LXI | Pricked

193K 7.8K 3.5K
                                    

Cesia's POV

Ang mahalaga sinusubukan mo, sabi ko sa sarili pagkatapos muntik nang mahulog mula sa likod ng centaur na hindi pa nakuntento sa bilis niya at tumakbo pa lalo.

"A very cold breeze, tonight, don't you think?!" nananabik niyang tanong.

"Ah-haha..." Pilit kong itinago ang aking kaba. "O-Oo nga..."

Ang mahalaga, sinubukan ko pa ring lumaban kahit ilang beses na akong muntik na mahulog.

Ba't naman ako hindi susubok, eh, lahat sila may ginagawa habang nakasakay. Hindi katulad ko na pinoproblema kung paano ako kakapit sa centaur.

Napalunok ako.

First time ko pa kasing sumakay sa kabayo!

"U-Umm..." Pakiramdam ko mawawalan na ako ng balanse. "Pwede bang ano..." Hindi ko na nakayanan ang bilis. "Pwede bang-"

"Dinig kita!" sigaw niya sa likod ng ingay ng humahagibis na hangin. "Huwag kang mag-alala!"

Nanlaki ang aking mga mata nang bigla siyang bumuwelo kaya napatukod ako ng mga kamay sa likod. "Teka-" Mahina akong napatili.

"Watch out for the branch!" babala niya.

Pero huli na dahil nauntog pa rin ang noo ko rito. "Aray!"

"Slow down, Kahlo!" sigaw ng centaur na sinasakyan ni Kara. "You are going too fast!"

Mabuti nalang at narinig niya ito kaya bumagal ang takbo namin. "Signómi, Pa!" natatawa niyang sagot. "It's not everyday you get a pretty girl to ride you!"

"That didn't come off as strange to you, did it?" tanong ni Kahlo. "You see, we centaurs love pretty women!"

Napakurap-kurap ako.

"The lovers of the wild, they call us!" pagmamalaki niya. "And we are! Very wild lovers!"

Nilingon ko si Kara na hinahagis-hagis ang shield niya. Si Art naman, hatak nang hatak ng tali ng kanyang pana, habang si Ria, mahigpit na nakakapit sa espada niyang nakahilig patagilid, sa paraang nahihiwa niya ang mga kalabang lumalapit sa kanya pati na 'yong mga nadadaanan niya.

"This is fun!" sigaw pa niya. "Hahaha!"

Biglang may pumasok sa aking isipan.

"Kahlo?" sambit ko.

"Dinig pa rin kita!"

"Paano ba sumakay sa kabayo?" tanong ko.

"Oh! It's easy!" aniya. "Just sit up straight and keep your heels down!"

Sinunod ko ang sinabi niya. Tinuwid ko ang aking likod at siniguradong maayos na nakababa ang aking mga paa.

"Tapos?"

"Try to hold your balance!" dagdag niya. "And that's it! The horse can take care of the running and-" 

Napasinghap ako nang bigla siyang lumundag. 

"Galloping!"

Nilunok ko ang kaba na namuo sa lalamunan ko saka tumango-tango.

"You're a demigod! I'm sure you'll get used to it!" Humalakhak siya. "The last mortal who rode me? He fell and broke his neck while we looked for a treasure!"

Olympus Academy (Published under PSICOM)Where stories live. Discover now