Chapter 29

2.3M 81K 67.2K
                                    

See the multimedia for the casts!

Chapter 29: Craziness

Zein's Point of View

I've never thought about this. Ni hindi nga sumagi sa isipan ko na maaring mangyari ito kahit na sandali. Hindi ako makapaniwala. Ang lalaking hinahangaan ko, ang lalaking pinagkakatiwalaan ko sa lahat, ang lalaking sa akin ay nagpapangiti, kasapi ng isang gang.

Ayokong isipin. Ayokong tanggapin. Ayokong sambitin. Hindi ito si Matthew, this is not him. Hindi nya ito magagawa, hindi nya magagawang sumapi sa kasamaan. Damn! This is not Matt.

Napaatras ako kaya may nasagi ako sa aking likod. Sinulyapan ko ito. Nakangisi ang lalaking pula ang buhok sa akin. Hindi ko alam pero nakakakilabot ang ngiti nya.

"May problema ba?" Nakangising tanong nya.

Hindi ko maiwasang kabahan. Pinagsususpetsahan na ba nya ako? "W-Wala." Hindi ko maiwasang mautal.

Ibinalin ko na lang muli sa harap ang aking tingin. Namutla ako nang makita ang ngayon ay hawak na ni Nazzer.

Shit! No, Matt! Don't do this!

Hawak ni Nazzer ang isang mainit na bakal. Sa dulo nito ay nakaukit ang pako na may ahas. That is the symbol of Black Blood Gang.

Matthew Hart!

Gusto kong sumigaw nang malakas. Gusto kong hilain sya ngunit parang naistatwa na ako sa aking kinatatayuan. It seems that I am having a nightmare and I badly want to wake up. Someone must slap me.

"Are you ready?" Nakangising tanong ni Nazzer sa kanya na halatang natutuwa sa pag-anib ni Matt sa kanila

Fuck!

"I am."

Itinaas ni Matt ang manggas ng kanyang damit at inihanda na ang kanyang braso. Tinanggal ni Nicky ang maskara ni Matthew na ikinabigla ng lahat.

Sinamaan sya ng tingin ni Matt pero nanatili syang kalmado. Pasimple nya akong nginisian.

She did it para makita ko talaga na ang lalaki sa likod ng maskarang iyon ay ang aking kaibigan. You are really a bitch, Nicky.

Mas humirap ang paghinga ko. I can clearly see now the emotionless Matthew. Parang hindi na sya si Matthew. Parang hindi na sya ang lalaking matagal kong nakasama. It seems like everything about him changed and I will never accept it.

"Ahh..!"

Mariin akong napapikit nang marinig ang nahihirapang ungol ni Matt. Hindi ko kaya. Parang babagsak ang luha ko kahit na anong segundo. Ayokong marinig ang pighating atungal nya.

Alam kong masakit 'yon. It fucking hurts. At ang bakal na mainit na 'yon, ay magiging peklat ka sa braso ni Matt, magpakailanman kasama ng marka ng BBG.

Bakit ba humantong sa ganito ang lahat? Bakit kailangang gawin ito ni Matt? Kahit na anong isipin kong dahilan, wala akong makita. Wala akong makitang dahilan ni Matt para umanib sa mga halimaw.

Iniisip ko ngayon.

Ano pa nga ba ang pinagkaiba ni Matt sa kanila?


Naramdaman ko na lang na gumalaw na ang aking paa palayo. Sa una ay dahan-dahan, hanggang sa bumilis. Namalayan ko na lang na tumatakbo na ako. Hindi ko alam kung saan na ba ako dapat pumunta? Kung saan ba dapat ilugar ang aking sarili.

Ayokong paniwalaan pero nakita mismo ng dalawa kong mata. Kitang-kita ko ang nangyari. Si Matthew ay myembro na nang Black Blood Gang, hindi lang sya basta myembro. Isa pa syang pangalawang pinuno. Nice.

Hell University (PUBLISHED)Where stories live. Discover now