XIII. Bestfriend

65.8K 3.1K 171
                                    

Iniayos mo 'yung buhok ko, tinignan mo ako sa mata sabay pisil sa pisngi ko.


“Ang cute mo” Napangiti ako sa sinabi mo.

Ilang years ko din hinahanap-hanap ang pagpisil mo sa pisngi ko. ilang years ko hinahanap-hanap 'yung pagsabi mo ng ‘ang cute mo’ sa akin.


Ilang taon ang lumipas.

Ikaw pala talaga ang hinahanap ko.


“Sorry pala” Tinapik tapik mo 'yung mukha ko at pinisil pisil na parang pisngi ng bata.


“Para saan?” Tinigil mo ang pagpisil sa akin at nagseryoso ng mukha. Huminga ka ng malalim at ito na naman ako, kinakabahan.


“Sa lahat” Natakot ako bigla. Natatakot ako na baka alam mo na palang mahal kita sa una pa lang at sinasaktan mo lang ako. Ang lakas na naman ng kabog ng dibdib ko.


“Sa lahat?” Hindi. Ayoko. Ayokong malaman niya. Tama na ang ganito. Masaya na akong magkaibigan kami. Masaya na ako.

Ayoko na isacrifice 'yung friendship natin.


Ok na ako.

Ok na ako bilang best friend mo.


“Oo, sa lahat. Tapos nung huli nating…” Sa isang iglap, naalala ko lahat ng nangyari nung gabing 'yun sa 7eleven. Lahat ng nakita ko at lahat ng naramdaman ko.

Naramdaman ko ulit 'yung sakit.

Nagbalik 'yung sakit.


Ang sakit pa rin.


“Sorry…” Yumuko ka.

Nakikita ko ngayon sa harap ko na parang sobra kang nagsisisi sa ginawa mo. Hindi naman ako pusong bato. Nakakainis ka pa.

Alam mong hindi kita matitiis.

Alam mong hindi kita maiiwan.

Alam mong hindi kita papabayaan.

Alam mo di ba?

Alam mo nga ba?


Sa isang sorry mo lang.

Nawala lahat.


Sa isang sorry mo lang.

Naglaho lahat.


Sa isang sorry mo lang.

Apology accepted kaagad.



---x
Dedicated to Isay:
"Hay... ganun ba talaga pag-inlove? Sa isang sorry lang nya napatawad mo na agad, parang ang kasalanan nya lang sayo eh kinuha ang ballpen mo.

Iba rin. :)"

Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon