Chapter 17

2.2M 78.4K 91.2K
                                    

Chapter 17: The Punishment

Zein's Point of View

Sinamaan ko ng tingin si Mia nang makita ko ang pasimpleng pagkuha nya sa aking ice cream.

Natigilan ako sa pagsubo nang makita si Fritzy na pakembot-kembot. Dumiretso ito sa amin na malawak ang ngisi.

"Pinapatawag ka ni Supremo," nakangiting sambit nito.

"Bakit daw?" Tanong ko.

"Aba malay ko! Basta hinihintay ka nya sa wide space."

Inirapan nya ako bago kumembot muling paalis at nakisalo sa mga kaibigan nya atang puro lalaki.

"Flirt." Dinig kong sambit ni Vanessa.

"Ah guys, pasensya na ah? Pinapatawag na ako eh," Napakamot ako sa aking ulo dahil sa hiya.

"Ano ka ba! Ok lang! May resposibilidad ka sa HU!" Suporta ni Jerome.

"Ihatid na kita," prisinta ni Matt.

Tumango na lang ako at sabay kaming naglakad. Malayo-layo rin ang wide space ng HU dahil mejo sa dulo ito.

"Napapalapit na ata kayo ni Supremo,"

Natigilan ako at hindi agad nakapagsalita. Gusto kong tumawa dahil alam kong kahit kailanman ay hindi kami magiging malapit ni Ace, ni wala nga syang kaibigan e.

"Pinalitan mo na ako."

Hindi ko na talaga napigilan ang pagtawa dahil sa kacornihan nya na inaamin kong nakakakilig. Kung assuming lang ako ay malamang na iisipin kong nagseselos sya but knowing this guy, alam kong nagbibiro lang sya.

Sigh!

"Magiging malapit kaming lahat sa SSG but not him, he isolated himself, kinakausap lang nya kami kapag may kailangan sya."

"Bakit parang mukha kang disappointed?"

Sinamaan ko sya ng tingin dahil sa sinabi nya na ikinatawa nya. Inakbayan nya pa ako. Eh!

"Biro lang, alam ko naman na ako lang ang nasa puso mo eh,"

"Ang corny mo!"

Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko. Sa lahat ng biro, ang joke ni Matt ang pinaka nakakakilig. Psh.

"Haha anong corny don? Nagsasabi lang ako ng totoo, alam kong may crush ka sa akin eh!"

Natigilan na talaga ako at ang init ng mukha ko. Alam nya? Sinong nagsabi? Masyado ba akong obvious?! Nakakahiya!

"Hahaha joke lang! Ito naman!"

Eh? Buti na lang! Akala ko talaga alam nya talaga. Naku lang! Lagot talaga sa akin kung sino ang nagsabi sa kanya! Baka mailang sya sa akin, baka iwasan nya ako. Mababasag ang puso ko 'pag ganon.

Corny!

"Bakit ka ba kasi pinapatawag ng mokong na 'yon? Ngayon na nga lang tayo nagkaroon ng time tapos sisingit pa sya!"

Ramdam ko na talaga ang pagkadismaya sa tono ng pananalita nya. Walang halong biro.

"Bakit? May lakas ka na ba ng loob para kalabanin si Supremo?" Biro ko.

"Wala. Pero kung ikaw ang dahilan, magkakaroon talaga ako ng lakas ng loob."

Seryoso sya? Kakalabanin nya si Supremo para sa akin? Eh? Nagbibiro lang sya hindi ba? Naman Matt! Masyado kang paasa! Sana nga totoo. Sana.

Hell University (PUBLISHED)Where stories live. Discover now