Wattpad Original
Υπάρχουν 4 ακόμα δωρεάν μέρη

Chapter Three

215K 6K 698
                                    

Chapter 3.

DALAWANG araw lamang mula noong nakilala ni Lucio ang lola niya pero excited na excited na siyang makilala ang papa niya. Hindi maitatangging nangungulila na siya sa presensya ng isang ama.

Kinausap ako ng masinsinan ni Mrs. Palermo. Hinayaan niya akong magbigay ng kondisyon kapalit ng pagtira ko sa mansyon nila upang makasama ng anak ko ang ama niya. Pumayag ako—hindi para sa sarili ko kundi para sa anak ko.

Galit pa rin ako kay Lucas pero mas mahalaga ang nararamdaman ng anak ko. Sa araw-araw na inaasar siyang walang ama, masakit para sa akin. Masayahing bata ang anak ko pero alam kong deep inside, sobra siyang nasasaktan. Tuwang-tuwa siyang makilala ang lola niya, ayokong sirain o hadlangan ang sayang nararamdaman niya dahil alam niya, makikilala na niya ang papa niya.

“Mama, sino pong susundo sa atin? Si Papa po ba?” tanong ni Lucio habang hawak-hawak ang toy car niya. Bihis na bihis na siya at talagang na-e-excite na siya.

Ngayon ang araw na susunduin kami papunta sa mansyon ng mga Palermo. Wala akong ideya kung sino ang susundo sa amin. Nakaayos na sa lahat ng maleta ang mga damit namin ng anak ko kasama ang mahahalagang gamit. Nagpaalam na rin ako kahapon sa banko na pinagtatrabahuhan ko pagkatapos kong magpasa ng resignation letter. Nalungkot ang may-ari ng apartment nang magpaalam rin ako sa kaniya kahapon. Mami-miss ko ang buhay namin dito sa lugar na ito kung saan binuo ko ang mundo ko kasama ang pinakamahalagang tao sa buhay ko—ang anak ko.

“Hindi ko alam, anak. Pero baka hindi ang papa mo. Pero sigurado akong hinihintay ka niya sa bahay nila,” nakangiting sabi ko kay Lucio.

“Talaga, Mama? Yehey! Yayayain ko si Papa maglaro ng toy cars ko saka sasabihin ko sa kaniya na mahal ko siya at na-miss natin siya.”

Napangiti na lamang ako sa sinabi ni Lucio. He’s really a good kid. Hindi siya iyong batang parang walang pakialam sa paligid niya. Nakakaintindi siya sa mga sitwasyong tulad ng nangyayari sa amin. Isa pa, hindi ko siya pinalaking may hinanakit sa ama niya. Kailanman ay hindi ako nagsalita nang masama tungkol kay Lucas dahil ayokong maramdaman ng anak ko na walang kwenta ang ama niya.

Mayamaya pa ay may nag-doorbell na. Hudyat na. Nariyan na ang susundo sa amin. Tumayo ako saka tinungo ang pinto.

“Miss Garcia, pinasusundo po kayo sa amin ni Mrs. Palermo.”

Tumango ako. Ito iyong driver na kasama ni Mrs. Palermo no’ng magpunta siya rito. “Pakitulungan na lang kami sa mga gamit namin,” sabi ko.

Tumango lamang ito at pumasok sa loob nang luwagan ko ang pagkakabukas ng pinto.

“Kami na po ang bahalang magbuhat lahat,” sabi niya. May isa pang lalaki na naka-suit siyang kasama.

Tumango ako at nagpasalamat.
Pagkatapos buhatin lahat ng gamit namin ay ini-lock ko na ang pinto ng apartment saka pinuntahan sa katabing apartment ang may-ari. Ibinigay ko ang susi saka muling nagpaalam.

Paglabas ko ay nakatayo si Lucio habang naghihintay sa akin. Isang itim na van ang sasakyan. Nakakahiya at nakakakaba.

Nag-effort talaga si Mrs. Palermo na ipasundo kami. Samantalang si Lucas . . .

Ano pa bang aasahan ko sa isang tulad niya?

“Mama, sasakay tayo diyan?” tanong ni Lucio.

Pinagbuksan kami ng driver. Sumakay kami ni Lucio. Kami lamang ang sakay maliban sa dalawang nasa unahan, driver at iyong kasama pa niyang isa.

“Kay Papa po ba itong car, Mama? Parang ‘yung toy car ko. Siguro mayaman si Papa,” tuwang-tuwang sabi ni Lucio.

Ginulo ko ang buhok niya. “Tulog ka muna, anak. Mahaba ang byahe natin,” sabi ko.

Casanova's Love AffairΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα