Chapter 4

18.8K 452 25
                                    




Stephanie's POV

Kakatulog lang ni Noah sa sobrang pagod siguro. Pagkatapos naming kumain sa KFC nakita namin si Rose kasama si Bryle, nagyaya silang manood ng movie para kahit papano ay maka-bonding namin ang soon-to-be-husband ni Rose. Napagdesisyunan na na London has fallen lang yung panonoorin namin.

" Ano nang balak mo? " Tanong ni Rose na nasa kanan bahagi siya nakaupo at katabi niya si Bryle sa kabilang dulo. Nagpadeliver na lang kami ng pagkain, pero nagluto si Bryle ng popcorn.

Tumingin ako sa kanya bago magsalita. " Anong ibig mong sabihin? " Balik kong tanong rito, pareho pa rin kaming nakatutok sa monitor. " Si Noah. Dalawang araw na siya sayo, malamang nag-aalala na sa kanya yung mga magulang niya. " Napabuga na lang ako, alam ko naman eh. Hindi naman maaalis yung pag-aalala ko kay Noah, lalo na't hindi pa rin namin nakikita ang mga magulang niya.

" Ibabalik ko naman siya kung sakaling may maghanap sa kanya. Mabuti ngang sa'kin siya napunta eh. Paano kung sa mga sindikato siya napadpad, diba? "Sagot ko saka kumuha ng popcorn.

" Kakayanin mo ba? " kakayanin ko ba? Sa maikling panahon na nagkasama kami ni Noah, napamahal na rin siya sakin. Tumingin ako sa kanya at saka tumawa ng mahina. " Naging ina lang ako sa maikling panahon, hindi ko siya pagmamay-ari Rose. At saka sanay naman akong mag-isa 'no. " Walang bagay ang hindi ko kinaya. Sa loob ng mahigit limang taon akong namuhay siRose lang ang pamilya ko.

" Bahala ka, basta nandito lang ako, best. " Ngumiti ako at saka ko siya niyakap. Ang swerte kong nagging best friend ko si Rose.

" Eh pa'no yan? Malapit ka ng ikasal, syempre magkakaroon ka na ng anak. Magiging busy. " Sabi ko rito na kunyari'y nagtatampo.

" Magkakaroon lang ako ng pamilya di ako aalis, kahit tumandang dalaga ka diyan nandito pa rin ako. " Tumawa ako dahil sa huli niyang sinabi. Kahit kailan talaga ipagsisiksikan niyang magiging matandang dalaga ako.

" Ayokong tumandang dalaga, kahit anak lang okay na ako. " Binatukan naman niya ako kaya ako lumayo sa kanya. " Para san yun? " Baliw talaga khit kailan, hindi ko alam kung maaawa ba ko sa magiging asawa. Dahil may pagka-sadista 'tong si Rose, bigla bigla na lang namamatok.

" Ano? Seseryosohin mo yung sinabi kong uso ang one night stand? " Humagalpak ako sa tawa dahil sa sinabi niya.

" Minsan may pagkatanga ka talaga best, usong mag-ampon. 28 na ako pero matalino pa rin ako 'no. hahaha " Sinimangutan naman niya ako kaya tumigil ako sa pagtawa. Maya maya'y ngumiti siya ng nakakaloko. " Pwede naman one night stand eh, basta ba gwapo para di ka lugi. Hahaha " This time ako naman ang sumimangot, grabe siya supportive best friend, letse!

" Bryle iuwi mo na nga 'tong babeng to, saka kung pwede pakisako ha? " Tinawanan lang ako ni Bryle saka niya inakabayan si Rose. " Akong bahala dito. " Tumayo ako at pumuntang kusina para uminom ng tubig.

Naramdam ko na naman na sumunod sa kusina si Rose at sumandal sa pinto. " Pero wala ka na bang balak na hanapin si Mr. Right? " Pinatong ko ang baso sa sink at saka humarap kay Rose.

" Bakit ko hahanapin kung kusang darating, diba? Handa akong mag hintay, pero di ko alam kung hanggang kailan. " Sagot ko rito. " Palibahasa love life mo sapilitan lang eh, ikaw na nga nanligaw ikaw pa nag-propose. " Tumawa ulit ako ng pagkalakas lakas, binato ako ni Rose ng basahan kaya umilag ako.

" Hindi ako ang nag-propose 'no! Ligaw oo, pero propose? Oyy mahiya siya, pasalamat siya ang gwapo niya eh at ako na ang nanligaw. " Lumabas kami ng kusina at bumalik sa sala, nadatnan namin na nililinis na ni Bryle ang mga kalat doon. " Ako na diyan at anong oras na. " Kinuha ko kay Bryle yung trashbag saka tinuloy ang ginagawa niya.

Wanted: Mommy for hire [COMPLETED]Where stories live. Discover now