13th Chapter

104K 2.5K 150
                                    

**revised**

***

Madaling araw na pero hindi pa rin ako makatulog. Mag-isa lang ako ngayon sa bahay at nagrereplay pa rin sa utak ko ‘yung nangyari kanina. Gusto kong pigilan ‘yung mga luha ko pero tuluy-tuloy lang silang tumutulo. Tahimik lang akong nakahiga pero deep inside, gusto ko nang sumigaw.

Oo stable na ‘yung lagay ni Kyle pero hindi pa rin sigurado kung walang damage sa kanya. Dahil sa akin...dahil hindi ko siya binantayan...nangyari ‘to.

Sobrang naguguilty ako sa nangyari. Kahit na sinabi ni Mama na wala akong kasalanan, hindi ko pa rin maiwasang hindi sisihin ang sarili ko dahil ako ang kasama ni Kyle nung nangyari ‘yun.

Bigla namang nag-ring ‘yung phone ko kaya kinuha ko sa gilid. Pinunasan ko rin ‘yung luha ko at inayos ko ‘yung boses ko.

“Lei, nalaman namin sa Mama mo.”

“Sorry dahil late naming nalaman. Sana nakasama mo kami kanina.”

This time, humagulgol na ako dahil narinig ko ‘yung boses ng best friends ko. ‘Yung dalawang taong hindi ako iiwan kahit na anong mangyari. Alam kong naririnig nila ‘yung pag-iyak ko pero hindi sila nagsasalita at hinayaan lang nila ako.

“May kasama ka ba ngayon sa bahay niyo? Umuwi na ba ang Mama mo?” tanong ni Francine pero hindi na ako makasagot.

“Francine, punta na lang tayo. Hintayin mo kami ha?” sabi naman ni Al.

After that ay naputol na ‘yung linya. Sobrang nagpapasalamat talaga ako at sila ang naging mga kaibigan ko. Kahit na hindi sila perpekto at madalas iba-iba kami ng opinyon, sa mga ganitong sitwasyon ay hindi nila ako pinapabayaan. They are really like my sisters.

Kinalma ko naman muna ang sarili ko habang hinihintay ko sila pero bigla kong naalala si Andrew. Alam kong masakit pa rin ‘yung ginawa niya sa akin pero hindi ko maiwasang hindi mag-alala nung nakita ko siya sa ospital. Ano ba kasing ginagawa niya doon?

Bigla ko namang naalala rin ‘yung babaeng nakausap ko kanina. Bumigat ‘yung pakiramdam ko dahil naalala ko ‘yung pinag-usapan namin. At least buhay pa si Kyle pero ‘yung kasama nung babae, namatay na. Sana maging ayos siya.

Nung dumating sina Francine at Alleine ay niyakap agad nila ako kaya tuluy-tuloy na naman ‘yung luha ko. Kapag ganitong kino-comfort nila ako, lalo lang akong naiiyak at the same time ay gumagaan ‘yung pakiramdam ko dahil alam kong nandyan sila.

Binantayan lang nila ako hanggang sa unti-unti na akong nakatulog.

***

Pagkagising ko ay wala na sila. Nakakalungkot pero alam ko namang may pamilya rin silang inaasikaso. Tinignan ko rin ‘yung phone ko at nagtext pala si Mama.

Lei, pwede bang ikaw muna rito sa ospital? Uuwi lang muna ako saglit.

Nagreply naman agad ako kay Mama at nagprepare na rin ako.

Kailangan kong tatagan ang loob ko. Dapat nga siguro ay maging positive na ako sa pag-iisip. Ayoko nang maramdaman ‘yung naramdaman ko kahapon. Ayoko nang masaktan ng ganun.

Pumunta ako sa ospital at nagkita kami ni Mama tapos ay dumiretso na siya sa pag-uwi. Nasa private room na rin si Kyle pero wala pa rin siyang malay. May benda siya sa ulo at marami rin siyang galos sa katawan. Nagbabadya na ‘yung mga luha sa mata ko pero pinigilan ko. Sabi ng doktor, within 72 hours ay may possibility na magising siya.

Umupo ako sa tabi ni Kyle at hinawakan ko ‘yung kamay niya.

“Kyle, si Ate ‘to. S-sorry ha? Sana magising ka na. Namimiss na kita.”

Hindi talaga ako sanay na makitang ganito si Kyle. Kahit na madalas kaming mag-away ay mahal na mahal ko siya. Sobrang sakit sa pakiramdam na nakikita ko siya sa ganitong state.

“Gising ka na ha? Namimiss ka na rin ni Mama,” tapos hinalikan ko ‘yung kamay niya at nagsimula nang tumulo ‘yung mga luha ko. “Kung pwede lang...na sa’kin na lang nangyari ‘to.”

Binantayan ko lang si Kyle hanggang hapon at dumalaw naman sina Francine at Alleine pati na rin ‘yung parents nila nung tanghali. After that ay umalis na rin sila at naiwan na naman ako rito.

Lumabas muna ako ng room para sana magpahangin pero nagulat ako sa nakita ko at talagang nanigas na lang ako sa kinatatayuan ko.

“Lei?”

Kaharap ko ngayon si Andrew at gulat na gulat rin siya nung makita niya ako. Sobrang bumilis ‘yung tibok ng puso ko at halu-halong emosyon na ‘yung nararamdaman ko.

“B-bakit ka nandito?” tanong niya sa akin pero hindi na ako makapagsalita. Parang nagbara na ‘yung lalamunan ko.

“K...Ky...Kyle...” tapos tumingin na lang ako sa pinto ng room ni Kyle kaya napatingin rin siya doon. Mukhang naintindihan niya naman ‘yung gusto kong sabihin kaya parang lumambot ‘yung expression ng mukha niya.

Kahit na alam kong posibleng magkita kami rito ay hindi ko pa rin alam ang gagawin ko. Gusto ko siyang kausapin pero natatakot ako. Natatakot na ako sa pwede niyang sabihin sa akin. Minsan na niya akong niloko at sinaktan. Natauhan na ako. Pero ngayong nasa harapan ko siya ay bumabalik na naman ‘yung ala-ala namin. ‘Yung panahong masaya pa kami sa isa’t isa.

‘Move on, Lei.’

Bago pa ako tuluyang magbreakdown ay naglakad na ako palayo sa kanya. Pero ang hindi ko inaasahan ay pinigilan niya ako at hinatak niya ‘yung braso ko.

“Lei, I have something to tell you.”

Getting Over You (Over, #1)Where stories live. Discover now