Zone 6

35.6K 764 20
                                    

♥Riane♥

"Alam mo bang nagalit ang customer natin dahil sa kagagawan mo?! Saan ka ba nagpunta at hindi mo sinunod ang inutos ko?! Sumagot ka!"

Hindi alam ni Riane ang sasabihin sa dragona niyang supervisor na nasa harap niya at kulang na lang bumuga ng apoy.

"Ano?! Bakit hindi ka na nakasagot?! Kung hindi ko pa alam naglandi ka kaya imbes na gawin mo ang trabaho mo--"

Napatigil ito sa pagsasalita ng mula sa pagiging takot na batang pinapagalitan. Napalitan ng inis at galit ang mukha niya. Matalim niyang pinakatitigan ang supervisor niyang pinsan ni Hitler, reincarnation ni Miss Minchin at may lahing dragon.

"Mawalang galang na ho hindi po ako naglandi. Pasensya na po kung hindi ko nagawa ang inuutos niyo pero sa pagkakaalam ko po receptionist ang trabaho ko sa hotel na ito at hindi isang bellboy o atsay niyo!" aniya at nanlaki naman ang mata ng kausap niya.

"How dare you! Wala kang galang!"

"Ginagalang ko lang ho ang mga taong kagalang-galang at sa katulad niyong hilig mamahiya at alilain ang mga empleyado, hindi niyo deserve ang galangin." aniya at para naman itong isda't bubukas sasara ang bibig at tila may nais pang sabihin.

Kaya naman tinalikuran niya ito at hindi pa siya nakuntento hinawi niya pa ng bongga ang buhok niya. Ewan niya na lang kung hindi ito tinamaan sa mukha.

Wala na akong pakialam kung mawalan ako ng trabaho! Ayoko ng makita ang dragonang matandang dalaga na 'to!

Pero napahinto siya sa mala-Venus Raj niyang paglalakad ng makita kung sino ang taong nakasandal sa pader malapit sa pinto at seryosong pinagmamasdan siya.

"S-Sir?" halos pabulong niyang saad. Lumapit ito sa kanya at inabot sa kanya----

Ang cellphone niya!

"You left it in my bed." Narinig niya ang pagsinghap sa likod niya.

At doon lang pumasok sa isip niya na nasa likuran niya ang supervisor niya. Hinarap niya ito at nakita niya ang pagkaputla ng mukha nito.

"M-magkasama kayo kanina R-riane?" Uutal-utal na saad ng kanina lamang ay parang tigreng supervisor niya.

Pero imbes na siya ang sumagot ay inunahan na siya ng adonis na nasa tabi niya.

"Yes, Mrs. Pindangga---"

Pffft... huwag kang tatawa Riane. Huwag na huwag!

"S-Sir Ms. Pindanga po." ani ni Miss Minchin.

Kung nagkataon na ibang tao ang tumawag ng maling apelyido sa kanya, malamang ay binugahan na nito ng apoy pero dahil boss sa lahat ng pinakaboss ang kausap nito ay para itong isang maamong tupa.

Ngumiti si Sir Thunder.

"Sorry." anito ngunit walang bakas ng sinseridad at tila natatawa pa nga ito. "Anyway, as I have said magkasama kami kanina ni Riane and I wonder kung bakit mo inutusan ang isang receptionist na maghatid ng service sa isa sa mga customer natin. I don't think kulang ang empleyado ng hotel na 'to para sa gawain na 'yon?"

Napatitig siya sa lalaking bagama't matagal niya ng kilala ay ngayon niya pa lang nakasama. At hindi niya mapaniwalaan na tila ipinagtatanggol at inililigtas siya nito sa supervisor niya.

"Ah---ano po kasi Sir med-dyo.."

Muling nabaling ang paningin niya sa supervisor at gusto niyang matawa ng tila hindi nito malaman ang sasabihin.

"Forget it."

Tila naman nakahinga ng maluwag si Miss Minchin sa sinabi ni Sir Thunder pero namutla ito sa sumunod na sinabi ni Sir Thunder. At maging siya ay nanlaki ang mata sa gulat.

"You're fired. Marami na akong naririnig tungkol sa 'yo Mrs. Pindangga pero binalewala ko ito thinking na sabi-sabi lamang ito. Pero sa nakita ko ngayon, hindi ko kakailanganin ng empleyadong hindi marunong gumalang at magpahalaga sa mga kapwa niya empleyado."

Ni hindi na nga naitama ni Ms. Pindanga ang tawag sa kanya ni Sir marahil sa gulat na ilang segundo lang ang nakakalipas ay wala na itong trabaho.

"Hindi niyo pwedeng gawin sa akin ito." Sigaw nito kay Sir Thunder.

Nagkibit-balikat naman ang boss niya. "I just did it." anito sabay alis.

Pero bago ito umalis ay ngumiti ito sa kanya at kumaway pa. Hahabulin niya pa sana ito dahil kahit naman gaano kasama ang dragonang supervisor niya. Ayaw niya naman na mawalan---

"Malandi kang babae ka! Kasalanan mo ang lahat ng 'to. Napakalandi mo para akitin---"

Muli itong napatigil sa pagsasalita ng masama niya itong binalingan ng tingin. "Alam niyo po, balak ko pa sanang kausapin si Sir Thunder at pigilan siya sa pagtanggal sa inyo pero dahil sa madumi niyong isip. Dapat lang talaga na mawalan kayo ng trabaho sa hotel na ito!" aniya at muling tinalikuran ito.

Narinig niya pa ang sigaw nito pero keber niya.

Muli siyang napangiti ng maisip ang ginawa ng boss niya. Di yata't kailangan niya itong pasalamatan sa mga tulong na ibinigay nito sa kanya.

Pero ng makarating siya sa lobby ay wala na ito. Mukhang umalis na ito at wala na siyang pagkakataon pang pasalamatan ito.

Mali---meron pa pala. At sa oras na makita niya itong muli. Papasalamatan niya na talaga ito.

Pero dalawang linggo na ang lumipas ay hindi niya pa rin nakatagpo ng landas ang lalaki..

2 weeks later...

"Riane sama ka na kasi. Napaka-KJ mo naman eh!" Pangungulit sa kanya ni Mallory habang patuloy naman siya sa pagiistalk sa facebook ng crush niya.

Siyempre sino pa ba?

Walang iba kung hindi si Thunder Hendrex Monteciara.

Dalawang linggo na ang nakakalipas ng huli niya itong makita. Ayon sa ever chismosang si Mallory missing in action daw ang boss nila at ang kasalukuyan na pumalit dito ay si Sir. Winter---ang ama ni Sir. Thunder.

"Alam mo girl tigilan mo na ang pangii-stalk diyan kay Sir. Thunder. Masasaktan ka lang." anito sabay muling kulit sa kanya na sumama sa bar na gusto nitong puntahan.

Sosyalin ang bar na gusto nitong puntahan at hindi naman siya mapera para pumunta doon. Pero si Mallory na masasabi niyang may-kaya sa buhay ay gustong magpasama sa kanya. Ililibre pa nga siya nito pero sadyang tinatamad siya.

Pero teka nga anong sinasabi nito na masasaktan siya?

Bakit naman siya masasaktan kung puno ng larawan ni Ms. Skyleigh ang facebook ni Sir. Thunder.

Ano naman sa kanya?

Crush niya lang naman ito ah?

"Sige ka, kapag hindi mo ko sinamahan ikukwento ko sa mga kasamahan natin na natulog ka sa kwarto ni Sir. Thunder----"

Pinatay niya ang laptop at bumangon siya mula sa pagkakahiga. Nakasimangot niyang hinarap si Mallory at sinabunutan ito sa buhok.

"Aray girl!" Tili nito.

Bakit ba kasi hindi niya napigilan ang bibig niya at nagawa niya pang ikuwento sa bruhang babae na ito ang tungkol sa mga nangyari sa kanya. Tuloy ay hilig na nitong i-blackmail siya.

Tumayo siya ng magsawa sa paghila sa buhok ng kaibigan.

"Wala akong maisusuot." Saad niya habang binubuksan ang drawer niya.

"Hihihihi, siyempre may dala ko para sa 'yo. Panigurado maraming magkakagusto sa 'yo pag nakita nila ang ipapasuot ko sa 'yo."

Umiling-iling na lang siya sa sinabi nito at dumiretso sa banyo para maligo.

TBC

Thunderzone PUBLISHED UNDER LIBTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang