Chapter 28

2.2M 78.4K 39.3K
                                    

Chapter 28: Co-Leader

Zein's Point of View

I need to calm myself. Saglit kong pinakiramdaman ang paligid, nang marinig ko na ang hudyat. Mabilis akong tumayo at sinuot ang blazer ko na may hood. Sinulyapan ko sina Mia at Vanessa na mahimbing na natutulog.

Nakabenda pa rin ang kanang braso ni Mia.

Maingat na pinihit ko ang pinto ng kwarto namin. Hindi sila dapat magising, sigurado akong tututulan na naman nila ako at baka hindi na naman ako makakilos.

'Pagkalabas ko ng kwarto namin ay pinuntahan ko ang kwarto ng mga boys. Kahit na inasahan ko ng walang tao akong makikita roon ay hindi ko pa rin maiwasang kabahan.

Ilang araw na rin akong binabagabag na alamin ang nangyayari sa aming mga lalaking kaibigan ngunit ngayon lang ako muli nagkaroon ng lakas ng loob para sundin ang nais ko.

I know this time, it is no longer just my curiosity. I am not aiming for a danger that usually caused by my curiosity but the eagerness to help my friends. I know there's something about them that's why they are doing this dangerous move.

Mahigpit ang kapit ko sa aking blazer habang pinipihit ang seradula ng front door. Mas lalong humigpit ang hawak ko rito nang tuluyan ko nang mabuksan ang pinto. Sinalubong ako ng malamig na hangin, tahimik na paligid, at kadiliman.

Maingat na isinara kong muli ang pinto bago lumingon-lingon sa paligid.

Nagpakawala ko ng buntong-hininga bago naglakad palayo sa dorm na hindi lumilikha nang anumang ingay galing sa aking mga sapin sa paa. Hindi rin maalis ang kabog sa aking dibdib.

Bigla kong naalala ang sinabi sa akin ni Nicky. I have to break this rule to seek the information I need and definitely, I already did. I broke the rule.

Napahinto ako sa paglalakad kasabay nang panlalambot ng aking tuhod nang makarinig ako ng kaluskos galing sa kung saan.

Mas humigpit ang hawak ko sa laylayan ng aking blazer. Kinakain ako ngayon ng pangamba at takot.

Mabilis na lumingon ako sa aking likod kasabay nang pagtakbo ng isang-- "Pusa." Wala sa sariling sambit ko.

Damn that cat! Halos mamatay na ako sa takot dahil sa kanya! UGH! I will surely punish you once I see you again.

Nagpalingon-lingon ako sa paligid at sinuri kung may kakaiba pa bang bagay maliban sa pusa na 'yon. Tahimik ang paligid kaya nagpatuloy na ako sa paglalakad.

Dammit! Ang lawak ng Hell University! Paano ko sila hahagilapin sa impyernong ito?! Baka abutan na lang ako nang pagputok ng araw hindi pa ako nakakalahati sa HU.

Mabilis na nagtago ako sa likod ng isang malaking trash can nang makarinig ako ng tawanan hindi kalayuan sa akin. Pigil ang paghinga na ginagawa ko habang palapit nang palapit ang tunog ng mga lalaking sa tingin ko ay nasa dalawa lang.

Biglang sumagi sa isipan ko ang patalim na ibinigay sa akin ni Supremo. I should have brought it! Nakalimutan ko dahil sa pagmamadali! UGH! Wala akong anumang armas. Kailangan kong mas maging maingat.

"Ano ba kasing nakita sa kanya ni Boss? I am better than him."

Hindi ko alam kung nanandya talaga sila at malapit sa akin pa sila nagkwentuhan. Halos hindi na rin ako huminga, hindi lang makagawa ng anumang ingay na siguradong ikapapahamak ko.

"Better than him? Whoa! He is better--- I mean wala ka sa kalinkingan ni'ya."

"Gago."

"Bro, malaking tulong sya sa atin. We can defeat the Devil God Warriors because of him."

Seriously? Wala ba silang balak umalis? Nangangawit na ako sa aking posisyon at pakiramdam ko ay bibigay na ang aking tuhod kahit na anong segundo.

Hell University (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon