Magbiro Ka at Ako'y Tatawa

45 5 2
                                    


Magbiro Ka at Ako'y Tatawa

Noong tumayo ako sa entablado,
Nagpalakpakan ang hurado.
Tinanghal na panalo,
kahit na alam kong puno ng panloloko.

Hindi lahat ng biro'y nakakatuwa,
ang iba ay nagdudulot luha.
Nagdudulot ng malubhang sakit
at sa bibig ay nag-iiwan ng pait.

Mundo nga'y nanloloko,
isang bagay na aking masisiguro.
Limang tao ang aking sinaktan,
Gumanti naman ay isang daan.

Ako ang bangko ng pangako,
katawan ko ay pinapako.
Sa krus ng namamanglaw,
ako ang magnanakaw.

Ako'y masayahing tao.
Puso ko'y babasagin, parang plato.
Mata ko ay lumuluha.
Tawa ko ay lumulubha.

Magbiro ka at ako'y tatawa.
Hindi dahil nakakatuwa ka.
Ako'y sasaya
Sapagkat alam kong tanga ka.

Oo, tanga ka.
Umapak ka ng dumi sa kalsada.
Nagmura ka pa.
Hindi ka man lang humingi ng dispensa.

Sinaksak ng PanulatWhere stories live. Discover now