Hindi Ako Isang Makina

44 5 1
                                    

Limitasyon

Mama, Papa.
Hindi ako isang makina.
Ako'y isang katauhan,
may puso at isipan.

Pakiramdam ko'y kayo ang buwan.
Kahit na anong gawin ko, hindi ko madadatnan.
Lagi niyo nalang akong iniiwan.
Ni hindi niyo nga ako maunawaan.

Nasa kabilang parte kayo ng mundo.
Binubuhay kami sa perang pinapadala kada-segundo.
'Di niyo tuloy kilala ang tunay na ako.
Kaya naman ako'y patuloy na magiging estranghero.

Pare, Mare.
Hindi ako padre.
Hindi sa lahat ng oras,
may maibibigay akong sobre.

Hindi ako bangko na inyong mauutangan.
Kapag wala nang kailangan,
basta-basta niyo nalang iiwanan.
Ni wala man lang kabayaran.

Sir, Ma'am.
Malapit ko na pong mapasa ang proyekto sa agham.
Konting hintay nalang,
Kahit na lumipas pa ang sampung buwan.

Ginawa ko naman ang lahat.
Ngunit ba't hindi pa rin sapat?
Sa mga mata, ano ba ang dapat?

Sinaksak ng PanulatWhere stories live. Discover now