XXXIX | Glimpses

233K 9K 2.5K
                                    

Cesia's POV

"As a lot of you know, offsprings of Olympians are rare..." Nasa field kami ngayon, kasama si Sir Glen. "Well, not that rare... but you still fall under the category." sabi niya. "That is why, it is necessary for you to know how to use your abilities to defend yourselves."

Hmm... sa anong paraan ko pa kaya magagamit yung abilities ko? Pwede ko kayang gamitin yung kapangyarihan ko para pilitin yung iba na sundin lahat ng gusto ko? As in... lahat?

Napailing ako sa iniisip ko.

"You can use your weapons but only for a very short amount of time. Except the daughter of Ares, of course." Lumipat ang kanyang tingin kay Ria. "Your ability is to summon weapons. I can't put a limitation on that."

"What are we supposed to do again?" ani Ria.

"I want you to fight me." Umatras si Sir nang ilang hakbang, at ilang sandali pa'y isa-isang lumitaw sa kanyang likuran ang parang mga... duplicates niya? At dalawa ng mga ito'y matatalim ang tingin na binabato sa'kin.

"All of me." sabay-sabay nilang sabi.

Hindi ko nabilang nang maayos ang mga Sir Glen na nakapalibot sa'min dahil sa dami nila. Napalunok ako at palihim na nagtago sa likod ni Art na natawa naman nang mapansin ako.

"Mag-ingat ka Cesia." Bahagyang nakahilig ang kanyang ulo sa'kin. "Great grandson ni Athena si Sir Glen. He can smell fear. Baka gawin kang main target! Gusto mo yun? Para mas challenging ganu'n... Hihihi..." May kasamang hagikgik ang pananakot niya sa'kin.

"A-Art!" Madali akong nakaalis mula sa pagtatago pagkatapos niyang sabihin 'yon.

"Rio let me borrow his remote for visual training."

Sinubukan kong hanapin ang orihinal na Sir Glen pero hindi ko nagawa. Para kasing nanggagaling sa iba't-ibang direksyon yung boses niya.

"I adjusted some of the settings so don't tell him about it, okay?"

Napagtanto kong ako nalang ang hindi pa handa dahil bawat isa sa mga kasama ko ay may kani-kanilang pwesto na sa field.

"You look lost, Cesia."

"P-Po?"

Dalawang Sir Glen ang nasa harapan ko ngayon. Tinignan ko ang siyang nagsalita. Nakakuyom ang kanyang mga kamao na para bang nangangating tugisin ako sa unang segundo ng tiempo.

"At your right."

Lumingon ako sa kanan... at agad pinagsisihan ang ginawa ko.

Sa isang iglap, nakahiga na ako sa lupa at naghahanap ng hangin. Nakatanggap kasi ako ng dalawang pinagsabay na suntok sa sikmura sa segundong tinanggal ko ang aking tingin mula sa kanila.

"Agh-" Mahigpit akong napahawak sa tiyan ko at gumulong-gulong sa paanan nila.

Ang sakit n'on!

Napabitaw ako nang may sumipa sa likod ko dahilan na mapaubo ako kasabay ang paglabas ng dugo mula sa'king bibig. Pinunasan ko ang sulok ng aking labi bago i-angat ang sarili gamit ang lakas na panandalian kong naipon. Hindi pa nga ako tuluyang nakatayo ay tumilapon na naman ako paatras.

Nakita ko si Chase na nakatayo sa tabi ko. "Cesia? Ayos ka lang?" Nakayuko ang kanyang ulo nang matignan ako.

Itinaas ko ang aking kamay at binigyan siya ng thumbs up. Hinawakan niya naman yung braso ko at hinatak ako patayo.

Olympus Academy (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon