15th Chapter

99.5K 2.1K 105
                                    

**revised**

***

Nandito ako ngayon sa ospital at naglakad-lakad muna ako dahil chinecheck ng mga doctor si Kyle. Ilang gabi na rin akong hindi makatulog nang maayos dahil lagi kong napapanaginipan ‘yung nangyari...and it haunts me. Kahit na sinasabi ni Mama at nina Alleine na hindi ko kasalanan ‘yung nangyari, naguguilty pa rin ako. Ang bigat pa rin sa kalooban.

Namimiss ko na ‘yung kapatid ko. ‘Yung pagsusungit niya, ‘yung pagtatampo at ‘yung ngiti niya. Mas gugustuhin ko pang inaaway niya ako palagi kaysa makita siyang walang malay. Tuwing pupunta ako sa kwarto niya, sumisikip ‘yung dibdib ko at naiiyak ako.

“You’re crying again.”

Pagtingin ko, nasa harapan ko na pala si Andrew at bigla niyang pinunasan ‘yung luha ko. Hinatak niya ako papunta doon sa isang bench at pareho kaming umupo.

Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi niya. Hindi rin ako makapaniwala na bumalik na siya sa akin. Nakaconfine na siya ngayon dito sa ospital para sa preparation sa operasyon niya next week.

“Kamusta na si Kyle?”

Umiling ako sa kanya at nung tinignan ko siya sa mga mata ay kusa na lang bumagsak ‘yung luha ko. Siguro dahil na rin sa dami ng frustrations na nararamdaman ko. Pero ngayong nasa tabi ko siya, pakiramdam ko magiging okay din ang lahat.

Parang nung nakaraan lang, tinataboy niya ako palayo sa kanya, pero ngayon, magkayakap kami. Alam ko namang ginawa niya lang ‘yun dahil natakot siya sa kalagayan niya. Pero kahit na ano pang mangyari, hinding-hindi ko na siya bibitawan. Kahit ano pang sakit niya, hinding-hindi ko siya iiwan.

“Lei...”

“Hmm...”

Nakasandal lang ako sa dibdib niya at naaamoy ko ‘yung pamilyar niyang pabango. Naramdaman ko naman na humigpit ‘yung hawak niya sa kamay ko.

“Pano kung...pano kung hindi—”

“You just need to believe, Andrew.” Alam ko na kasi kung anong gusto niyang itanong. Kahit ako, natatakot para sa surgery niya. Hindi kasi ganun kataas ang percentage ng success pero ‘yun lang ang way para gumaling siya. “Kung hindi ka naniniwalang magiging successful ‘yung operation mo, ako naniniwala. Everything will be okay,” saka ako ngumiti sa kanya.

Ngayon ko narealize na hindi dapat ako nanghihina ngayon. Ako dapat ang nagpapalakas ng loob niya and not the other way around. Ako dapat ang magpakatatag para kay Kyle at Andrew. They need me.

After that ay bumalik na siya sa room niya at ako naman ay pumunta sa kwarto ni Kyle. Umupo ulit ako sa gilid niya at hinawakan ko ‘yung kamay niya.

“Kyle, miss ka na ni Ate. Gising ka na, please?”

Nagulat naman ako nung biglang gumalaw ‘yung daliri ni Kyle. Agad-agad akong tumayo at tumawag ako ng doctor. Pinalabas muna nila ako sa kwarto at kinontact ko kaagad si Mama. Hindi na ako mapakali dahil sa commotion sa loob pero nung lumabas ‘yung doctor ay agad ko siyang hinarang.

“Doc! K-kamusta na po...y-yung kapatid ko?” bigla niya akong hinawakan sa balikat.

“Gising na siya...”

Pagkarinig ko nun ay para akong nabunutan ng tinik sa dibdib at tuluy-tuloy nang umagos ‘yung mga luha ko. Akala ko...akala ko...hindi ko na ulit makikitang magising ang kapatid ko.

“Pero...nadamage ang ilang nerves sa mata niya kaya...”

Pagkasabi nun ng doctor ay tumakbo ako sa loob at lumapit ako kay Kyle. Gising na siya. Gising na ‘yung kapatid ko.

“Kyle!” Niyakap ko siya kaagad at umiyak ako sa kanya.

“A-ate? Ikaw...ba...yan? Bakit...bakit ang dilim?”

“Shh. Wag kang mag-alala, gagamutin ka ng mga doctor, okay?”

“Ate...ang dilim. Wag mo kong...wag mo kong iiwan.”

“Sorry Kyle. Sorry...”

Hinawakan niya ‘yung kamay ko at magkahalong tuwa at lungkot ang naramdaman ko. Oo, gising nga siya, pero hindi niya ako makita. Nawalan siya ng paningin. Sobrang naaawa ako sa kanya ngayon at naramdaman ko na naman ‘yung guilt. Kung hindi lang sana ako naging pabaya...

“Kyle? Kyle, anak!”

Pagtingin ko sa pintuan ay tumakbo si Mama papunta sa amin at agad niya ring niyakap si Kyle.

“Mama...” Umiyak na rin si Kyle at niyakap niya rin si Mama.

“Kyle…Diyos ko…salamat…”

Nakiyakap na rin ako sa kanila at umiyak kaming tatlo doon. Kahit na walang paningin sa ngayon si Kyle, mas mabuti na ‘yun kaysa hindi na siya magising.

Sana, maging maayos din ang kalagayan ni Andrew.

***

Getting Over You (Over, #1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang