XI. Bestfriend

68.2K 3.2K 243
                                    

Bestfriend?

Nagulat at napatigil ako sandali sa narinig kong binanggit mo. Lumakas ang kabog ng dibdib ko. Hindi ko aakalain na tatawagin mo ako ulit ng ganun. Nakatingin ka lang sa akin pero hindi ko magawang tumingin sa'yo.

Kinakabahan ako.

Kinikilabutan ako.

Parang may naramdaman akong kung ano mang kirot sa puso ko ng marinig ko 'yung bestfriend. Naguluhan ako bigla.


“Best friend…” Iniulit mo 'yung sinabi mo. Nakayuko lang ako at hindi makatingin sa'yo nang naramdaman kong lumapit ka sa akin. Hinawakan mo ang mukha ko kaya naman ay lumayo agad ako sa'yo at napatingin sa mga mata mo.


Nangingintab.

Hindi ko alam kung ano sasabihin ko. Hindi ko alam kung ano ang irereact ko. Ang alam ko lang ay 'yung puso ko:


Ayaw paawat sa pagtibok ng mabilis.

Hinawakan mo ako sa magkabilang balikat ko at hinayaang kong magkatitigan tayong dalawa. Gusto kong kumawala sa hawak mo pero hindi ko magawa. Nanghihina ako.

Para sa akin, mata mo ang pinaka gwapong mata na natititigan ko at para akong adik na nahahigh sa mata mo. Ewan ko. nahihibang na naman ako.

Ngumiti ako at inialis ko ang dalawang kamay mo sa magkabilang balikat ko.


“Bakit? Anong problema?”

Nakatitig man ako sa mata mo, hindi ko pa din mawari kung ano nga ba ang nararamdaman mo. Hindi ko alam kung masaya ka ba, malungkot ka ba o may galit ka ba.

Pero isa lang talaga ang sigurado ako, gulong gulo na ako.

Niyakap mo na lang ako bigla.


“B-bakit?” Nagwawala na talaga itong puso ko.


“Yakapin mo na lang ako pabalik, please” Automatic namang sumunod ako sa'yo. Niyakap na din kita kahit hindi ko alam kung bakit.

Parang dati lang, niyayakap mo ako sa tuwing malungkot ka at masaya. Pero ngayon, parang niyakap mo ako dahil wala lang. Niyayakap mo ako ngayon dahil gusto mo lang.


Ang sarap sa feeling.

Gusto kong maiyak sa saya at lungkot.

Sa pagkawala mo, inisip kong hindi na kita mahal. Kinaya ko mag isa. Kinaya ko magmahal ng iba. Pero ngayong nagbabalik ka na ulit sa akin, narealize ko na lang:


Hindi kailanman nawala pagmamahal ko sa'yo.



---x
Dedicated to Ly:
"namaaan. ang ganda din nung mata niya eh. Mas maganda pa sa mata ko. Pero at least ngayon. Di ko na siya mahal. Mejo gusto pa pero sinusubukan mawala ung nararamdamang iyon. MU na sila eh. :-\"

Best FriendOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz