Chaster 9

18.1K 449 16
                                    

Chapter 9- Similarities

Stephanie's POV

" B-bahay niyo 'to? " Tanong ko Kay Eziekel, bakit parang dinaig pa nito ang Malacañang?! Pagpasok namin ng gate, ilang metro pa bago kami makarating sa pinaka-bahay nila or should I say mansion?

" It's my dad's parent property. " Napatango na lang ako at pinagmasdan mabuti ang paligid.

" Grabe ang ganda. " Puri ko dahil sa maraming bulaklak na nakatanim sa gilid, pati na rin yung fountain sa gitnan nito na may light effects pa. Pati yung Christmas light na ma's lalong nagpabuhay sa buong mansion. " Mommy mo nagtanim nito? " Tanong ko ulit pagkababa namin ng kotse.

" Yeah.... And my wife. " Tumingin ako sa kanya at nakita Kong nakatingin siya white roses. " It's her favorite. " Obvious na yung asawa niya ang binabanggit niya.

" Talaga? Parehas pala kaming mahilig sa roses. " Sabi ko, nakakatuwa naman siguro kung nandito yung asawa ni Eziekel baka magkasundo kami nun.

Nakita kong lumapit si Eziekel sa kumpol-kumpol na white roses at pumitas ng isa. " Here. " Tinignan ko siya at yung white rose na hawak niya.

" S-sakin? " Tinuro ko ang sarili ko at saka dahan dahan kinuha yung rose. " Thank you. " Umiwas ako ng tingin dahil feeling ko namumula na ko dito.

" Keep it. Tara na, hinihintay na tayo ni mommy. " Nakita ko siyang ngumiti at nauna na siyang maglakad.

Dire-diretso kaming naglakad hanggang sa sala nila. " Have a seat. " Sabi ni Eziekel umupo rin siya sa single couch na katapat ko. Maya maya lumabas ang yung isa nilang katulong at binigyan ako ng maiinom.

" Thank you. " Kinuha ko yung juice at uminom ng kaunti, nine-nerbyos ako eh.

Maya maya nakita kong may bumabang babaeng may edad na, kaya tumayo kami ni Eziekel. " You must be Stepahie. Hi welcome to our house. " Lumapit siya sakin at niyakap ako.

" G-good evening po. " Bati ko nang maghiwalay kami mula sa pagkakayakap.

" Hindi na ko magtataka kung bakit ka pinagkakamalan ni Noah na ikaw yung mommy niya. " Tinignan ko si Eziekel, pero nginitian niya lang ako.

" Ahh hehe, siguro po. " Pasimple akong lumunok at tinignan yung mommy ni Eziekel.

" Oh I'm Luisa, Eziekel's mom. " Huminga ito ng malalim at pinagmasdan ako, nakakailang yung ganitong sitwasyon promise. " Hindi ako makapaniwala, you're really look like Julia. " Julia? Tinignan ko ulit si Eziekel, pero wala na siya sa pwesto niya. Nakita ko siyang umaakyat na.

" G-ganon po ba? Sabi nga rin po ni Noah eh. " Pinaupo niya ko at nagsimulang magkwento tungkol sa pamilya ni Eziekel. Napangiti na lang ako ng mai-kwento sakin ng mommy ni Eziekel kung paano namatay si Julia dahil sa aksidente.

Simula daw ng mawala si Julia lumipat na sila Eziekel dito. Itinuon ni Eziekel ang sarili niya sa pag-aalaga kay Noah, 6 months old naman si Noah ng mamatay yung mommy nito. Hindi na ako magtataka kung bakit sabik si Noah sa pagmamahal ng isang ina. Sa murang edad namatay si Julia, ni hindi man lang ito naabutan si Noah na lumaki.

Naudlot ang pagku-kwento ng mommy ni Eziekel hang sumigaw ang maliit na boses na namiss ko ng dalawang linggo. " Mommy! You're here! " Tumayo ako at sinalubong si Noah.

" Noah! " Mahina akong tumawa at niyakap ng mahigpit si Noah. " Miss me? " Tanong ko rito kahit yakap ko pa ito.

" Yes. I miss you so much, mommy. " Ngumiti ako sa kanya ng maghiwalay kami. " I heard na hindi mo kinakain yung food mo? Diba sabi ko sayo, masama ang magsayang ng food? " Tumango ito at saka sumagot.

Wanted: Mommy for hire [COMPLETED]Where stories live. Discover now