Chapter 14

15.3K 409 19
                                    

Chapter 14

Stephanie's POV

" Anong gagawin mo kung buhay pa rin pala si Julia at hindi siya namatay? " Tinaggal niya ang pagkakahawak niya sa kamay ko at tinignan ako sa mata.

" What are you trying to say? " Kalmado pero may diin ang bawat salita. " N-nothing I j-just-- " He cut my sentence.

" I don't want to hear you talking about her again. " Tumayo siya at lumabas ng mini theater. Huminga akong malalim at pumikit ng mariin.

Pinatay ko na yung projector at binuksan ang ilaw. Kinarga ko si Noah papunta sa kwarto niya. Mukhang hindi na matutuloy ang picnic.

Nagpalit ako ng pang-alis dahil may schedule ako kay dr. Melissa. Siya ang naging doctor ko since nung maaksidente ako. Lumabas na ko ng kwarto at naglakad pababa. Nahinto ako sa paglalakad ng lumabas si Eziekel sa library ng bahay.

" Eziekel. " Tinignan niya lang ako pero hindi siya nagsasalita. " I'm sorry. " Hingi ko ng paumanhin.

" It's okay. Where are you going? " tanong niya ng mapansin niyang nakapang-alis ako.

" Ah sa Hospital lang, sasaglit lang ako don. " Naglakad siya palapit sakin at takha akong tinignan.

" Hospital? anong gagawin mo dun? " Tanong niya.

" Ahh may monthly check-up kasi ako. " Sagot ko.

" for what? " Bakit ba siya tanong ng tanong? TT__TT

" Ah wala naman, sige una na ko babalik rin ako kaagad. " Bago pa siya magtanong ulit bumaba na ko ng hagdan.

Less than 30 minutes ng makarating ako sa hospital dahil di naman ito kalayuan sa bahay ng mga Javier. Naglakad ako papunta sa lobby ng hospital para tanungin kung pwede na ba kong pumunta sa opisina ni Doktora.

" Amm ma'am nasa mission po ngayon si doktora. " Sabi ng nurse sakin.

" H-ha? Ah sige thank you na lang. " Paalis na ko ng may humarang sa dinaraanan ko.

" Oh my gosh! Julia is that you?! I though your dead! " Hinawakan niya yung magkabilang balikat ko. " Don't you remember me? I'm Alice! Eziekel's cousin! " okaaay? What happened?

" Amm sorry, pero hindi ako si Julia. " Umiling ako sabay tanggal ng pagkakahawak niya sa balikat ko.

" oh sorry, I though you're my cousin's wife. " Ngumiti ako sa kanya.

" Pero kilala ko si Eziekel even Noah. " Sabi ko tumingin siya sakin na parang hindi niya ko na gets. " I mean nagt'trabaho ako kay Eziekel bilang tagapag-alaga kay Noah. " Tumango tango lang siya.

" Oh anyway I'm Alice Cardova. " Nilahad niya ang kamay niya. Tinanggap ko yun at nagshake hands kami.

" Stephanie ferrer. " Pakilala ko.

" So anong ginagawa mo dito? " Tanong niya sakin.

" Am may appointment kasi ako kay Dr. Melissa. " Sabi ko sa kanya.

" Oh she's in a mission right now. But if it's okay with you if ako na lang tumingin sayo? Para di naman nasayang yung pagpunta mo dito. " Ngumiti ako saka tumango.

" Okay. " She headed me to her office at pinaupo ako sa upuan sa gilid ng desk niya.

" Can I have your medical record? " Tanong niya, inabot ko sa kanya yung brown envelope na naglalaman ng medical record ko.

---

Inabot ako ng mahigit tatlong oras dahil yung check-up ko na punta sa pagtest sakin. Umakyat na ko sa kwarto ko at saka inabot ang gamot ko.

" Don't take your meds from now on. And kung pwede dalhin mo sakin yung mga iniinom mong gamot. "

Yan ang huling sinabi ni Alice sakin bago ako umalis ng opisina niya. Itinabi ko ang gamot at saka nagpalit ng mas komportableng damit.

" Mommy! Mommy! " Walang katok katok ba pumasok si Noah sa kwarto ko at umakyat sa kama ko. " Mommy! Daddy said that we will go to the lake! " Tumalon talon si Noah sa kama dahilan ng pagngiti ko.

" Okay, okay calm down! " Saway ko sa kanya umupo siya sa harapan ko.

" Mommy I'm so excited! Finally we will go to the lake together as a whole family! " Family. Sounds perfect but I'm not a part of it. " Mommy? Your not excited? " Bahagya akong umiling at saka ko siya nginitian.

" No, I'm excited. Let's go? Shower ka muna para di ka maasim! " Akmang kikilitiin ko pa lang siya ng bumukas ang pinto. Nakatayo si Eziekel sa tabi ng pinto.

" Daddy! I'm not maasim, right? " Bumaba siya sa kama at tumakbo sa daddy niya. " Smell it daddy! Am I maasim? " Itinaas niya ang kanang kamay niya at pinapaamoy nito ang kili kili niya. Pinantayan siya ni Eziekel at ginawa nga nito ang pinapagawa ni Noah. Umakto naman siya na kunyaring naasiman sa amoy ni Noah.

" Your stink son. Yuck go take a bath! " Agad naman tumakbo si Noah papunta sa kwarto niya. Ngayon ko lang napansin na kaming dalawa na lang ni Eziekel sa kwarto. Okay? Spell awkward? " You too, get dress. I'll wait downstairs. " Tumango na lang ako at tumayo sa kama. Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto. Napasandal ako sa closet ko dahil biglang sumakit ang ulo ko.

Pinilit kong wag intindihin ang yung sakit ng ulo ko at naghalf bath ako saglit, nagbihis lang ako ng simpleng floral dress at flat shoes.

" Mommy! Let's go. " Hinila niya ko palabas ng kwarto hanggang pagbaba. " Daddy let's go na! I'm so excited to catch a big big fish. " Imbis na magsalita si Eziekel ay nakita ko siyang nakatingin sakin. Ako ang unang bumawi sa titigan session namin dahil ramdam ko ang pangangamatis ng pisngi ko.

Mahigit isang oras kami sa byahe kaya magt'three na kami dumating sa lugar.

" Wait. " Tumingin ako kay Eziekel, lumapit siya sakin dahil nakaupo ako pa rin ako sa passenger seat dahil nyeta hindi ko ma-unlock yung seat belt. " You should press this. " Pinindot niya yung pulang botton at unti-unti niya yon binalik sa gilid. Naglapit ng mga mukha namin kaya medyo napaurong ako.

" Oh dear God wag niyo po akong hayaan magkasala at baka agawin ko 'tong lalaking nasa harapan ko sa kung sino man ang mapapangasawa niya. "

" T-thank you. " Dali dali akong lumabas ng kotse at binuksan yung back seat para makababa na si Noah.

" Mommy? " Tawag niya sakin. " Yes baby? " Tawag ko sa kanya.

Tinuro niya ang pisngi ko at sinabing " Your blushing mom. "

Itutuloy...

----

Wanted: Mommy for hire [COMPLETED]Where stories live. Discover now