10th Chapter

99.8K 2.5K 145
                                    

**revised chapter**

***

“Waaaa Lei! Mas bagay pala sayo yang ganyan eh! Ang ganda mo na!” 

“Ibig sabihin, hindi ako maganda dati?” walangya ‘tong Al na ‘to ah!

“Oo kaya mukha kang bruha dati! Hahahaha!” Binatukan ko nga.

Nandito kami ngayon sa mall at hinihintay namin si Francine. Sinamahan niya pa raw kasi yung kapatid niya kaya malelate siya. Manonood kasi kami ng sine ngayon at ililibre ako ng dalawang ‘to. Minsan lang sila manlibre kaya lulubus-lubusin ko na. Kuripot kasi yang dalawang yan.

“Ay leche.” Napatingin naman ulit ako kay Al habang nagtetext siya.

“Bakit?”

“After one hour pa raw makakapunta si Francine! Takte ang tagal!”

“So ano nang gagawin natin?”

Nagdecide na lang kami na maglakad-lakad muna pero napahinto si Alleine sa harap ng salon.

“Papagupit ka?” tanong ko sa kanya.

“Gusto kong magpakulay. Tara!” saka niya ako hinatak papasok sa loob. Inassist naman agad siya ng staffs pero pati ako pinaupo doon sa upuan.

“Ay hindi po ako—”

“Pati po siya,” sabay turo sa akin ni Al. Nashock naman ako nung sinabi niya yun dahil wala akong dalang extrang pera. Ang mahal pa naman ng bayad sa salon na ‘to!

“Huy, wala akong pera!”

“Bayaran ko yung kalahati,” at nag-okay sign pa siya.

Ito ang hirap pag kasama ko ang babaeng ‘to eh. Siya talaga ang laging nasusunod. Pero sige na nga. Para new look talaga. New hair style at hair color.

Pinapili ako doon sa list ng colors na available at yung light brown na medyo blonde yung pinili ko. Si Al naman, dark red ang pinili.

After one hour, nagtext si Francine at on the way na raw siya kaya sinabi namin kung nasaan kami. Ilang oras pa yung lumipas at natapos rin. Sobrang nanibago ako sa itsura ko.

“In fairness, bagay sa’yo,” sabi ni Francine.

“Sa akin ba, bagay?” tanong naman ni Al.

“Oo na. Every year ka naman magpalit ng hair color eh. Itong si Lei forever black ang buhok. Ngayon lang nagbago.”

Dumiretso muna kami sa KFC para kumain. Nung nakahanap na kami ng mauupuan, ako ang inutusan nila na bumili ng pagkain namin. Pumunta naman agad ako sa counter habang binibilang ko yung pera na binigay ng dalawang yun. Mahirap na, baka dinuduga na naman nila ako. Pero bigla akong may nakabangga kaya nalaglag yung dalawang sampung piso na hawak ko.

“Miss, sorry—”

“Ay okay lang po, hindi kasi ako nakatingin sa daan—”

“Lei?”

Halos hindi ako nakahinga nung nakita ko kung sino yung nasa harapan ko ngayon.

Si Andrew.

Pero ang masakit? May kasama siyang iba—si Aiza. Biglang bumigat yung pakiramdam ko at parang nanunubig na rin yung mga mata ko. Pinulot ko yung nalaglag na barya at kinalma ko yung sarili ko.

‘Usong magmove on!’

‘Hindi ka pa rin ba natatauhan?’

Tama na, Lei. Kaya nga nagpagupit ako ‘di ba? Kasi ito na yung simula ng pagmomove on ko. Oo masasaktan ako pero part yun ng pamomove on. Kailangan ko lang magpakatatag para makaya ko ‘to.

“Sorry, Andrew. Hindi kasi ako nakatingin sa dinadaanan ko. Excuse me,” saka ako ngumiti ng pilit sa kanilang dalawa at dumiretso ako sa counter.

Pinunasan ko kaagad yung mata ko dahil papatak na yung luha. Huminga ako nang malalim at saka ako nag-order.

Ang dami namang tumatakbo sa isip ko habang hinihintay ko yung order namin. Sa lahat naman ng pwedeng makita ngayon, si Andrew pa at kasama niya pa talaga si Aiza. Nagdedate ba sila?

Bumigat na naman yung pakiramdam ko.

Pero narealize ko na ngayon na lang niya ulit ako kinausap kahit hindi naman niya alam na ako yun. Hindi niya ba ako nakilala? At dito ba sila kakain? O tapos na sila?

Sobrang sakit pa rin talaga. Dati ako yung lagi niyang kasama. Kami yung magkasama kapag kakain sa labas. Ang sakit makita na hindi na ako yung nasa tabi niya.

“Ma’am, here’s your order! Thank you!”

“T-Thanks.”

Hindi ko na lang muna sila inisip at dumiretso ako sa table namin. Pagtingin ko doon, nakangiti silang dalawa sa akin.

“Lei, good job!”

“Akala namin kailangan mo pa ng back-up eh.”

Kahit papaano, napangiti naman ako.

Kahit masakit at mahirap, gagawin ko pa rin ‘to. Mas masasaktan lang kasi ako kung ipagpapatuloy ko yung paghahabol ko sa kanya. At yung pag-iwas ko sa kanila kanina ang first step ko.

I’ll slowly get over you, Andrew.

***

Getting Over You (Over, #1)Where stories live. Discover now