XII. Bestfriend

68K 3.3K 198
                                    

“Namiss kita”

Hindi ko mapigilang umiyak. Hindi ko alam kung sa sobrang saya ba o sa sobrang lungkot ang pag iyak kong ito. Pero parang umaapaw ang puso ko sa kaligayahan.


Kaligayahan dahil sa'yo.

Magkayakap lang tayo. Walang gumagalaw. Walang nagsasalita. Tanging tibok lang ng puso ko ang naririnig ko. Malakas na kabog at mabilis na tibok. Para akong nakukuryente at para akong nakahigh.


Nakakahiya sa'yo.

Hindi ko alam kung naririnig mo ang malakas na kabog ng puso ko. Hindi ko alam kung may naririnig ko o nararamdaman. Basta ang alam ko lang.


Masaya ako.

Sobrang saya.

Hinayaan mo akong ibaon ang ulo ko sa balikat mo. Hindi ka pa din nagsasalita. Hindi pa din ako nagsasalita. Basta ang alam ko lang, umiiyak ako.


Umiiyak ako sa saya.

After ilang years na hindi natin pagkikita, ngayon mo lang narealize na namimiss mo ako. Sa ilang years na 'yun, ano kaya ang ginawa mo? Naiisip mo kaya ako? Sumasagi ba ang mukha ko sa utak mo?


“Namiss din kita…” Hinaplos mo ang buhok ko. Paulit ulit mo lang na hinahaplos ang buhok ko habang umiiyak ako at sa bawat haplos na 'yon, feeling ko bumalik sa akin lahat lahat.

Bumalik sa akin 'yung kuya ko.

Bumalik sa akin 'yung best friend ko.

Bumalik sa akin 'yung mahal ko.


“Tahan na” Patuloy ang pag iyak ko at paghaplos mo sa buhok ko. Ang tagal mo kasing nawala. Saan ka ba nagsuot? Saan ka ba nagpunta?


“Nakakainis ka” Pinalo palo kita sa dibdib mo habang umiiyak ako. Tumingin ka sa akin at nakaramdam na naman ako ng hiya sa itsura ko ngayon. Iyakin, mukhang gusgusin at parang bata.


Out of nowhere, bigla kang tumawa.


“B-bakit?” Hinawakan mo ang mukha ko at pilit na pinapatigil ang umaagos kong luha. Ngumiti ka sa akin na parang ang amo amo ng mukha mo. Ngumiti ka sa akin tulad ng pagngiti mo nung minahal kita noong highschool pa tayo.


“Alam mo, sa ilang years nating magbestfriend…” Pinunasan mo huling luha na nakadampi sa mukha ko, nakakahiya. Sinisipon na tuloy ako.


Ikaw kasi eh.


“…ngayon lang kita nakitang umiyak” Hindi ko alam kung nahalata mo 'yun pero panandaliang nanlaki ang mga mata ko sa gulat, nakangiti ka pa din sa akin.

Ngayon mo lang nakita na umiyak ako sa harap mo.

Sana malaman mo din na ilang beses na ako umiyak.

Umiyak sa likod mo dahil sa sakit.

Sakit dahil sa pagmamahal ko sa'yo.


---x
Dedicated to Ckai:
"naispeechless talaga ako dito.  parang gusto ko na lang maiyak.  :'("

Best FriendTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang