my mind saying that she's pregnant.

"Sir, narito po ang mama n'yo."

I cleared my throat.

Here she goes again. Siya ang hindi tumigil sa paghahanap sa nabuntis ko. Before, it's no big deal for me. Pero ngayong tumatanda ako, nalalaman ko ang kagaguhang ginawa ko noon. And yes, after one year, nang malaman ko kung nasaan sila, nagulat na lang kami na nakalipat na naman siya ng lugar. Mahirap talagang hanapin ang ayaw magpakita. That's why we tried to look for her again but that time, wala nang informaton na nakuha. I must say, magaling siyang magtago. My Mom was so mad about that. Hindi niya raw ako mapapatawad at lalong hindi ko makukuha ang mana ko hangga't hindi ko nakikita ang mag-ina ko. I told them that we're not really sure kung ako nga talaga ang ama ng pinagbubuntis ng babae na iyon but then, they still told me to look for her.

"May balita na raw sa mag-ina mo?" bungad sa akin ng nanay ko nang makapasok siya rito sa private office ko. "Where are they?"

After six years, yes. Nakakuha na ako ng information kung nasaan sila. Dalawang taon din akong tumigil sa paghahanap sa kanila. Sinabi ko na lang sa pamilya ko na hinahanap ko pa rin sila para hindi sila mangulit.

"I haven't check it yet," sagot ko saka bumeso sa kaniya. Despite of her age, she's still gorgeous.

"Bakit hindi mo pa i-check, para malaman na natin kung nasaan ang apo ko?" Umupo siya sa couch saka tiningnan ako ng mapanuring tingin.

I sighed. Apo na ang tawag niya sa sinasabing anak ko when actually, we're not still sure kung akin iyon.

"Susuriin ko pa, Mom. Sasabihan ko naman kayo kapag nalaman ko na at nahanap sila. Huwag n'yong madaliin."

"Madaliin? Alam mo ba ang sinasabi mo, Lucas? Six years. Six years old na ang apo ko pero hindi pa rin niya nakikilala ang ama niya-na hindi siya pinanindigan. Now tell me, hindi kailangang madaliin? Hindi kita pinalaking ganyan. Lumaki kang buo ang pamilya mo, hindi mo ba naisip ang nararamdaman ng anak mo dahil wala siyang ama? Narito, at nagpapakasasa sa kung saan-saang bagay na walang katuturan?"

As always, nasermunan na naman ako. I'm not a kid anymore. I'm fucking twenty nine years old. Alam ko ang dapat kong gawin.

"Mom, hayaan n'yo na sa akin ito. Once na mapuntahan ko sila, dadalhin ko agad sila sa mansyon. Just . . . give me time."

"Six years is too much, Lucas." Tumayo na si Mom. "Huwag mong hintaying mauna pa ako sa pagsundo sa mag-ina mo. Mark my word. I won't tolerate you." Pagkasabi niyoo'y, umalis na rin siya.

Naiwan akong mag-isa rito sa private office ko. I heaved a sigh then stares again at the envelope. Six years and 'finding my nabuntis' is over.



-



HESTIA POV

SABADO ngayon at abala ako sa pagluluto sa paboritong pancake ni Lucio. Ito kasi ang paborito niyang ialmusal ka-partner ang mainit na gatas.

Casanova's Love AffairWhere stories live. Discover now