Zone 5

36.4K 836 12
                                    

♣♣♣Short update!♣♣♣

♥Riane♥

Hindi maunawaan ni Riane ang nararamdaman niya ng magising siya sa kwarto na hindi pamilyar sa kanya. Palinga-linga siya sa paligid at iniisip kung anong nangyari sa kanya at bakit siya nasa isang napakalambot na kama.

Kalma lang Riane, wala kang amnesia loka kaya maalala mo ang lahat ng nangyari sa 'yo...

Pero ng parang isang mabilis na pelikula at bumalik sa kanya lahat ng naganap kanina. Sana pala--- sana nagka-amnesia na lang talaga siya.

Nahuli niya ang kutong-lupa niyang ex na may kasamang hipon. At higit pa roon nasaksihan ng boss niya ang pagiging amazona niya. At nasabi niya pa na crush niya ito. At panghuli nahimatay siya sa harap nito dahil sa pagkakadapa niya.

Masasabi niyang ito na ang pinakamalas na araw niya ngayon sa tanang buhay niya.

Dahan-dahan siyang bumangon ng maramdamang maiihi na siya at pumasok sa inaakala niyang banyo. Pagpasok niya pa lang dito ay sumalubong sa kanya ang panlalaking amoy at hindi niya maiwasang mapangiti dahil sa alam niyang sa boss niya ito.

Pero naglaho ang ngiti sa labi niya ng biglang bumukas ang shower curtain at iniluwa nito ang amo niya.

Hindi niya malaman kung anong gagawin niya lalo pa at ang nasa harap niya ay ang amo niyang halatang nagulat din.

"S*it I forgot to lock the door." saad nito sabay muling pasok sa shower room.

Matagal bago siya nakahuma at ng mapagtanto niya ang kahihiyan na namang nagawa niya, dali-dali siyang lumabas ng banyo.

Kumalma ka Riane, wala kang nakita---

Hindi mo nakita ang magandang katawan ng boss mo---

Hindi wala kang nakita---

Ang six pack abs niya----

Hindi wala kang nakita---

Meron. Meron siyang nakita. Nakita niya lang naman ang mala-model na katawan ni Thunder Monteciara.

Sayang at may tuwalya siya sa bewang niya---

Maghunus-dili ka Riane Gonzales.

Huminga siya ng malalim at kagat-labing pinagmasdan ang sarili sa nakitang salamin sa kwarto.

Gulo-gulo ang buhok niya.

Kalat ang make-up niya.

At higit sa lahat pulang-pula ang mukha niya.

Bago pa siya makabunghalit ng iyak sa lahat ng kahihiyang naranasan niya, bumukas ang pinto at hindi niya na kailangan tignan pa kung sino ang lumabas dito.

Dali-dali niyang inayos ang buhok niya at pati na rin ang mukha niya. Makaraan ay parang isang bata na nilingon ang nasa likod niya.

Nakahinga naman siya ng maluwag ng makitang nakabihis na ito.

Bago pa ito magsalita ay yumuko siya. "Sorry po talaga Sir. hindi ko po sinasadya, kayo naman kasi bakit hindi kayo nagla-lock ng pinto---" napahawak siya sa bibig niya at tinampal ito.

Seriously Riane? Nagso-sorry ka ba o naninisi?

Tumawa ito kaya naman inangat umangat ang ulo niya at napakunot ang noo niya ng makitang tuloy pa rin ito sa pagtawa.

Thunderzone PUBLISHED UNDER LIBWhere stories live. Discover now