LI | The Elite

197K 8.8K 1.1K
                                    

Cesia's POV

Pagkatapos halungkatin ang isang kahon na may lamang books at saka notebooks, ibinalik ko ito sa dating kinalalagyan nito, sa pinakatuktok ng bookshelf. "Ano nga ulit yung hinahanap natin?"

"Wala nga tayong ideya kung ano yung hitsura ng hinahanap natin ih! Ballpen? Relo?" Inilabas ni Art ang dalawang sanitary pads na nakatago sa mga drawers. "Napkins?"

"Art? Are you sure you sensed something here?" tanong ni Ria habang pinagbubuksan ang cupboards sa itaas ng stove. "Particularly sa room na'to?

"Yeps!" Lumipat si Art sa kabilang cabinets. "Nasa labas nga lang ako nu'n."

"Makes sense." ani Ria.

"Kanino ba kasing dorm room 'to?" May sinusuring pouch si Art na naglalaman ng make-up. "Bakit ayaw niyong sabihin sa'min?"

"Because we're literally trespassing." paalala ni Ria sa kanya. "We can't say something unless we find something. Kaya kung ayaw mong parusahan tayo dahil sa ginagawa natin, then save all your questions and continue looking!"

"Ano nga yung hinahanap natin?!" Halatang pikon na pikon na si Art.

Ipinatong ni Ria ang kanyang palad sa buhok niya at kinuyom ito. "Gods! I don't know! Maybe something that looks like a machine?!"

"Eh pwede ngang mag-anyong napkin ang machines eh!"

"Lower your voice or else we'll get caught." babala ni Kara sa dalawa. "What we're doing is equivalent to a year's worth of punishment."

Napatingin ako sa wall clock na nakakabit sa itaas ng dining table at napag-alamang mahigit sampung minuto na kami dito.

Kanina lang, pumunta kami sa opisina ng aurai na may hawak ng spare keys ng dormitories. Pinilit nila akong gamitin yung ability ko para makuha ang key card ng room kung nasa'n kami ngayon at nagawa nga nila akong pilitin kahit labag ito sa kalooban ko. Dahil unang-una, hindi ako nag-aaral dito para matuto kung paano gamitin yung ability ko upang maka-trespass, at pangalawa, mas lalong hindi ako nandito para maparusahan sa loob ng isang buong taon.

"Wala rin dito." bulong ko matapos yumuko para sumilip sa ilalim ng dalawang higaan.

"Huhuhu! Ano nalang ang sasabihin ni Apollo kapag nalaman niyang lumabag ako sa rules and regulations ng Academy." paghihinagpis ni Art. "Ihahanda ko na talaga yung sarili ko kung sakaling dahon lang ang matatanggap kong grace next school year."

Pinagpag ko yung skirt ko at inikot ang aking tingin sa kabuuan ng silid. Tumigil ang aking mga mata sa nakasaradong pinto sa may dulo ng countertop kaya lumapit ako dito at binuksan ito. Pagkapasok ko, sinalubong ako ng pinaghalong amoy ng sabon, shampoo, pati na rin perfume.

Kahit mas maliit ang room na'to kung ikukumpara sa dorm ng Alphas, nalaman kong malaki pa rin ito base sa malawak na bathroom nila. May space pa nga sila para sa isang bathtub eh, at sa tabi nito ay ang shower area.

Huminto ako sa harap ng salamin para tignan yung repleksyon ko.

Dahan-dahan akong napahawak sa'king mukha. Ngayon ko lang ulit nakita ang sarili ko nang ganito katagal simula nung claiming ceremony... at masasabi kong tuluyan na nga akong nagbago.

Pero ako pa rin naman 'to, diba? Si Abigail?

"We have one minute to make sure everything's back to its place." Narinig ko ang boses ni Ria mula sa labas at ang kanyang mga palakpak para madaliin kami. "Bilisan na natin!"

Olympus Academy (Published under PSICOM)Where stories live. Discover now