Zone 3

35.9K 868 63
                                    


Ano nga ba ang gagawin mo kung nahuli mo ang boyfriend mo na may kalandiang ibang babae?


Sa kaso ni Riane, hindi ito ang unang beses niya na niloko siya ng boyfriend niya o ang nakita niya ng harap-harapan ang panloloko sa kanya.


Sa labing-dalawang lalaki na nakarelasyon ni Riane (kasama na ang damuhong boyfriend niya ngayon) walo doon ang ipinagpalit siya sa iba o lumalandi ng iba bukod sa kanya.


Naaalala niya pa ng mahuli niya ang unang ex-boyfriend niya na may kahalikan na iba. Imbes na lapitan niya ito, at ubusin ang buhok ng kalandian nito. Pinili niyang gayahin ang ibang mga bida sa napapanood niyang pelikula.


Tumakbo siya at hindi nagpakita sa boyfriend niya. Pero habang feel na feel niya ang pag-iyak nahulog siya sa kanal.


Umuwi siya sa bahay nila na pilay, luhaan at amoy imburnal.


Masyadong masaklap ang unang pagkasawi niya sa love.


At pakiramdam niya doon nag-umpisa ang kamalasan niya pagdating sa pakikipagrelasyon.


Kaya naman nangako siya sa sarili niya na kapag nahuli niya ang boyfriend niya na may kalandiang iba, hindi na siya tatakbo.


Uuwi man siyang luhaan, sisiguraduhin niya naman na uuwi ring lumuluha ang jowa niya sa sakit ng katawan.


At habang pinagmamasdan niya ang boyfriend niya na namumutla, hindi niya maiwasang ilista sa isipan kung ilang buhok ang malalagas dito at ilang kalmot ang matatanggap nito mula sa kanya. Mabuti na lang at hindi niya pa nagugupitan ang kuko niya.


Kung hindi pala siya nag-overtime sa trabaho niya, hindi niya pa mahuhuli ang boyfriend niya. At talaga namang ang lakas ng loob nito na dito pa sa pinagtatrabahuhan niya mag-hotel. Mas lalong kumulo ang dugo niya ng maalalang binigyan niya ito ng discount coupon  ng MH at malakas ang kutob niya na ginamit na nito iyon para sa hipon  na kasama nito.


"R-riri?" ani ng boyfriend niyang two-timer. Bigla nitong inalis ang pagkakahawak ng kasama nitong hipon mula sa braso nito.


"Huwag mo akong tawaging Riri, hindi ako aso!" singhal ko dito.


A/N: [Story lang po ito! No offense sa may mga pangalang Riri kung meron :)]


Nang unang beses ako nitong tawaging Riri, kinilig-kilig pa ako. Pero ngayon, nabubwisit siya dahil pakiramdam niya literal na pet name ang tawag nito sa kanya.


Bago pa ito muling makasalita ay inunahan na siya ng katabi nito. "Baby ko, sino ba iyan?"


Hindi niya pinapatulan ang iba sa mga kinalantari ng mga ex niya dahil ang ilan sa kanila ay katulad niyang walang kaalam-alam na niloloko sila. 'Yung iba pa nga ay tinutulungan siyang sabunutan at kalmutin ang lalaking nanloko sa kanila.

Thunderzone PUBLISHED UNDER LIBWhere stories live. Discover now