Wattpad Original
There are 2 more free parts

Chapter Five

221K 5.4K 1K
                                    

Chapter 5

NARITO kami sa private office ni Mr. Palermo sa mansyon nila. Ako, si Mrs. Palermo, at si Lucas. Pag-uusapan namin ang tungkol sa anak ko na ngayo’y nasa mall kasama si Empress para ipamili raw ng mga laruan. Mukhang gustong-gusto ni Empress ang pamangkin niya.

“So, here’s the plan. Hestia and Lucio will stay here. Ah, no, dito na sila titira,” sabi ni Mrs. Palermo.

“Sila?” Nagtaas ng boses si Lucas. “Kailangan ba talaga nilang tumira rito? I can give them a house. At pupuntahan ko na lamang ang anak ko.”

Napailing ako. He’s still irresponsible. Wala talaga siyang kwenta.

“Alam mo ba ang sinasabi mo, Lucas? Wala nang pamilya si Hestia. Mas makabubuting dito na sila tumira. Napakalaki ng mansyon na ito. My grandson deserve to be treated like a prince. Mas magandang kasama natin siya rito. Anim na taon mo siyang hindi nakasama at sinustentuhan.”

Nanatili akong tahimik. Alam kong moment nilang mag-ina ang pag-uusap na ito. I can’t stand talking with Lucas talking about his bullshits.

“That’s why I said, I’ll give him everything.”

“Hindi pera ang sagot sa lahat, Lucas,” ani Mrs. Palermo. “Pag-aaruga at presensya ng ama niya ang kailangan niya!”

“Pupuntahan ko siya lagi,” sagot pa ni Lucas. Ang dami niyang sinasabi. Nakakainis siya! “Or pwedeng siya ang mag-stay dito every weekend.”

Tumayo si Mr. Palermo na kanina pa tahimik. Nagulat ako nang bigla niyang higitin sa leeg si Lucas upang mapatayo. Lalong ikinagulat ko nang suntukin niya si Lucas. What the . . .

“Do you have fucking balls? You already have a son yet you’re still acting like a kid! Ano ang hindi mo maintindihan sa dito sila titira kasama mo? Dito titira ang mag-ina mo dahil gusto naming makasama mo ang anak mo araw-araw! And what, are you still planning to flirt with some sluts kaya ayaw mo sila rito? You’re not getting any younger. Lumaki kang kumpleto ang pamilya mo, na kasama mo kami then now, you can’t do the same with your son? Hinayaan ko kayo sa mga pambababae n’yo pero kapag ganitong may responsibilidad na kayo, act like a real man! Don’t make me repeat this, Lucas. Titira sila rito. At ikaw? Titira ka rin dito. I will fucking lock down your condo unit, sa ayaw at gusto mo,” aniya saka nag-walk-out.

Galit na galit si Mr. Palermo and I swear, nakakatakot siya.

Napansin kong natauhan si Lucas sa ginawa ng ama niya. Sunod na tumingin ako kay Mrs. Palermo na mukhang nagulat din sa ginawa ng asawa niya.

“It’s settled. Dito titira sina Hestia at Lucio. Ipinaayos ko na ang kwarto mo. Napakalaki niyon para sa inyong tatlo. Lucio is your son, Hestia is the mother of your son, at least give yourself a chance to know her. Then maybe, soon, magkamabutihan kayo, and mabibigyan n’yo ng magandang pamilya si Lucio. We just want the best for our grandson, Lucas. Hope you understand your father,” she said.

Nanatiling tahimik si Lucas.

Tumingin sa akin si Mrs. Palermo. “Hestia, ipinahatid ko na sa mga katulong ang gamit n’yo sa kwarto ni Lucas. May walk-in closet siya at may space doon para sa mga gamit n’yo. Ituring mong bahay mo na rin ito. Don’t be shy. Malaki ang utang na loob namin sa iyo dahil sa kabila ng hindi pagtanggap ng responsibilidad ng anak ko, hindi mo pa rin ipinagdamot si Lucio sa amin. Kaya maraming salamat. Umaasa akong pagbigyan mo si Lucas na patunayan ang sarili niya. Feel at home. Okay?”

Tumango ako bilang tugon. “Salamat po.”

Umalis na siya at naiwan na naman kami ni Lucas dito. I know, he’s mad. I can feel it. Dahil sa amin ni Lucas, nagkagano’n sila ng pamilya niya.

“Ginusto mo ‘to,” sabi ni Lucas nang makalapit sa akin. “Dito kayo titira? Kasama ko? Then, welcome to hell, Hestia.”

I gulped. Hindi talaga siya papakatino.

“Huwag na huwag kang aasta na parang asawa kita rito sa mansyon. Ina ka lang ng anak ko and I don’t fucking care about you. I have my own business so mind your own business, too,” aniya saka nag-walk-out din.

This time ay mas nakahinga na ako nang maluwag. Great, at talagang tinakot pa niya ako. Ano namang tingin niya? Na pumayag akong tumira rito para makasama siya? Ang feeler niya, ha. Si Lucio ang dahilan kung bakit kami narito—kasiyahan ni Lucio.
Argghhh. I want to cut his balls!

-

HINDI ko inaasahan na ganoon kalaki ang kwarto ni Lucas. Parang buong apartment na namin iyon sa Pangasinan. Katatapos ko lang mag-ayos ng mga gamit namin. Buti na nga lang at wala si Lucas dahil siguradong magde-debate na naman kami. Kung hindi niya ako gusto, then the feeling is mutual.
Pero mahal mo siya . . .

Oo na! Mahal ko siya, mahal ko pa siya pero hindi ibig sabihin noon ay masaya na akong makasama siya ngayon lalo’t ganoon pa rin ang ugali niya. Tulad ng sabi ko noon. Hindi ko ipagsisiksikan ang sarili ko sa kaniya. Ano naman kung mahal ko siya? Hindi na iyon mahalaga pa sa akin.

“Mama!”

Napatingin ako sa pinto kung saan kapapasok lamang ni Lucio kasunod si Empress na may pulang buhok. Kasunod din nila ang ilang katulong na may dalang malalaking paperbags. Grabe, pinag-shopping ba siya nang bongga?

Niyakap ako ni Lucio nang makalapit sa akin. “Mama ang dami kong new toys. Binilhan ako ni Tita Ganda tapos binili niya din ako ng mga damit at shoes!” tuwang-tuwang sabi niya. “Saka kumain kami sa pulang bubuyog.”
Pulang bubuyog?

“Hi, Hestia! Pulang bubuyog is Jollibee. Ako ang nagturo n’on sa kaniya para maiba lang. Lucio is such a smart kid and ang sarap niya kasama at kausap. Hindi siya makulit tulad ng ibang bata,” nakangiting sabi ni Empress.

“Okay lang. Salamat, pero nakakahiya naman na kailangan mong ipamili ang anak ko nang ganyan kadami.” Ayokong isipin nila na mukha akong pera.

“No, it’s nothing. He’s my nephew and this is the first time na magkaroon ako ng pamangkin. Super enjoy pala. Si Kuya Duke kasi, e. Super asshole.” She rolled her eyes.

“Salamat ulit.”

“Ano ka ba, don’t thank me. And, I want you to know na hindi ako sanay mag-ate or gumalang.” She laughs. “Kaya okay lang ba sa iyo na Hestia na lang ang itawag ko sa iyo?”

Casanova's Love AffairWhere stories live. Discover now